Kabanata 6

17.7K 388 22
                                        

Ego Trip

"May nakaupo dito?" Tiningala ko mula sa pagkakaupo ang pinsan kung Vanessa. Nakatayo sya sa likod ko. umiling naman ako at medyo umusog para makaupo sya.

Luminga ako at medyo dumadami na ang mga taong nakaupo sa bleachers para manuod ng laro. Ang akala ko ay isa lang itong friendly game pero bakit parang ang dami ng tao?

"Akala ko wala kang balak manuod." Ngumisi sa akin si Vanessa. Hinigpitan ko ang hawak sa gym bag ni Kayden na nasa lap ko. Pagkatapos nyang magbihis kanina ng jersey uniform na bigay ni Boyle ay agad nyang inabot sa akin ang bag nya. Hawak hawak ko rin sa kamay ko ang dalawang bote ng Gatorade dahil siguradong mauuhaw sya mamaya.

"Pinuntahan ako nila Boyle sa bahay kanina para yayaing manuod." Tumungo ako habang kinakausap sya.

"Sinabi nga nila sa akin. Bagay na bagay kay Kayden ang jersey nya." Nag-angat ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi nya. Nagkibit balikat lang sya habang nakatingin kay Kayden.

Pinasadahan ko ng tingin ang nakatayong si Kayden sa gilid ng court habang kausap ang pinsan kung si Jasper. Tama si Vanessa. Bagay sa kanya ang royal blue na jersey. First time ko syang nakitang nakasuot ng jersey. Medyo messy ang buhok nya at mas nadepina ang mga muscles nya sa braso dahil sa pagkakahalukipkip nya. Minsan ay nag-aangat sya ng tingin sa akin kaya napapayuko ako agad.

Mas umiinit ang pisngi ko twing naiisip ko yung pagpingot nya sa ilong ko kanina ng mag-angat ako ng tingin sa kanya pagkatapos nyang sabihin na nagseselos sya. Ngumisi lang sya at hindi na nagsalita ulit. Sigurado naman akong hindi yun totoo.

"Unfair talaga ng buhay noh?" Ani Vanessa sa tabi ko.

Bumaling ako sa kanya.

"Kasi yung taong gusto ko na sana, napunta pa sa taong kiinisan ko." Umangat ang dulo ng labi nya habang nakatingin kay Kayden. Hindi ko alam pero parang iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi nya. Si Kayden ang sinasabi nyang gusto nya? Kung ganun, ako yung sinasabi nyang kinaiinisan nya.

"You're lucky to have Kayden. Magiging asawa mo pa. Sana kami nalang yung nagkautang sa pamilya nya." Natigilan ako sa sinabi nya.

"A-anong sabi mo?" Hindi ko napigilan ang pagdantay ng sama ng loob sa sinabi nya. Akala ba nya madali ang lahat ng ito? Wala syang alam sa nangyayari sa amin.

"How I wish ako ang nasa posisyon mo, Xherry. At alam kung kahit hindi mo aminin, masaya ka sa nangyayari sa inyo ngayon. You're not really sad because of what happened. Maswerte kayo ng pamilya mo dahil mapapabilang kayo sa Delafranco. Karangalan narin yun sa mga Mercel." Kibit balikat na sabi nya kaya mas nainis ako dahil doon.

"Wala kang alam sa nangyayari, Vanessa. Hindi mo alam ang lahat." Gusto ko syang sigawan. Gusto kung ipaintindi sa kanila na hindi ko gusto ang lahat ng nangyayari. I want my normal life back.

"Wag kang magalit, Xherry. Sinabi ko lang na kung ako ngayon ang nasa posisyon mo. Enjoy what you have now... Dahil malay mo diba? Maagaw yan ng ibang tao. You never know what will happen next." She shrugged.

Tumungo nalang ako at hindi na sumagot pa. No one will understand me. No one will ask me if I'm alright.

Tahimik akong nanuod ng laro. Gusto kung mainggit sa sigawan ng mga pinsan kong babae sa gilid. Lahat sila che-cheer sa mga pinsan namin. Puro mga Montever ang nakasulat sa likod ng royal blue jersey nila. Mga numero lang ang magkakaiba. Sa team nila ay tanging si Kayden lang may Delafranco sa likod. Sya lang ang iba sa kanila at dinig na dinig ko ang bulungan ng mga tao sa likod at harap ko. Nangingisay sila sa kilig habang pinag-uusapan kung gaano kagaling maglaro si Kayden.

When Forever Starts With YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon