Malabo
Nalaman ko na anak ni daddy si Clariss sa babaeng nakilala nito sa isang bar. Sila na noon ni mommy at malapit na silang ikasal pero isang beses daw nag-away sila, at yun yung panahon na nagkayayaan si daddy at ang mga ka trabaho nito sa firm company na pinagtatrabahuan nyang mag-inoman. Doon daw nya nakilala yung babae at may nangyari sa kanila. Pero hindi alam ni daddy na nagbunga yun. Hindi na kasi sila ulit nagkita noong babae hanggang noong ikasal sila ni mommy.
Nalaman lang nya na may anak sila nong nagkita sila hospital. Nang araw na pinanganak ako ni mommy ay yun din yung araw na nasa hospital sila dahil dinala nya doon si Clariss. Two years ang tanda ni Clariss sa akin.
Hindi naman daw sya pinilit ng mama ni Clariss na panagutan sila. Pero nalaman ko din na five years ago lang din nalaman ni mommy ang totoo kaya lang tinago nila yun sa akin. Naghahanap daw sila ng tamang pagkakataon para ipakilala sa akin si Clariss pero iba ang nangyari. Hindi daw nila aakalain na manggugulo si Clariss sa kasal.
"I'm really sorry, anak." Nag-aalalang tumingin sa akin si daddy. Nasa hapag kami pero wala akong kibo.
Sa totoo lang, hindi naman yun ang gumugulo sa utak ko. Kasi kahit anong tanggi ko, wala naman na ding mangyayari. Siguro kasalanan yun ni daddy pero naiintindihan ko sya. Matagal na nyang pinagsisihan ang nangyari at naging napakabuti nyang ama sa akin.
Iniisip ko si Clariss. Kung bakit gusto nyang sya ang makasal kay Kayden. Does she likes Kayden? O baka isa sya sa mga naging girlfriend ni Kayden. Or worse, baka sila parin hanggang ngayon. Baka nga kilala din sya ni Kayden at sya ang totoong gusto nito. Papayag ba ako?
Kinabukasan ay usap-usapan sa buong school ang nangyari. Ako ang buong topic nila. Iba't-ibang usapan ang naririnig ko.
"Buti nga sa kanya! Hindi talaga sila bagay ni Kayden."
"Buti nalang at may naglakas-loob na tumutol diba?"
"Look at her. She look so disappointed. Slutty girl."
Masasama lahat ang tingin nila sa akin. Hindi ko tuloy alam kung tama ba na pumasok ako ngayon.
Pagpasok ko ng classroom ay ganoon parin ang usapan ng mga kaklase ko. Kahit yung mga kaklase kung lalake ay iba ang tingin sa akin. They should give it a rest, really.
"Narinig ko sa office kanina, may bago daw tayong mga kaklase. Gosh, Sana mga gwapo!" Narinig kung tili ng isang kaklase ko.
Tumahimik nalang ako at matyagang hinintay ko ang prof namin. Matyaga din akong nakinig at nagtiis sa mga bulong-bulungan nila. Ganito na siguro ang magiging role ko dito. Magiging main topic ako ng mga buhay nila.
Natahimik silang lahat ng pumasok sir Catigbak sa classroom. Sya ang Teacher namin sa accounting 111na madalas ereklamo ng mga kaklase ko dahil sa pagiging masungit nito. Medyo may katandaan na kasi si sir at sabi nila malapit na syang mag retire sa pagiging professor.
Halos mahulog naman ako sa kinauupuan ko sa gulat dahil sa mga taong sunod-sunod na pumasok sa classroom. Para akong pinaglalaruan ng imahinasyon ko. Ang tamad na mukha ni Kayden ang nagpagising sa akin. Natatawa naman ang nasa tabi nyang si Josh, Rafael at Kean na nagbubulungan habang nakatingin sa mga kaklase kung babae. Sa tabi nila ang nakabusangot na mukha ni France habang nasa huli naman ang kumakaway sa akin na si Kayla. Mas naagaw ang atensyon ko ng suot nilang uniform kagaya ng sa amin. Don't tell me... Sila yung transferes!
"Okay class. Quiet. May mga bago kayong mga kaklase." Bumaling si sir sa kanila. " Magpakilala na kayo."
"Tsss." Yun lang ang tanging Sinabi ni Kayden at umirap lang.
BINABASA MO ANG
When Forever Starts With You
Fanfiction1/2 (HIGHEST RANK #1 ON FANFICTION) #WHENDoulogyBook1