Kabanata 1

25K 431 12
                                    

Mundo

Kitang-kita ko ang galit sa mga mata nya habang sinasabi ang mga salitang yun. Hindi ko alam kung dahil medyo bastos ang pagkakarinig ko kaya ko sya tinulak o dahil natatakot ako sa galit na nakikita ko sa mga mata nya.

"U-umalis ka na dito." Yumuko ako sa mga kamay ko. ayokong mag-angat ng tingin sa kanya. Hindi ko kaya.

"Bakit ka natatakot na mag-isa tayo sa kwarto? Eventually, magsasama naman tayo sa iisang kwarto sa iisang bahay. Wag kang magpanggap na inosente. Gusto mo din ito diba?"Aniya sa matigas na tinig.

"Nagkakamali ka. Hindi ko gusto 'to. Kailangan ko lang iligtas ang mga magulang ko sa pamilya mo." Buong tapang na nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Playing hero, huh? Pamilya mo pa ang biktima ngayon? Diba dapat kami ang mag-ingat sa pamilya mo?" Ramdam na ramdam ko ang poot sa mga mata nya. "Ano ba ang ibig mong sabihin? Ba't ka nagagalit sa pamilya ko? Kayo ang may gusto nito."

"Fucking Shit!" Bigla nyang sinuntok ng malakas ang pader sa tabi ng mukha ko kaya halos mawalan ng kulay ang mukha ko sa gulat at takot.

"Wag mo akong paikutin! Sa dami ng pamilyang gustong makihati sa kapangyarihan at kayamanan ng pamilya ko, alam kung isa na kayo doon! Pare-pareho lang kayo! At sigurado akong nagsasaya kayo dahil kayo ang nanalo. Diba?!" Halos matigagal ako sa lakas ng sigaw nya. Nanlilisik ang mga mata nya sa galit.

"Hindi ganun ang pamilya ko. Kung yun ang iniisip mo, ayaw naming makihati sa pamilya mo. Kung ako lang ang masusunod, matagal na akong lumuhod sa mga magulang mo para lang wag itong matuloy. Pero wala akong magawa." Hindi ko napigilan ang paglandas ng mga luha sa magkabilang pisngi ko. Wala syang karapatang sabihin na manggagamit ang pamilya ko.

"Your family wants fame at mangyayari lang yun pag pinakasal ka nila sa akin. Well, congrats. Nagkatotoo ang hiling nyo. Pero wag mong aasahan na mananahimik ako. You'll probably going to experience hell, dear wife." Aniya bago nya ako tinalikuran at naglakad palabas ng kwarto ko. Nanghihinang napaupo nalang ako sa carpet habang hinahawakan ang dibdib ko. Hindi mawala sa isip ko ang huling sinabi nya. He's really mad at alam kung maghihirap ako sa kamay nya. What to do now? Pero hindi naman pwede na hayaan kung mapahamak ang magulang ko. I'm going to face this war even if it means to destroy me.

Matapos kung pakalmahin ang sarili ko ay pinili kung lumabas ng kwarto at magpanggap nalang na walang nangyari. Pagbaba ko ay naabutan kung nag-uusap ang mga elders sa living room. Wala sya kaya medyo nakahinga ako ng maluwang. I don't want to see his angry face. Baka tuluyan na akong manghina at matumba nalang bigla.

Nakita kung lumapit si Kayla sa likod ng isang babaeng nasa tabi ni Karlos Delafranco. Sa pagkakaalam ko, ito ang mama nya. Medyo may pagkakahawig nga silang dalawa. May ibinulong sya dito at nag-angat naman ng tingin sa kanya ang mama nya.

Nang umayos sya ng tayo ay nakita nya ako kaya kumaway sya at itinuro ang mga upuan at table na nasa garden kung saan naupo kami kanina. Tumango naman ako sa kanya at naglakad papunta doon. Umupo ako sa inupuan ko kanina.

"I'm sorry, sinabihan ko pa si mama e." medyo iritado sya sa di'ko malamang dahilan.

"May nangyari ba?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Bwisit si kuya. Bigla nalang syang umalis ng hindi nagpapaalam kaya ayun, hinahanap sya ni papa pero wala kaming masagot ni mama. Kaya sinabi ko nalang kay mama na sabihin kay papa na may pinuntahan lang sandali si kuya." nakita kung palinga-linga sya. Siguro ay talagang takot silang lahat kay Karlos Delafranco. Ganun siguro kabagsik ito na pati ang pamilya nya, natatakot sa kanya. Hindi ko kayang isipin kung ganyan si daddy sa akin. Siguro, matagaln na kaming lumayas ni mommy sa puder nya. Pero hindi ganun si daddy. Sya ang isa sa pinaka mabait na daddy sa mundo. Minahal nya kami ni mommy at alam kung biktima lang sya ng tusong si Karlos Delafranco.

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon