Kabanata 14

18.1K 387 31
                                    

Drown

"OH. MY. GOD!" Napalingon kami kay Kayla na ngayon ay nakatutop ang mga kamay sa kanyang bibig. Great!

Dali-dali akong tumayo at yumuko. Sa mga oras na iyon ay sobrang pula ng buong mukha. Shit! Nakita nya kaming naghahalikan at kung hindi pa sya dumating ay siguradong hindi kami titigil. Kinagat ko ang labi ko sa isiping iyon.

"What's this all about?" Singhal nya at lumapit sa akin. "You were... kissing?!"

Sinulyapan ko si Kayden na ngayon ay hinihilot ang kanyang leeg at nakangusong nakatitig sa akin. Damn! Kayla's here and he's showing that face! Parang pinapakita ng mukha nya na nabitin sya sa halik. Just damn it.

"We're not kissing, Shean. We're playing poker." Pilosopong sagot nya sa ngayon ay namumula sa galit na si Kayla. "And why are you here anyway? Diba sabi ko sayo wag kang basta basta papasok dito?" Sumingkit ang kanyang mga mata sa kapatid.

"Well sorry for intruding pero hinahanap ko kasi yung bestfriend ko na bigla nalang nawala." Sarcastic ang pagkakasabi nito na ngayon ay nakapamaywang na nakaharap sa akin. "Care to explain this to me, besty?"

Sa halip na sumagot ay mabilis ko syang hinila palabas dahil feeling ko sasabog ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. I really need to go bago pa ako mawalan ng pakialam sa presensya ni Kayla at maghalikan nalang kami doon.

"You have a lot of explaining to do missy." Patuloy na talak sa akin ni Kayla habang nasa elevator kami. Saktong tumunog naman ang elevator ng bumungad sa amin ang mukha ni Clariss at ang mama nya.

"Saan kayo galing Shean?" Tanong iyon para kay Kayla pero sa akin sya nakatingin. "Galing kami ng room ko, ma." Tamad na sagot nito.

Lumabas na kami ni Kayla at sila naman ngayon ang pumasok ng elevator. "And where are you going, ma? Isasama mo ang babaeng yan sa taas?" Galit na puna ni Kayla sa ina. "Dadalhin mo sya sa room nyo ni daddy?" Di makapaniwalang tumingin sya kay Clariss na ngayon ay nakakapit lang sa braso ng mama nya.

"No. I'm bringing her to your kuya's room. Gusto nyang makita ang room ng kuya mo." Parehong nanlaki ang mga mata namin Kayla. "Wait!" Pumasok ulit ng elevator si Kayla habang hila-hila ako.

"She wants to see kuya's room, too." Bahagya syang ngumisi kay Clariss na parang bang inaasar nya ito. "Alam mo namang ayaw ng kuya mo na marami ang pumapasok sa room nya diba?" Hindi ko alam kung si Kayla ang kinakausap nya o sadyang pinaparinig nya yon sa akin para wag na kaming tumuloy. "Kayla, wag nalang tayong sumama." Hinawakan ko ang braso ni Kayla para pigilan sya pero ngumisi lang sya at tumingin sa ina.

"Believe me ma, mas magiging masaya si kuya." Makahulugang sabi nya na pinagkibit balikat lang ng dalawa.

Pagdating namin doon ay agad na kumatok ang mama nya habang nasa likod naman kami ni Kayla. "Bakit pa kasi tayo bumalik dito?" Bulong ko sa kanya. "Baka landiin ng babaeng to si kuya." Sagot nya habang inis na tinitingnan ang likod ni Kayla. Hindi ko ulit napigilang ikumpara ang sarili ko kay Clariss. Litaw na litaw ang kaputian nya sa suot na black midriff top and high waist shorts.

Bumungad sa amin ang tamad na mukha ni Kayden pero nanlaki ang mga mata nya dumako ang tingin nya sa aming dalawa ni Kayla na ngayon ay natatawa.

"What are you doing here ma?" Inis na baling nya sa mama nya. Hindi man lang nya binabalingan ng tingin si Clariss samantalang panay ang sulyap nya sa akin.

"Clariss wants to see your room, anak. Alam mo bang tinulungan din nya akong magluto?" Masyadong halata ang pag-aangat nya kay Clariss. "Her dishes are so good!" Dagdag pa nito atsaka hinila si Clariss papasok sa loob.

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon