Kabanata 13

18.8K 389 21
                                    

Be Good For You

"Nasaan ta'yo?" Nagtatakang tanong ko habang inaalis ang seatbelt ko. Nagtatakang napatingin ako kay Kayla ng makababa kami ng sasakyan. Hindi pa kami tapos mag-usap sa canteen pero bigla nalang nya akong kinaladkad ng bigla syang makatanggap ng tawag.

"Dalian natin, bes. Nasa loob na sila." Nagmamadali nya akong hinila na parang hindi nya narinig ang tanong ko. Wala naman akong nagawa kundi magpatianod sa kanya papasok sa isang palasyong mansion na hindi ko alam na mayroon palang ganito sa Pilipinas.

Pagpasok palang namin sa may gate kanina ay halos malaglag na ang panga ko habang ginagala ang buong paningin ko. Sa tingin ko sa sobrang lawak at laki nito ay maihahalintulad ko na ito sa MOA. Nagdadalawang isip tuloy ako kung bahay ba ito o mall. Agaw pansin ang enggrandeng entrance nito dahil sa napaka eleganteng fountain na nasa gitna ng magkahiwalay na daan galing sa malaking gate papunta sa harapan mismo ng bahay. Sa tingin ko ay nasa loob ako ng isang hacienda dahil sa lawak nito. Nakahilera ang mga pine trees sa gilid ng daan habang may mga nakasabit na mga palamuti sa mga sanga nito.

"Kaninong palasyo 'to Kayla?" Hindi ko napigilang maibulalas ng tinatahak na namin ang daan papasok. Sa tingin ko ay hindi na nagkikita ang mga nakatira sa bahay na ito.

Pero hindi pa man nasasagot ang tanong ko ay sumalubong na sa aming dalawa ang nasa sampung taong naka uniporme ng pang maid. Agad inabot ni Kayla ang bag nya sa taong nasa pinaka unahan bago sya lumingon sa akin at inagaw ang bag ko para ibigay din doon.

"Nasa garden po si Senyorito kayden, senyorita." Nakayukong sabi sa kanya nung isang katulong. Hindi ko na kailangan pang magtanong ulit. Malinaw na malinaw na ang sagot.

"Ito ang bahay nyo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo ito nga. Kaya nga siguro hindi kami magkasundo ni kuya dahil sa laki ng bahay namin, minsan lang din kami magkita." Magkahalong birong sabi nya. Pero totoo yun. Kung ako siguro ay siguradong maliligaw ako sa bahay na ito dahil sa dami ng pinto at pasikot sikot nito. Hindi na ako nagtakang may tatlong elevators dito.

"Wala pa ito sa kapangyarihan ni papa, bes. Pag sinabi ko sa'yo lahat-lahat, aabutin tayo ng sampung taon dito."

Sumalubong sa amin ang enggrande at nakakalulang hagdan na naka korteng S. All in all nagsusumigaw ang buong bahay ng kapangyarihan. Kahit sa mga paintings palang at mga antique na nakasabit ay alam mo na talaga na hindi ito mga basta gamit lang.

Umagaw sa atensyon ko ang malaking family picture ng pamilya nila. Nasa gitna ito mismo ng wall sa living room nakasabit kaya ito agad ang makikita mo pagdating mo ng living room. Nakasuot ng parehong itim na suit si Kayden at ang papa nya. Si Kayla naman ay nakaputing gown at ang mama nya. Naka poker face silang lahat at hindi ko alam kung bakit kahit nakatingin lang ako doon sa larawan ay namamanhid na ang mga tuhod ko. Their family is not a joke. They are powerful more than I imagined.

"Tara, bes. Nandoon sila kuya sa garden." Inakbayan nya ako habang papunta kami sa garden nila. "Ano ba kasi ang ginagawa natin dito?"

"You forgot about your work miss, President?" Nagtaas sya ng kilay. "How can you totally forgot the festival!" Pinaikot nya ang mga mata nya kaya natatawang sinundan ko nalang sya.

"We're here!" Sigaw nya agad sa pagbukas ng sliding door. Naagaw nya ang pansin ng mga taong nag-uusap sa mga table na nandoon. Nagulat ako ng hindi lang ang barkada ni Kayden ang nakita ko kundi pati narin ang iilan sa mga kaklase namin. Nasa isang mesa sila at nagtatawanan. Anong ginagawa nila dito?

"Did you invite them?" Nagtatakang tanong ko kay Kayla na agad lumingon sa akin. "No. Kuya did." Ngumisi sya atsaka ako hinila palapit sa kanila.

"Xherry, ano sa tingin mo ang magandang color ng banner para sa booth?" Tanong sa akin ni Shine pagkalapit ko sa kanila. Nakita kung lumapit si Kayla sa mesa ng kuya nya at parang may sinasabi sya dito kaya lang hindi ko marinig. "Kayo, ano ba ang magandang color?" Wala sa sariling tanong ko sa kanila dahil mas naka focus ang mata ko sa taong natatakpan ni Kayla. Yeah, I miss him.

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon