Inlove
Mapanuring mga mata ang sumalubong sa akin pagbaba ko. Iniwan ko muna si kayden sa taas dahil mahimbing ang tulog nya. Hindi ako tinantanan ng tingin ni mommy at Kayla.
"Balak mo bang ipaliwanag sa akin 'yong nakita ko, besty?" May sa demonyong ngisi nya habang naniningkit ang mga matang sinusundan ako ng tingin. "What?" Kunwari'y bale walang sabi ko.
"Yung hila at hawak ng kamay. May hindi ba kami nalalaman ni tita?" Lumingon ako sa kanilang dalawa na parehong naghihintay ng sagot ko. "M-masakit daw ang ulo nya kaya nagyaya syang matulog sa room ko." Sht. I'm stammering.
"So kailangan sa room mo? Bakit hindi sa guestrooms?" Para syang pulis na nagtatanong. "Nandoon yung gamot ko." Hindi ako tumingin sa kanila. Halatang halata na nagsisinungaling ako. Nakahinga lang ako ng maluwang ng hindi na ulit sila nagsalita pero naramdaman ko ang kakaiba nilang tingin sa akin. Hindi ko alam kung kakabahan ako o matatawa sa mga mukha nila.
Nag presenta din kami ni Kayla na tulungan si mommy magluto ng dinner. At dahil hindi ako marunong, ako nalang ang naghiwa ng mga ingredients na gagamitin. Si Kayla ang katulong ni mommy. Balak nilang magluto ng kare-kare para daw kay Kayden.
Abala kami sa kusina ng dumating si daddy galing office. Iniwan muna kami ni mommy para maasikaso sya.
"Okay na ba kayo ni tito?" Tinagilid ni Kayla ang ulo nya at tiningnan ako. para bang sinusuri nya kung magsasabi ako ng totoo. Tumungo ako sa ginagawa ko. "Okay kami pero hindi na gaya ng dati."
"I know that feeling. Never akong naging close kay mama at papa. Pag nasa bahay kami, para kaming hindi magkakakilala." Ngumiwi sya. "Si mommy nalang ang lagi kung kinakausap ngayon." Malungkot kung pag-amin. Gusto kung bumalik yung dati pero hangga't hindi naayos ang lahat at hanggang hindi kami natatanggap ni Clariss, sa tingin ko Malabo pa yung mangyari.
Ngingiti-ngiti pa si mommy ng pumasok sya sa kusina. Dinig namin ang paglalambingan nila ni daddy sa living room. I adore my parents for that. Kahit ganito ang nangyayari ay hindi parin naapektuhan ang relasyon nilang dalawa. They really love each other. Wala akong masasabi sa pagmamahal ni mommy para kay daddy at hinahangaan ko sya dahil doon. She's a real martyr. Tinanggap nya ng buong-buo ang kamalian ni daddy noon.
"Kaya naman pala masarap lagi ang luto ni tita dahil kay tito." Humagikgik si Kayla kaya pati ako ay natatawang inasar si mommy na pulang-pula ang mukha.
Natigil naman ako ng pumasok ang nakangising si daddy sa kitchen. Ng magtama ang mata namin ay agad nabura ang ngiti nya. Alam kung pareho lang kami ng nararamdaman. I really want to aproach him pero twing nakikita ko si Clariss, nagiging sariwa ulit sa akin ang ginawa nyang pagtataksil kay mommy. Nasasaktan ako para kay mommy.
"Nandito ka pala, hija." Ngumiti sya kay Kayla na bahagyang nakangiwi habang tinitingnan ako. "Actually tito, hindi lang po ako ang nandito... nandito din po si kuya." Kinindatan nya ako kaya inirapan ko sya.
Nagulat naman ang mukha ni daddy at tiningnan ako. "Talaga? Nasaan sya?" Bumaling sya kay mommy na ngayon ay nauubong tinitingnan ako.
Pumikit ako ng mariin at kinagat ang kabi ko. Damn, para akong naglilihim sa kanila.
"N-asa room ko sya, dad." Halos pabulong na sagot ko pero alam kung dinig na dinig nila dahil tumahimik silang lahat. Halos magdugo ang labi ko sa pagkakakagat ko.
"G-ganon ba? Hehe." Hilaw na ngumisi si daddy habang kinakamot nya ang ulo nya.
Bigla namang tumawa ng malakas si Kayla dahilan para matawa narin si mommy at daddy. "Sorry po. Natatawa talaga ako sa mga mukha ninyo. Ang awkward po." Nag peace sign sya sa mga magulang kung natatawa din kaya pati ako ay napatawa dahil doon.
BINABASA MO ANG
When Forever Starts With You
Fanfiction1/2 (HIGHEST RANK #1 ON FANFICTION) #WHENDoulogyBook1
