Kabanata 3

20.3K 359 18
                                    

Veracruz

Pagkatapos ng nangyari ay hindi na muli nagtagpo ang landas namin ni Kayden. Nagpapasalamat ako dahil hindi na sya nagpunta ulit ng school. Pati si Kayla ay sinabihan kung wag nalang muna dumalaw sa akin sa school at kung pwede ay sa bahay nalang. Ayoko ng mas palakihin ang issue sa school.

Hindi na muli naging normal ang trato ng lahat sa akin. Maging ang mga teacher namin ay medyo natatakot ng utusan ako. minsan ay hindi na rin nila ako sinasali sa mga meeting sa halip ay nanghihingi nalang sila sa akin ng suggestions. Kahit hindi nila sabihin ay may gap na sa amin simula nung lumabas ang balita.

At hindi ko yun gusto. I want to be treated like a normal student. Yung napapagalitan at inuutusan ng teachers nya.

pero hindi lang yun ang problema ko. Dahil kung ano ano din ang mga masasamang naririnig ko sa mga bibig ng ibang estudyante. Minsan nga, may naglalakas loob na awayin ako pero ako nalang mismo ang tumatakbo o umiiwas dahil ayokong MAS masira pa ang imahe kong alam kung sirang sira na dahil sa nangyari.

'Ang kapal talaga! Gash! Kayden is not right for her'

'I know right. I heard ginamit daw sya ng magulang nya pambayad utang.'

'Omg! Is that true? Ha! Serve her right! Akala nya mahal sya ni Kayden? Hindi sila bagay!'

Pinikit ko nalang ang mata ko at pinagpatuloy ang pagpili ng pagkain ko. pati dito sa cafeteria ay ako ang main dish este main topic. May mga bulungan talaga na sadyang hindi bulong dahil sinasadya nilang iparinig sa akin. I have to bear it. Ito nalang ang tanging paraan na magagawa ko. ang manahimik nalang at hayaan silang magsalita. I'm sure mapapagod din sila at titigil din dahil boring ang buhay ko.

Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan kung nag-iimpake si Mommy sa may living room. Agad akong dinalaw ng kaba. Baka mayroon ng nangyaring masama kaya sya nag iimpake.

"My, anong nangyari?" Umupo ako sa katabing sofa.

"Oh, nak. Maaga ba ang uwi nyo? Sige na, magpalit ka na ng matulungan mo ako dito." Sinisilid nya sa isang maleta ang mga damit nila ni daddy.

"My, bakit kayo nag-iimpake?" kumunot ang noo ko.

"Uuwi tayong Veracruz. Debut ng pinsan mong si Rica. Kailangan nating pumunta." Aniya habang busy sa pagsisilid ng mga gamit.

Biglang sumama ang pakiramdam ko. I don't want to go. Hindi dahil sa ayokong pumunta ng Veracruz kundi dahil ayokong makaharap ang mga pinsan ko. Sila yung mga nambubully sa akin noon at hindi ko alam kung bakit nila yun ginagawa sa akin.

Simula noon, hindi ko na gustong lumabas pag nasa Veracruz kami. Magkakapit bahay lang kasi kami kaya madalas naglalaro sila malapit sa bakuran namin. Sinabi ko yung kay Mommy at Daddy at naintindihan nila ako. Yun ang naging dahilan kung bakit bihira nalang kaming umuwi ng Veracruz. Minsan ko lang makita si Rica noon dahil sa mga kamag-anak namin, yung bahay nila ay medyo malayo sa amin.

"Kailangan ba talaga nating pumunta, my?" Bumuntong hininga ako at tiningnan ang kamay ko. This is really not a good idea.

"Are you still scared?" nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Kinuha nya ang kamay ko at nilagay sa lap nya.

"You don't have to be afraid all your life, anak. Minsan kailangan mo na ring lumaban. You need to fight back for you to be strong." Ngumisi sya sa akin at pinisil ang kamay ko. I smiled back.

"Don't worry, mommy's here. Hindi ko naman hahayaan na apihin ka ng mga pinsan mo. No one can hurt my baby girl." She kissed my hand.

"Thanks, my. I love you." Niyakap ko sya.

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon