Kabanata 20

19K 369 42
                                    

Flirt

Sobrang kaba ang nararamdaman ko habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay nila. Hindi ko alam kung bakit nanlalamig ang kamay ko. Siguro ay dahil alam kung makakaharap ko na naman ang mama at papa nya.

"Are you okay? You look pale." Sinulyapan nya ako habang nagmamaneho.

Tinagilid ko ang ulo ko at tiningnan sya.

"Kinakabahan ako sa sasabihin ng mga magulang mo. Ayaw sa akin ng mama mo." Mahinang sabi ko. Yumuko ako. I'm really nervous.

"Don't worry. They can't do anything to you. I won't let them." Kinuha nya ang kamay kung nakapatong sa hita ko at marahang pinisil ang mga yon.

"Trust me when I say I'll protect you. I mean it." Seryosong sabi nya habang nakatingin sa daan.

"Hindi naman ako natatakot sa sasabihin nila sa akin. Mas natatakot ako para sa mga magulang ko at para sayo." Kasi alam kung sa oras na sumuway sya sa sasabihin ng papa nya, may posibilidad na may hindi magadang mangyari.

I know Karlos Delafranco, gagawin nya lahat para makontrol ang buhay ni Kayden.

"Just trust me on this, okay? I won't let them touch you and your family." Sinulyapan nya ulit ako at ngumisi.

Tumango nalang ako sa kanya. Oo, magtitiwala ako sa kanya. Dahil nararamdaman ko, kahit papaano, may halaga na sa kanya ang relasyon namin.

Kontento na ako dahil doon. Dahil alam ko na malaking pagbabago ito sa kanya.

Hindi tipo ni Kayden ang magsabi ng mga salitang narinig ko kanina. Selfish sya at laging self centered.

Pero ngayon, unti-unti na syang nagkakaroon ng pakialam sa mga tao sa paligid nya at masaya ako kasi naging parte ako ng pagbabago nyang yun.

"You're staring too much." Nakangusong sabi nya at sinulyapan ako. Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.

Ngumisi lang ako at tumagilid para mas matitigan sya.

Kitang-kita ko ang tangos ng ilong nya ngayong nakatingin sya sa daan.

Masyado ding nakadepina ang kanyang panga. He's perfect and I love him so much. Alam ko yun dahil kahit ganitong tinititigan ko lang sya, nagwawala ng husto ang puso ko.

"Ang gwapo mo." Wala sa loob na naibulalas ko. Humalakhak sya dahil sa sinabi ko.

"I know, baby. And you are beautiful, too. So beautiful." Dinala nya ang kamay ko sa bibig nya at hinalikan ito. Gusto ko tuloy sumuka ng paro-paro sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

Bago sa akin ang lahat ng pinapakita nyang ito.

Hindi na nya binitawan ang kamay ko hanggang pagdating namin sa bahay nila.
Kinakabahan ako pero twing nanlalamig ako ay hinihigpitan nya ang hawak sa kamay ko. Parang sa pamamagitan non ay sinasabi nyang nasa tabi ko lang sya.

Naghihintay sila sa amin sa living room. Nakaupo sa isang sofa si mommy at daddy pati na si Clariss. Sa kaharap na sofa si Karlos Delafranco at ang mama ni Kayden. Sa isang sofa naman si Kayla na agad kaming sinabihan na maupo sa tabi nya.

Tiningala ko si Kayden. Malamig at tamad syang nakatingin sa mga magulang nya. Nakita ko ang paglalakbay ng mata ng mama nya sa kamay naming dalawa. Nagtaas ito ng kilay at inirapan ako. Yumuko nalang ako.

Halata ko ang kabang nararamdaman ni mommy dahil sa pamumutla nya. Nasasaktan ako twing nakikita ko silang ganito.

"So let's start this arrangement. Masyado ng nade-delay ang kasal ni Kayden." Pagsisimula ni Karlos Delafranco.

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon