Heartless Beast
Gusto kong magmura sa sobrang takot at kabang nararamdaman ko. Halos hindi ako makahinga sa bilis ng pagpapatakbo nya. Namamanhid na ang buong katawan ko at kahit anong pilit ko na kumalma ay hindi parin maalis ang kaba ko. magpapakamatay ba sya?
Tumigil kami sa isang malaking building. Para syang warehouse na abandonado na. Wala din akong makita dahil sa taas ng gate nito. Walang makakarinig o makakakita sa'yo dito dahil wala ding kabahayan sa tabi nito. Nasa sulok ito at parang nasa isang pribadong lote kaya walang nagbabalak pumasok.
Kumunot ang noo ko sa mga nakahilerang mamahaling mga sasakyan sa labas nito.
"Sumunod ka sa akin." Naglakad sya papasok sa pinto nito na may nakatayong dalawang lalake na naka black suit at may aviators pa. para silang mga goons sa pelikula.
Hindi ko alam kung ihahakbang ko ba ang mga paa ko o tatakbo nalang ako palayo sa lugar na ito. Pero hindi naman ako makakatakas kahit ano pa ang gawin ko.
"Susunod ka ba o kakaladkarin kita papasok?" Iritadong lumingon sya sa akin kaya wala sa sariling napasunod ako sa kanya. Kumunot ang noo ko pagpasok namin dahil medyo dim ang ilaw at wala namang kakaiba sa warehouse na ito. My mga kahoy at mga drums akong nakikita na natural sa isang warehouse. Bakit kailangang may nagbabantay mula sa labas?
Hindi pa man nasasagot ang tanong ko ay sumalubong na sa akin ang dalawang lalaking nakatayo sa sa tabi ng isang pinto. Naka black suit at aviators din sila tulad nung nasa labas. Nakita ko pang bahagya silang yumuko kay Kayden.
Halos mahulog ang panga ko sa sahig ng bumulagta sa akin ang laman ng kwarto. Sa ingay ng mga tao ay halos hindi ko na marinig ang sarili ko. ang lakas din ng rock music na pinapatugtog. Nagmukhang isang malaking casino ang loob ng kwarto. Ang lawak at ang laki-laki nito. Halos ngumanga ako sa ganda at sa dami ng naglalaro dito. Nasa isang ordinaryong warehouse pa ba kami o nasa Las Vegas na? Kaya pala masyado itong pribado dahil dito? They're playing poker!
At hindi lang yun basta poker dahil marami pang laro ang nandito. Para talagang casino ang buong lugar at hindi mo aakalaing nasa isang warehouse ka.
Nakita kung hindi basta basta ang mga nag laro dahil sa kilala ang ibang mga personalidad na nandito! May mga politiko at artsista akong kilala! May iilan pang may mga sexy'ng babae na nasa gilid nila. Gusto ko ng tumakbo pauwi.
Hindi pa ako nakakapag react ay may humila na sa akin. Hinila ako ni Kayden hanggang sa makarating kami sa isang kulay asul na pinto. Hanggang ilang kwarto ba ang mayroon sa warehouse na ito?
Tumambad sa akin ang dalawang lalaking nakaupo sa isang mesa. Sa ibabaw nito ay mga baraha at bilog na parang pera na sa pagkakaalam ko ay chips ang tawag. Sa bandang kaliwa ay may nakatayo pang apat na lalake at may kasama silang isang babae.
Kumunot ang noo nilang lahat ng pasadahan nila ako ng tingin maliban doon sa dalawang nakaupo at doon sa babae na ngumuso lang at inirapan ako.
Hinila ako ni Kayden at bahagyang tinulak sa tabi ng mga nakatayong lalake. Ngumisi sila sa akin pero yumuko ako at niyakap nalang ang sarili ko. anong gagawin nila dito?
Nakita kung umupo si Kayden sa isang upuan sa harap nung dalawang nakaupo. Bahagyang nagtaas ng labi yung isang mahaba ang buhok at nakatali sa batok nya. Katulad ni Kayden ay naka itim din ito at may mga tattoo ito sa kanyang kamay na nakapatong sa mesa. Ang kasama nito ay tahimik lang at parang nagmamasid sa mga mangyayari.
Biglang lumapit yung babae at tumayo ito sa likod ni Kayden. Pinasadahan ko ng tingin ang suot nito. Isang crop top na black shirt at black leather pants na tinernuhan ng isang black boots. Ang buhok nitong itim ay nahaluan ng iilang kulay violet at red. Itim ang kanyang lipstick at mapapansin mo ang pagiging cold nito.
BINABASA MO ANG
When Forever Starts With You
Fanfiction1/2 (HIGHEST RANK #1 ON FANFICTION) #WHENDoulogyBook1
