Simula

35.2K 523 41
                                    

"You don't marry someone you can live with - you marry the person who you cannot live without."
-unknown

Simula

Matamang tinitigan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa harap ko. Ilang beses akong nagpakawala ng malalalim na buntong hininga. Kung normal na gabi lang ito, siguro ay nakasuot na ako ng aking pajamas at naghahanda na ako sa pagtulog. Pero hindi ito normal na gabi. Tinitigan kung mabuti ang ayos ko. Nakasuot ako ng eleganteng tube dress na hanggang kalahati lang ng hita ko ang haba. Sa paa ko ay isang pares ng mamahaling sapatos na kakulay ng suot kung golden dress. Dumako ang tingin ko sa mukha ko. Hindi ako sanay sa itsura ko. Kinulot nila ang natural at straight kung buhok. Nilagyan nila ng make up ang mukha ko. Sobrang pula ng mga labi ko. Inalis din nila ang eyeglasses ko at pinalitan ng contact lens. Ibang tao ang nakikita ko ngayon. Hindi si Xherry Tharia Montever na nerd at manang. Hindi si Xherry na laging naka suot ng loose na blouse at pants. Hindi si Xherry na mahilig magsuot ng pants at high cut. Hindi ako ito. This is really not me.

Isang mahihinang katok ang narinig ko sa pinto ng kwarto ko. Bumungad sa akin ang malungkot na mukha ni Mommy. Pula ang gilid ng mga mata nya at halatang galing sya sa pag-iyak. Kahit nakangiti sya ay alam kung umiiyak at naaawa sya para sa akin.

Pero buo na ang desisyon ko. I'm going to do this. Para sa kanila ni Daddy. Dahil kung hindi ko 'to gagawin, my whole family will be in doom. Mapapahamak ang mga mahal ko at yun ang hindi ko kayang mangyari. Hindi na bale na ako yung mahirapan wag lang sila. I'm not saint. Oo, inaamin kung tumanggi at nagmatigas ako 'nong una. Ilang beses kung kinalaban si Daddy dahil gusto kung ipaglaban ang karapatan ko.

"Dad! bakit nyo ako ipapakasal sa lalaking hindi ko kilala?!" Yun ang reaksyon ko nang malaman ko ang lahat. Lubog na sa utang ang kompanya ni Daddy at ako nalang ang tanging paraan para malutas ang problema.

Galit ako sa kanila dahil ibebenta nila ako para lang masalba ang kompanya. Galit ako kasi wala akong magawa sa sitwasyon. Kahit sinong nasa lugar ko ay ganun ang magiging reaksyon. Pero wala e. pamilya ko parin sila kahit anong gawin ko.

Sa totoo lang, hindi totoong hindi ko kilala ang lalaking papakasalan ko. I know him. Kilalang kilala ko sya dahil kilala ang mga angkan ng Delafranco sa buong mundo dahil sa lawak ng DF Global. Ito ang isa sa pinakamalaking global company sa bansa. Kilala din si Karlos Delafranco hindi lang dahil sya ang CEO ng DF kundi dahil kabilang sya sa pinakamayayamang tao sa mundo. Yeah, Delafranco family is power. Kontrolado nila ang lahat kabilang na doon ang mga magulang ko.

"Anak, hindi mo naman kailangang gawin to e. Gusto mo bang kausapin ko ang Daddy mo?" umupo si Mommy sa upuan sa gilid ko at hinagod ang buhok ko.

"Ayokong mapahamak si Daddy, my. Ayoko kayong mapahamak." Pinigilan ko ang sarili kong wag umiyak sa harap ni Mommy. Ayokong mas maguilty at mag-alala sya.

"I'm so sorry, anak. Hindi mo dapat nararanasan ang ganito. Baby girl ko..." Tuluyan ng pumiyok ang boses nya at niyakap ako.

"It's okay, my. Wala kayong kasalanan ni Daddy." Tumulo na yung mga luhang pinipigilan ko kanina.

Sa totoo lang, hindi ako matapang. Takot ako. takot ako sa kahihinatnan ng gagawin ko. Takot ako kasi hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Naging dependent ako sa mga magulang ko. Sanay akong laging nagkukulong lang sa kwarto pag walang klase. Kailanman ay hindi ako nakapag hangout dahil in the first place, wala akong kaibigan dahil walang gustong makipagkaibigan sa isang bookworm na kagaya ko. Hindi sa anti-social ako pero natakot na akong makihalubilo sa mga tao dahil sa nangyaring pagpapahiya ng mga pinsan ko sa akin noong mga bata pa kami sa harap ng madaming tao.

Naiisip ko na kung yung mga kadugo ko ay ayaw sa akin, mas lalo na ang ibang tao. Minsan tuloy, naiisip ko kung may mali ba silang nakikita sa akin o may mali ba sa mga ginagawa ko. Siguro ayaw nila sa akin kasi mahina ako. I'm weak. I can't decide on my own. Hindi ko kayang ipaglaban ang opinion ko. I'm always at the back of the crowd. Mas sanay akong mag-isa.

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon