Kabanata 4

18.1K 363 17
                                    

Angkan

Marami ng tao pagdating namin sa malaking bahay nila Uncle Tim. Mas malaki ang bahay nila sa bahay namin dito sa Veracruz. May swimming pool at gazebo sila sa likod nito. Malawak din ang kanilang garden kung saan ginaganap ang pagtitipon ngayong gabi. Nagmukha itong reunion ng mga Montever dahil lahat ng mga kamag-anak namin ay nandito.

Napansin ko ang mga naggagandahang gowns at casual na suot ng mga pinsan kong babae. Pati ang mga pinsan kung lalake ay nakasuot ng mga suit. Napatingin ako sa suot kung peach dress na above knee ang haba. Napasimple nito kumpara sa mga suot nilang elegante. Naka flats lang ako samantalang naka suot sila ng mga mamahaling pumps. I'm really different from them.

"Sandra!" Unang nakapansin sa presensya namin si Tita Marrisa. Ang mama ni Rica. Eleganteng elegante sya sa suot na red dress. Kumikinang ang mga alahas na suot nya. Halatang halata mo ang pagiging mataray ng itsura nya dahil sa kilay nyang magkasalubong.

Nag beso sila ni mommy samantalang si Daddy naman ay agad nagpunta sa grupo ni Uncle Tim at ng iba pa naming mga tito.

Nilingon ko si Kayden sa likod ko. he seems so bored and irritated. Maging ako man ay hindi sanay sa ganitong mga pagtitipon. Pinasadahan ko ng tingin ang suot nyang gray polo shirt at faded jeans. Still handsome kahit simple lang ang suot nya. He's godlike at alam kung effortless nyang maagaw ang atensyon ng lahat ngayong gabi.

Tamad nya akong tinitigan. Akala ko iirapan nya ako pero nagulat ako ng biglang kumunot ang noo nya at binulungan ako.

"Your dress is too short." Pinanlakihan nya ako ng mata.

"Puro ganitong dress ang nadala ko." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil baka mahalata nya ang panlalamig ko.

Damn! Bakit ba kasi nya pinagsasabi ang mga bagay na ganito?

"Fine, bahala ka sa buhay mo. Pinagtitinginan ka ng mga lalake." Nagkibit balikat sya at tumuwid ng tayo. Pinamulsa nya ang magkabilang kamay nya at tamad na tumingin sa akin.

Iginala ko ang paningin ko at may iilan ngang lalake ang nakatingin sa akin. Hindi ko sila kilala. Siguro mga kaibigan sila ng mga pinsan ko.

"Ito na ba si Xherry?" Bulalas ni Tita Marrisa at nilapitan ako.

Tumungo ako sa kanya at bahagyang ngumiti. Hindi ko alam kung bakit bakit hindi ko magawang ngumiti sa kanya ng totoo. Siguro dahil na rin sa dinanas ko sa kamay ng anak nya noon na kinonsente nya. Tandang tanda ko pa yung mga sinabi nyang masasakit na salita sa akin dahil sa isang beses na lumaban ako kay Rica. She hates me, too at alam kung naroon parin ang pagkamuhing yun sa likod ng matamis na ngiting suot nya.

"Hindi nga ako nagkamali, lumaki syang magandang bata! Namana yata nya sa'yo ang pagiging tahimik." Ngumisi sya sa akin bago bumaling kay mommy na nakangisi din sa amin.

Dumako ang tingin ni Tita sa likod ko at kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata nya.

"Oh my goodness! At sino naman itong Adonis na kasama nyo?" sabi nya habang nakatitig ng husto kay Kayden.

Para syang bumalik sa pagiging teenager sa inaasal nya. Bigla tuloy gusto kung itago sa purse ko si Kayden para wag nyang mapagmasdan. Ano ba itong si tita? May asawa na pero lumalandi pa.

"Ah, sya si Kayden. Ang ma-" Biglang naputol ang pagsasalita ni mommy ng tumalon si tita.

"Tamang-tama! Ipapakilala ko sya kay Rica mamaya! Bagay na bagay silang dalawa!" Pumalakpak pa sya habang humahalakhak.

Nalaglag ang panga namin ni mommy sa sinabi nya.

"S-sandali lang, mare.nagka-" pero hindi na natuloy ni mommy ang sinasabi nya dahil naglakad na si tita palayo. Lumingon sya sa aming dalawa na parehong walang imik.

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon