Kabanata 7

19.1K 404 28
                                    

Very very bad

Wala kaming imikan pagdating namin sa bahay. Hindi ko alam kung bakit nag iinarte ako ngayon. Alam ko naman na sa simula palang hindi kami pwedeng mahulog sa isa't-isa. Ayoko sa kanya. Masama sya at hindi ang tulad nyang lalake ang magseseryoso sa isang boring na babaeng tulad ko. Yung mga tulad nya ay mahilig lang maglaro, yun lang. At hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako naaapektuhan sa sinabi nya. Kailanman ay hindi naging ganito ka big deal ang mga sinasabi nya. He's a heartless beast. A devil. Kaya walang patutunguhan ang pagwawala ng sistema ko. Dapat handa ako sa kung ano man ang sasabihin at gagawin nya. He will never play fair, that's for sure.

Sinadya kung magpatanghali sa paggising ko kinabukasan. Biglang sumikip ang bahay para sa aming dalawa ni Kayden. How I wish umuwi na kami ng Manila para maiwasan ko sya. I don't want to entertain this thing in my mind. No. Hindi pwede.

Para akong wanted sa sarili kung bahay. Sumilip muna ako sa living room bago ako lumabas. Ng makita kung wala si Kayden doon ay marahan akong naglakad papunta sa kitchen. Gutom ako at nagsisisi akong hindi ako kumain kagabi.

Gusto kung lumiko at bumalik ng room ko ng makita ko syang nakaupo sa counter chair. Nakahain sa table counter sa harap nya ang umuusok na kape. Medyo messy ang buhok nya at halata kung kakagising lang din nya tulad ko. Bigla akong nahiya ng maalala ko ang itsura ko. Naka suot ako ng malaking white cotton shirt at spongebob na pajama. Naka bun ang buhok ko at siguradong magulo ito. Tumalikod ako sa kanya para I check kung may muta ako sa mga mata. Crap! I didn't check my face!

Kaya naman halos umusok ako sa inis ng makita kung nakaangat ang dulo ng labi nya habang nakakunot ang noon yang nakatitig sa akin. Bakit ba lagi nalang syang may nakikitang nakakatawa sa akin?

"Good morning, my." Lumapit ako kay mommy na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan sa sink. Tapos na silang kumain.

"Oh, nak. Nandoon sa dining table ang pagkain nyo. Kanina ka pa hinihintay ni Kayden." Nginuso nya ang nagbabasa ng dyarong si Kayden.

"B-bakit naman nya ako hihintayin, my?" Kumunot ang noo ko.

"E kasi gusto nyang sabay kayong kumain. Sige na, maghain ka na para makakain na kayong dalawa." Halos magdiwang ang loob ko sa narinig ko. Gusto nya akong sabayan sa pagkain? Fuck, Xherry! Calm the fuck down!

Pinilit kung maging normal ang kilos ko habang kumukuha ako ng mga plato sa rack. Nakatalikod ako sa kanya pero ramdam na ramdam ko ang paninitig nya sa akin. Halos mabitiwan ko ang mga platong hawak ko ng makita kung nakatitig nga sya sa akin pagharap ko. Nakapangalumbaba sya sa counter table habang masuri akong tinitingnan. Pinaglalaruan ng isang kamay nya ang nakangising labi nya. He's making me nervous, and I don't like it!

Habang inaayos ko ang mga plato sa dining table ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo nya mula sa upuan. Halos magwala ang mga kulisap sa tyan ko ng makita kung palapit na sya sa akin. Sa simpleng khaki shorts na suot nya at batman tshirt ay hindi ko parin mapigil ang hangaan sya. He's just perfect.

"Uh-H, k-kain na." Halos kagatin ko ang dila ko. And now I'm stuttering in front of him! Wake up, Xherry! You're not daydreaming!

Hindi parin sya nagsasalita. Umupo sya sa upuang kaharap ng upuan ko. Ng mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakita kong amuse na nakatitig sya sa akin. Tumungo ako bigla at kinabahan. Nahahalata ba nya ang panginginig at pagkakataranta ko? Ugh!

"Sinadya mo ba yun?" Napaangat ako bigla ng bigla syang magsalita.

"Huh?" Nagtatakang tumingin ako sa kanya.

"Sinadya mong magpatanghali ng gising para hindi tayo makasama sa trip ng mga pinsan mo." Ngumuso sya at halos kagatin ko ang kutsarang hawak ko sa sobrang panggigigil ko. Why does he have to be so cute?

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon