Kabanata 9

15.2K 302 27
                                    

A Mess

Sabi ni mommy, hindi daw nya maipaliwanag ang sayang nararamdaman nya noong araw ng kasal nila ni dad. Para daw sya na ang pinakamagandang babae noong araw na iyon. Halos hindi daw sya makatulog dahil sa sobrang kaba at excitement na nararamdaman nya.

"You're so beautiful, hija. So beautiful..." Naiiyak na sabi nya habang nakatingin kaming pareho sa repleksyon ko sa malaking salamin.

Actually, pareho lang naman kami ng nararamdaman sa oras na ito. Kaso lang, kabaliktaran ng lahat ng naramdaman nya noon ang aking nararamdaman ngayon. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. kung hindi lang siguro dahil sa make up na nilagay nila, mukha akong zombie ngayon.

Tiningnan kung mabuti ang itsura ko sa salamin. Tapos na silang ayusan ako. suot ko na rin ang isang napaka enggrandeng gown na kadalasang nakikita ko lang noon sa mga kasalan ng mga sikat at mayayamang tao. This gown is no joke. Kahit sa mga beads and stones lang na nakapaligid dito ay halos masilaw at mamangha ako. Suot ko sa ulo ko ang isang kumikinang tiara na kapareha din ng suot kung sapatos ang desenyo. Eveything seem to be so perfect. I look like a princess. No, actually a Queen. Pero hindi ganun ang nararamdaman ko. Infact, I feel like I'm a helpless child.

"Are you really sure about this, anak?" She asked me for the ninth time. Kahit naman noon pa laging sinasabi ni mommy na pwede akong umatras. She's giving me hopes even though I already knew that there is no more choices. Ganun siguro pag ina ka, kahit walang pag-asa bibigyan mo parin ang anak mo.

"Pang-ilang beses nyo nang natanong sa akin yan, my. I'm okay." Pilit akong ngumiti sa kanya. I don't want her to blame herself because of this. Wala silang kasalanan ni dad.

"Xherry..."

Napalingon kami ni mommy sa mga pinsan kung nakatayo sa may pinto. Naka suits and gowns na rin sila bilang mga brides maid and grooms men. Kasali din ang mga kaibigan ni Kayden pero hindi ko pa alam kung tapos na din ba silang mag-ayos. Hindi ko pa kasi sila nakikita simula nung dumating kami dito sa Oasis.

"Sige na, lalabas muna ako." Humalik si mommy sa pisngi ko bago sya lumabas para makapasok naman ang mga pinsan ko.

"Woaaah. You really look so beautiful." Umiling-iling sa akin si Boyle na parang hindi sya makapaniwalang ako 'to. Natawa ako dahil doon.

"Salamat. Kayo din, ang gaganda ng suot ninyo." Ngumiti ako sa kanila pati na sa mga girls na walang imik.

"Iba na talaga ang mga gwapo ang lahi, Xherry. Kahit anong isuot natin, babagay. Lalo na ako." Mayabang na humalakhak si Boyle na agad namang binatukan ni Jasper.

"Tangina, Boyle Cedric! Tumahimik ka." Sita sa kanya ni kuya Myco na bumaling agad sa akin.

"We wish you the best, Xherry. Congrats." He said before giving me a warm hug.

"Thank you."

Nagpapasalamat parin ako at kahit papaano ay may mga taong nagpapahalaga sa akin. Kaya kahit hindi ko maramdaman ang sarili kung mga paa habang naglalakad ako sa mahabang red carpet na nagsisilbing aisle, nilakasan ko parin ang loob ko. Kasi ayoko silang biguin. Ayokong maramdaman nila ang takot ko. I want to be brave for them.

Kahit nakakapit ako ng mahigpit sa braso ni daddy ay hindi ko parin maiwasan ang hindi manginig. Feeling ko babagsak ang sistema ko habang sinasalubong ko ang malamig na titig ni Kayden. Napaka intense ng aura na para bang anytime ay pwede kang mahulog dahil sa lalim ng mga titig nya sa akin. He's beyond godlike with that black of suit. Kumikinang parin sa tainga nya ang kanyang skull earing na mas nakadagdag sa pagiging intense and dominant ng itsura nya.

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon