Kabanata 17

22.5K 405 28
                                    

Baguhan

Siniksik kung mabuti ang sarili ko sa kanya. Ayoko munang mag-isip ng kahit ano. I just want to feel him. To feel that great feeling when I am in his arms.

"I'm sorry." Bulong nya sa tainga ko. "Does it hurt?" nasa tono ng boses nya ang pag-aalala. Umiling ako. I'm not hurt. I'm sore but I'm good.

Hindi na ulit sya nagsalita pero sa halip ay hinigpitan nalang nya ang pagkakayakap sa tyan ko. Sumiksik pa ako sa katawan nya. Naubos na yata lahat ng pake ko sa maaaring mangyari dahil sa himbing ng pagkakatulog ko sa bisig nya. Kung hindi pa ako nasisinagan ng araw ay hindi pa ako magigising.

Medyo nagpanic ako ng namulatan kung wala si Kayden sa tabi ko. Umayos ako ng upo ko dahil medyo Malabo pa ang paningin ko. Inayos ko din ang pagkakabalot ng kumot sa katawan ko. I'm wearing nothing under the sheet.

Pinakiramdaman kung mabuti ang sarili ko. What happened last night was so magical. At wala akong maapuhap na kahit konting pagsisisi sa loob ko. binigay ko ng walang pag-aalinlangan ang sarili ko sa kanya. At kung ano man ang kahihinatnan nito, tatanggapin ko. I made this choice kaya dapat lang na tanggapin ko ang concequences na maaaring mangyari.

Hindi dapat ako umasa ng kahit ano kay Kayden. Hindi ako dapat umasa na ang nararamdaman nya ay katulad ng nararamdaman ko para sa kanya. I know his type. Hindi sya yung tipo ng lalaking magpapaalipin sa isang babae. At alam kung masasaktan ako sa katotohanang yun pero pinili ko parin ito. Siguro nga ay nasisiraan na talaga ako ng ulo. Pero anong magagawa ko? Tuluyan na akong nahulog sa kanya at sa tingin ko ay hindi ko na magagawa pang magkagusto sa ibang lalake bukod sa kanya. Hindi ko alam kung imposible nga pero sa ngayon, sya lang ang tanging nakikita kung mamahalin ko kahit na ganyan sya.

Binalot ko ang kumot sa katawan ko at marahan akong bumaba sa kama. Hinanap ko ang mga damit ko kagabi at mabilis kong sinuot ang mga iyon. Uminit ang pisngi ko ng matuon ang paningin ko sa pulang mantsa na nasa kobre kama. It really did happened.

Hahakbang na sana ako sa pinto para lumabas ng bigla yung bumukas at niluwa ang maaliwalas na mukha ni Kayden. Dahil narin siguro sa pamumula ko ay agad akong yumuko para mag-iwas ng tingin sa kanya. Damn. Hindi ko pa kayang harapin sya dahil sa nangyari pero ito sya at parang Adonis na nakatayo sa harap ko. wala bang oras na kahit papaano ay hindi sya ganito kagwapo? Simple lang ang damit nya at medyo messy ang buhok nya pero, god. He's so breakthtakingly handsome.

Halos mapatalon ako ng maramdaman ko ang init ng katawan nya sa tabi ko. hindi pa man nya ako nahahawakan pero nararamdaman ko na ang init na nagmumula sa katawan nya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Mapanuri ang mga mata nya habang niyuyuko nya ako. parang may hinanahanap syang kung ano sa katawan ko.

Pero hindi pa ako nakakapag-isip ng kung ano ay naramdaman ko na ang pagdausdos ng magkabilang braso nya sa baywang ko. Tumatama ang hininga nya sa ulo ko. kumapit ako sa braso nyang nakayakap sa akin dahil sa sobrang pagwawala ng sistema ko. dammit! He really know his moves!

"Good morning." Halos mapapikit ako sa bulong nya. Hindi ko napigilan ang pagkagat ng labi dahil sa init ng hininga nya sa tainga ko. parang gusto ko tuloy na ganito nalang kami buong araw.

"Good morning, din. Kanina ka pa gising?" Inangat ko ang ulo ko para magtama ang paningin naming dalawa. Ngumuso sya. "Yup. Ayaw kitang gisingin dahil sa himbing ng tulog mo. Sobra siguro kitang napagod kagabi." Naglaro ang ngiti sa labi nya dahil sa huling sinabi nya.

Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko sa sobrang pamumula ng mukha ko. dammit! Hindi nya dapat yun sinasabi! He's always that straight forward at ayoko ng ganoon dahil nahihiya nga ako. Wala man lang ba syang kahihiyan sa katawan? Kulang nalang ay ikwento na nya ang nangyari sa kagabi dahil sa mga pinagsasabi nya.

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon