Edited by Skyeward88
Una ka ng matulog. Dito na ako matutulog sa sofa. Saad ni Rhian habang nililigpit ang project na kanilang ginawa.
Hindi. Sa kwarto ka matutulog. Tabi tayo😉 Payakap ha :) Ngiting tugon naman ni Glaiza. Tumalikod na rito at tumungo sa kwarto nila ni Grace. Mukhng nakaramdam ang kanyang kapatid na nais nyang masolo ang kanilang bisita.
Lubos namang nagagalak ang puso ni Rhian sa kanyang narinig. Ito ang unang pagkakataon na mamamasdan nyang matulog si Glaiza - ang taong lihim nyang minamahal.
Thank you Lord. Binigyan nyo ako ng pagkakataong makasama at makatabi sa pagtulog ang taong mahal na mahal ko☺. Tuwang panalangin ni Glaiza at ngingiting ngiti dahil sa galak na kanyang nararamdaman.
Nahiga na nga si Glai at hikab ng hikab habang hinihintay si Rhi. Ngunit sinadya naman ni Rhi na talagang magpatagal dahil ang totoo ay kinakabahan sya sa pagtatabi nila ngunit ang mga ngiti sa kanyang labi ay hindi maialis-alis sa kanya.
Nang mainip si Glai ay bumangon ito at pinuntahan si Rhi.
Best ang tagal mo naman. Tara na dito. Mag 2am na o. May pasok pa tayo bukas. Sabay hikab muli ni Glai.
Oo na. Sige, sunod na ako!
Nakahiga na si Glai at nakatalikod ito sa kanya habang sya naman ay nakaharap sa likuran ni Glai. Hindi naman malayo ang pagitan nilang dalawa. Mulat na mulat pa rin ang mga mata ni Rhi at matamang nakatitig ito sa batok ni Glai. Nahuhumaling sya ng husto rito. Nais nyang yakapin ng mahigpit at pagkayakap ay halikan ang maputing batok ni Glai. Maya-maya ay nagsalita ito.
Best pwede bang yumakap sayo? Paalam ni Glai habang patalikod pa rin ang paghiga nito.
Ok bestie. Tugon naman nito.
Dahil sa pantay ang mga ulo nila sa pagkakahiga, pagbaling ikot ni Glai ay di sinasadyang magdikit ang mga labi nila dahil sa nakapikit si Glai ng bumaliktad ito.
Napamulat silang pareho at dinig na dinig nila ang kabog ng dibdib ng isa't isa.
Si Glai na rin ang unang kumalas sa pagkakadikit ng mga labi nila at sumiksik na lamang sa dibdib ni Rhi at yumakap rito.
Kilig na kilig naman si Rhi at maluwang na maluwang ang ngiti sa kanyang mga labi. Mahigpit rin nyang niyakap si Glai at pumikit na rin.
6am ng mag-alarm ang maliit nyang alarm clock.
Nagulat si Glai na wala na sa kanyang tabi si Rhi.
Paglabas nya ng kwarto ay nakita nyang nakaligo na ito at tinutulungan ang kanyang ina sa pagluluto.
Sorry best pinakialaman ko na ang gamit mo. Hehehe. Labhan ko na lang ng mabuti.
Ok lang best. Sige ligo na din muna ako. Ok ka lang ba dyan?
Oo naman. Nakakatuwa nga rito sa kusina eh. 😊
O sige na hija. Maligo ka na para kakain na lang kayo ng kaibigan mo at di kayo malate ng kaibigan mo sa eskwela. Ngiting sambit kay Glai ng kanyang ina.
Opo nay😊. Best wait lang ha. Saglit lang ako. Paalam ni Glai sa dalawa.
Ahm may nanliligaw na ba hija sa anak ko? Nitong mga nagdaang araw kasi naninibago ako sa kanya eh. Isa pa nag-aayos na sya. Lalong lumalabas ang tunay nyang ganda. Mukhang inspired ang anak ko at may napupusuan na. ☺
Ahm wala naman po akong nakikita tita at wala rin naman pong lumalapit sa kanya. Isa pa po lagi naman po syang nagsasabi sa akin. Pero tungkol dun wala naman po tita. Tugon ni Rhi.
Ahm ganun ba. Di kaya sa yo in love ang anak ko? 😉
Nabigla ng husto si Rhi sa sinabi ng ina ni Glai. Sakto pa naman ay umiinom sya ng kape at napaso ang dila nya.
Ahm ehemm ehemmm. Mahinang ubo ni Rhi.
Huwag po kayong magbiro ng ganyan tita. Kayo po talaga.
Hehehe. Biro lang yun hija. Wag mong seryosohin. O sya maiwan muna kita dyan. Kayo ng bahala ni Glai ok.
Ah opo tita. Sige po. Salamat po.
Malakas pa rin ang tibok ng kanyang dibdib sa birong yun ng ina ni Glai. Muli ay naalala ang di sinasadyang pagkakadikitan ng mga labi nila. Muli ay nangiti sya at kinikilig sa mga nangyayari.
