Kabanata 18

21.8K 391 31
                                    

Mr. Good Boy

Naging abala kami sa pagpapatayo at pag-aayos ng café. Nagtulong-tulong ang mga lalake naming classmates para sa pagpapanday samantalang ang mga babae naman ang nag-isip ng decorations and interior designs para mas pumatok ang café sa mga costumers. Gumawa din kami ng iba't ibang promos para sa mga products menu na i-se-serve namin. Gumawa din kami ng banners. Si Kayla naman ang gumastos para sa costume mascot.

Halos limang araw din ang ginugol namin para sa café bago ito tuluyang napatayo. Tamang-tama dahil next week ay magbubukas na kami bilang simula ng festival. Excited ang lahat ng makuha na ang mga pinatahi naming costumes. Tanging ako lang siguro yung medyo hindi masaya dahil sa limang araw na yun ay walang nagpakitang Kayden sa akin.

Pilit ko namang sinasabi sa sarili ko na hindi dapat ako magselos ay magdamdam. Dapat intindihin ko kung ano man ang dahilan nya. Ganun pag girlfriend ka. Gusto kung patunayan sa kanya na malaki ang tiwala ko sa kanya. Na kahit na anong sabihin ng ibang tao, sa kanya parin ako maniniwala. I want to be a cool girlfriend. Yung girlfriend na maipagmamalaki nya. I don't want to mess this chance with him. Ayoko. Ako ang humiling nito at ngayong nandito na, hinding-hindi ko to bibitiwan. Kahit pa mawasak ang sarili ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya ay kakapit parin ako.

"Manunuod tayo mamaya ng soccer game?" Tanong ni Kayla sa tabi ko. Nilingon ko sya at tumango. "You okay?" Kunot noong tanong nya.

"Oo naman." Bahagya akong ngumiti. Hindi ko alam kung bakit bumibigat parin ang loob ko kahit ilang ulit ko ng kinukubinsi ang sarili ko. Miss ko lang siguro ang presensya ni Kayden. It's been five hell days at wala man lang akong balita sa kanya. Kahit text o tawag ay wala akong natatanggap mula sa kanya. I can't help to get worried.

"Kayla, umuwi na ba si Kayden sa inyo?" Hindi matatago sa boses ko ang pag-aalala. Kitang-kita ko naman ang paglapad ng mga mata nya pati na ang ngisi nyang minsan ay nakakainis.

"I knew it! Hindi ka talaga tatagal ng isang linggong hindi hinahanap si kuya!" Pumapalatak na sabi nya. Pumikit ako ng mariin. Damn.

"Bakit? Dapat bang paabutin ko muna ng isang linggo?" Nahihiyang tanong ko. Mukhang hindi ko kayang maging cool girlfriend.

"It's not that. Syempre pag boyfriend mo, talagang hahanapin mo. Pero sabi mo kasi magiging cool girlfriend kay kuya. Alam ko namang hindi mo kaya." Nagkibit-balikat sya at hinarap ako. "You miss him, right?"

Wala sa sariling tumango ako. I miss him so damn much pero ayokong isipin nyang wala akong tiwala sa kanya. Is it even possible? Miss na miss ko sya pero gusto ko pa ring ipilit na okay lang ako. I'm fucking crazy.

"I understand you, best. Hindi mo naman kailangang maging cool girlfriend para kay kuya eh. Pag mahal ka nya, he will make you understand everything. You don't need to worry." Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at marahan iyong pinisil.

Hindi ako agad nagsalita. Bago palang ang relasyon naming dalawa pero napakarami ko ng issues sa sarili ko. "Ayoko lang namang isipin nya na wala akong tiwala sa kanya. I don't want to make myself a burden for him. Gusto kong tumagal ang relasyon namin. I want to take this seriously." Seryosong sabi ko.

"Bakit? Sino ba ang may sabing hindi ako seryoso sa'yo?" Sabi ng boses sa likod ko na naging dahilan ng pagwawala ng mga demonyo sa tyan ko. Ramdam na ramdam ko ang biglang pagbilis ng pintig ng puso ko. Pati ang paglingon ko sa kanya ay tila isang slow mo dahil sa biglang pagkakagulo ng kung ano sa loob ko. Iisang tao lang talaga ang may kayang gumawa nito sa akin.

Ilang beses kung pinigilan ang sarili ko para wag tumayo sa upuan ko at dambahin sya. kung hindi lang dumating ang prof ay hindi pa ako mag-aalis ng tingin sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin pero halata ang pagpipigil nya ng ngisi. Tila gusto kung mainis dahil doon. Miss na miss ko sya pero parang tuwang-tuwa pa sya na halos maiyak-iyak na ako dito. He really wants to see me lose my mind because of him. Damn, Delafranco.

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon