Mahal Kita
"KAYDEN TAMA NA!" Buong lakas na sigaw ko. Galit ang mukhang humarap sya sa akin. Kanina ko pa sya tinatawag pero parang hindi nya naririnig ang boses ko. Halos maiyak ako pag nakikita ko ang duguang mukha ng lalakeng nabangga ko kanina. Dumudugo ang buong mukha nya dahil sa panununtok ni Kayden. Naaawa ako sa kanya dahil wala man lang ni isang nagtangkang tumulong sa kanya. Wala man lang naglakas loob na umawat sa kanila. Hindi ko alam ang nararamdaman ko.
Galit ako kay Kayden dahil sa ginawa nya. He has no mercy. Wala man lang syang awa doon sa lalake. Hindi naman nya sinasadyang banggain ako dahil sa dami ng tao sa hallway. Siguro ay sa ibang dereksyon sya nakatingin at hindi sinasadyang nabangga nya ako.
"Ano ba?! Maawa ka naman sa kanya!" Umiiyak na sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako. Siguro ay dahil narin sa inis at awing nararamdaman ko. sobrang naguguluhan ako. Ayokong may mangyayaring ganito.
Malakas nyang binitiwan ang kwelyo nung lalake kaya natumba ito sa sahig. Dahil narin siguro sa awa at guilty kaya lumuhod ako at tinulungan ko itong bumangon.
Kasalanan ko kung bakit sya nabugbog. "Ayos ka lang?" Tanong ko. Sunod-sunod syang tumango habang umiiyak. Alam kung sobrang sakit ang nararamdaman nya.
"Kayden!"
Tumingala ako kay Josh na ngayon ay tinatawag si Kayden na papalayo sa amin. Sigurado akong galit sya ngayon. At nasasaktan ako pag naaalala ko ang bangis ng mga mata nya kanina habang binubugbog yung lalake. para syang mabangis na tigre na kinakatakutan ng lahat. A king. A ruler.
Dumating ang dalawang guard at ang nurse para daluhan yung lalake. Dinala nila ito sa clinic para magamot. Natigil lang ang bulong-bulungan ng dumating ang dean at ilang professor para papasukin ang mga estudyante sa classrooms. Hindi kami agad nagklase dahil nagkaroon ng emergency meeting ang buong staff. Mabuti narin yun dahil nag-aalala ako kay Kayden at kailangan ko syang mahanap.
"This is what I'm talking about, Josh. Hindi makakabuti kay Kayden ang babaeng yan!" Lumingon ako kay France na ngayon ay matalim na nakatitig sa akin. Suminghap ako at yumuko. Nagbara ang lalamunan ko. She's right. Napaaway si Kayden dahil sa akin. Pinagtanggol nya ako.
"Shut the hell, France. You have no right to say that!" Galit na lumapit sa kanya si Kayla kaya tumayo ako at nilapitan sila.
"Kayla, tama na." Pag-awat ko dito. Ayokong mas lalong magkagulo. Hahayaan ko nalang silang isipin kung ano ang gusto nila.
"She's ruining Kayden's life, Kayla. Alam mo bang ilang beses kaming natalo sa laro dahil sa kanya?! Hindi sya makapag concentrate because he's thinking about her!" Tumayo sya at dinuro ako.
"Shut it, France."
Nasa tinig ni Rafael ang iritasyon. "It's not her fault. It's nobody's fault. You know Kayden, right? He's a jerk at alam kung alam din yun ni Xherry, diba?" Tumingin sya sa akin. I don't know. Nalilito ako sa mga sinasabi nila.
"That's what I'm talking about, Rafael! He's a jerk but not crazy! Napapabayaan na nya ang tungkulin nya sa grupo dahil sa babaeng yan!" She's so mad at me.
"Tumigil ka na, France. Hindi gagawin ni Kayden yun sa atin. He's the president and he will never leave us." Malamig ang tinig ni Kean na tumingin sa akin. Parang sinasabi nyang hindi ko maagaw sa kanila si Kayden. Well, wala naman akong balak agawin sya sa kanila. I love him but I don't want to take him away from his life. Ng aminin ko sa sarili ko na mahal ko sya, pinangako ko rin na tatanggapin ko lahat sa kanya.
"Sorry kung ganon ang nararamdaman nyo. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. I'm sorry." Yumuko ako sa harap nila. Ayokong umiyak pero hindi ko talaga mapigil ang paglalandas ng mga luha sa mata ko. I'm so weak and I hate it. I hate myself for that. I'm so weak and I'm so damn inlove with him.
BINABASA MO ANG
When Forever Starts With You
Fanfiction1/2 (HIGHEST RANK #1 ON FANFICTION) #WHENDoulogyBook1
