I'm all in
Sinubukan kung kausapin si daddy. Tinanong ko sya kung nagiging daddy din ba sya pagdating kay Clariss. Pero nalaman ko na hindi sya masyadong umuuwi kay Clariss. Pasayaw daw kasi sya at masyadong magkalayo ang ugali naming dalawa.
"Pinipilit ko syang tanungin kung ano ang problema nya, anak. Pero kahit kailan hindi sya nagsabi sa akin." Tumungo si daddy habang nagsasalita. Hanggang ngayon kasi medyo hindi pa kami okay dahil sa nangyari. Biglang nagbago ang relasyon naming dalawa dahil doon. Hindi ko alam pero hindi ko na magawang lambingin si daddy pag naiisip kung mayron syang napapabayaang anak ng dahil sa amin ni mommy. Unfair yun para kay Clariss.
Dahil kahit gaano pa sya kasama sa akin, hindi ko parin maalis na wag maawa sa kanya. Nalaman ko na patay na pala ang mama nya last year at tanging si daddy ang sumusustenso sa kanya. Sa isang apartment sya nakatirang mag-isa.
"Hindi nyo man lang ba naisip dad na baka dahil sa inyo kaya naging ganun si Clariss? Na baka nararamdaman nyang hindi nyo sya mahal? Bakit kailangan nyong maging unfair sa kanya, dad? Nagsasaya ka sa piling namin ni mommy habang may anak kang napapabayaan." Puno ng hinanakit na sumbat ko sa kanya. Hinawakan ni mommy ang balikat ko para pigilan ako sa pagsasalita.
"What, my? Hahayaan nyo nalang si daddy na ganyan? Pinapabayaan ang responsibilidad nya dahil sa atin? Diba hindi tama yun, my?" Naiiyak na lumingon ako kay mommy. Sa sobrang pagmamahal nya kay daddy pati sya wala ng pakialam sa nararamdaman naming mga anak.
"Walang magagawa ang daddy mo, anak. Tayo ang totoo nyang pamilya." Mahinahong paliwanag ni mommy na mas nagpainis sa akin.
"Totoong pamilya? E paano si Clariss, my? Hindi ba sya pamilya? Diba anak sya ni daddy? Wala man lang bang pakialam sa kanya si daddy?" Lumingon ako kay daddy na ngayon ay umiiyak na rin tulad ko.
"Pero ikaw ang princess ko, anak. You're my belove daughter." Pumiyok ang boses nya. I don't want to see them like this, too. "Bullshit dad! She's your princess, too! She's your daughter! Bakit ganyan kayo?!" Singhal ko sa kanya. How can he said that? Si daddy ba talaga itong kausap ko? hindi ko na sila maintindihan.
"Xherry! Don't shout at your dad!" galit na sigaw sa akin ni mommy. "What do you want me to do mom! Nagkakaganoon si Clariss dahil sa kanya!" Hindi ko mapigil ang emosyon ko.
"Then what do you want us to do?! Patirahin si Clariss sa atin?" Natigilan ako s sinabi nya. Can I do that? Can I really live with Clariss in one place?
"Why not? She's dad's daughter, too. Kaya kahit hindi ko sya tanggapin, I can't hide the fact that she's my sister. Let's do what's right, my. Kahit masakit kailangan." Napalunok ako sa sinabi ko. This is it. Wala ng atrasan ito.
Kinabukasan, pinilit kong maging normal na araw iyon. Hangga't maaari ay pinilit kung wag sulyapan ang tao sa likod ko. I know there are times that he's staring at my back but I restrain myself from looking back. I hope the feeling fades faster. Gusto ko na ulit bumalik ang buhay ko sa normal.
Pero mahirap na siguro yun. Dahil ngayon araw na rin lilipat si Clariss sa bahay. Alam kung nasaktan ko sila lalo na si mommy sa sinabi kung papatirahin sa bahay si Clariss. Pero hindi kaya ng konsensya ko na may nasasaktan din pala dahil sa akin. Sanay akong ako ang nasasaktan at hindi ang iba.
"May naisip ka na bang theme para sa booth natin?" Natauhan ako sa tanong sa akin ni Kayla. Nag-uusap pala kami tungkol sa darating na school festival. Simula na ngayon ng walang klase dahil busy ang lahat sa pagtatayo ng mga booth para sa darating na event. At bilang president ng classroom namin, ako ang na-assign mag-isip ng theme para sa booth namin.
"W-wala pa, eh. Kayo? May suggestions kayo?" Tanong ko sa ibang mga kaklase ko na nakikisali sa usapan namin.
"How about kissing booth? Or wedding booth?" Kinikilig na sabi ni Kayla. May mga sumang-ayon sa suggestion nya pero marami ang umayaw. Masyado daw malamya at hindi masyadong kikita. Nauwi ang desisyon namin sa café booth. Puro kape at pastries lang ang titindahin namin. May capital na five thousand ang bawat booth at kailangan yung palaguin. Kung sinong booth ang may pinakamaraming na ganansya sa katapusan ng festival ang syang mananalo.
BINABASA MO ANG
When Forever Starts With You
Fanfic1/2 (HIGHEST RANK #1 ON FANFICTION) #WHENDoulogyBook1