Kabanata 8

18.2K 350 19
                                    

Prenup Agreement

Mas lalong nadagdagan ang bigat ng loob ko pagbalik namin ng Maynila. Hindi na ulit kami nakapag-usap ni Kayden at alam kung gusto nyang iwasan ko sya. Ginawa ko naman. Pilit kung kinasama ang mga pinsan ko. Sa kanila ko binuhos ang atensyon ko. Kaya lang, kahit anong pilit kung ngumisi sa kanila, parang may kulang parin.

Alas sais palang ay dilat na dilat na ako. Buti nalang at weekend ngayon kaya walang pasok. Maaga akong ginising ni mama dahil ma importante daw kaming pupuntahan ngayon para sa nalalapit na kasal ko.

May isang parte sa akin na ayokong pumunta. Ayoko kasi hindi ko naman gusto ang mangyayaring kasal. Hindi pa ako handa at sa tingin ko ay hindi kailanman ako magiging handa. Hindi ko pa nakikita ang sarili kong matatali sa isang relasyon lalo na at si Kayden yon. Pero may isang bahagi sa akin na gusto kung pumunta kasi umaasa akong makikita ko sya doon. Okay, I admit that I miss him. I miss his presence. I hate how he makes my heart skips everytime I look at his dark broading eyes. Pero siguro nga infatuation lang itong nararamdaman ko. Isang libong beses kung pinaliwanag sa sarili ko na hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya. He is something forbidden. He's bad for me.

"Nak, ready? Your dad's waiting." Dumungaw si mommy sa pinto. Tumango naman ako sa kanya at tumayo na.

Tumigil kami sa harap ng isang napakalaking hotel. This hotel that only suits for billioners. I've seen this hotel a lot in television. Nagsusumigaw ito ng karangyaan. Kahit noong nakaka angat pa kami sa buhay ay hindi naisipan ni daddy na dalhin kami dito. Siguro ay sobrang expensive talaga dito.

"The stylists and the gown organizers are waiting inside, nak. Today is your fitting day." Napatangin ako kay mommy na bahagyang nakangiti sa akin. I know they are still guilty of what happened. Alam ko ang sakit na nararamdaman nila ni daddy.

"I'm okay, my. You don't have to feel guilty. Wala kayong ginawang masama ni daddy. Gagawin ko ito para sa pamilya natin and I'm not blaming you." Kinuha ko ang kamay nya at pinisil ang mga iyon.

"I'm really sorry, anak. Hanggang ngayon ay sinusubukan ng papa mo na kausapin si Tito Karlos mo pero hindi namin sya makausap ng maayos." Naiiyak na yumuko sya.

"My, hindi nyo naman yun kailangan na gawin. Okay lang sa akin. Oo natatakot ako pero, ito na 'to my. Hindi na ako pwedeng umatras." Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko para sabihin ang lahat ng it okay mommy.

Dahil sa totoo lang, sobra sobra ang takot na nandito sa loob. In no time, ikakasal na ako and I'm going to be a wife of Kayden Delafranco. I don't think if that's a good or bad news para sa iba. Pero para sa akin, that's a very very bad news. He's heartless at kailanman ay hindi na magbabago ang tingin nya sa akin.

Pagbaba namin ng sasakyan ay agad kaming sinalubong ng mga tauhan ng mga Delafranco. Hinatid nila kami sa 40th floor kung nasaan yung suit na pupuntahan namin. Akala ko isang suit lang sa 40th floor ang occupied pero halos matigagal ako ng buong 40th floor pala ang sakop namin.

Naka hilera ang mga gown brochure kung saan ako mamimili ng design na tatahiin ng isang kilalang designer sa buong bansa. Kinuhanan muna nila ako ng sukat bago nila ako pinapili. Medyo natagalan ako sa pagpili dahil halos gusto ko lahat ang mga designs na nandoon. Para talaga yun sa isang prinsesang ikakasal at hindi ko alam kung babagay ang mga iyon sa akin.

Sa huli ay napili ko ang isang eleganteng ball gown na may mga crystal beeds sa laylayan nito. Off shoulder sya at talagang napakaganda ng buong detalye. Hindi ko tuloy alam kung nararapat na isuot ko ang ganoon kagandang bagay.

Inayos na rin nila ang ibang detalye sa kasal. Sa Oasis manila pala gaganapin yun dahil isang garden wedding ang kasal ko. Enggrande din ang invitation na ginawa nila at halos mga kilalang personalidad ang mga imbitado. Mga malalaking pangalan sa larangan ng business at mga kilalang pangalan sa industriya ng show business. Nagulat din ako ng malaman ko na may mga medyang dadalo sa kasal para kunan ang malaking event na iyon.

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon