CHAPTER 1

26.8K 645 12
                                    


Cover credits to Ate Lieza

WALANG emosyong nakatitig si Bunny sa nagwawalang ina habang kinakaladkad ng mga pulis sa police patrol. Kasunod ang kinakasama nito na nakaposas ang mga kamay patalikod. Kalmado lang. Mukhang sanay na sa ganoong eksena.

Bakit hindi? Ilang beses na din itong naglabas-masok sa kulungan sa dami ng naging kaso. At ngayon, droga naman. Her mother was a drug infused too. Kaya siguro nagkasundo ang mga ito. At kinasusuklaman niya ang dalawa. Lalo na ang kinakasama nitong napakaabusado. Na wala nang ibang ginawa kundi saktan silang apat na magkakapatid.

Kung nabubuhay siguro ang kanilang ama, hindi nila dadanasin ang ganito. Nasisigurado niya, sa pagkakahuli sa kanyang ina at sa amain, sa isa sa mga ampunan roon sa Houston sila pupulutin na magkakapatid. Ang Kuya Tyrelle niya ay nasa edad na para mag-independent living, samantalang sila nina Breonna at Briella ay siguradong pare-parehong matatapon sa orphanage. She was just eight, Briella was ten and Bea was just twelve.

"Let's go?" Untag kay Bunny ng matandang madre at iginiya siya sa service ban.

Nandoon na din ang mga kapatid niya na para bang tuwang-tuwa na nakatakas na sa mala-impyernong buhay nila. Pagkarating sa orphanage ay wala pa ding pakialam si Bunny sa paligid. Maski tinatanong siya at naririnig niya ang mga tanong ay hindi siya sumasagot. Nakatingin lang siya sa malayo habang iniisip kung ano na ang mangyayari sa kanilang magkakapatid pagkatapos ng lahat ng ito.

"Bunny, sweety..."

Napapitlig si Bunny nang marinig ang malambing na boses ng kanyang kuya. Bumaling siya rito.

"I have to go." Malungkot na sambit nito.

Awtomatikong tumayo siya at kumapit ng mahigpit sa kamay ng kapatid. "No." Mariing pigil niya sa kapatid.

Lumuhod si Tyrelle sa harapan niya at nagpapaunawang tinitigan siya. "I'm not allowed to stay here. I need to find a job. Find lots of money so I can get you all out of here."

"No!"

Namamasa na sa luha ang mga mata niya. Naroroon ang takot niya na maiwan mag-isa. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang ginagawa ng amain sa tuwing wala ang mga kapatid.

At hindi niya magawang magsumbong sa kapatid sa takot na gawin ng amain ang banta nitong papatayin ang mga iyon.

"Sssshhh..." Pang-aamo nito sa kanya. Saka masuyong hinaplos ang mahaba at alon-alon na blonde niyang buhok. "I'll come back and I'll get you here. The three of you..."

"No... Tyrelle. Please don't leave us here. Don't leave me here."

"Ssssh..." Nasa pagitan ng pagpapaunawa at awa ang kapatid.

Mahigpit na kumapit siya sa braso nito. Inabot naman siya ng madre para ilayo kay Tyrelle.

"Please, take good care of them. I'll visit them more, often."

"Tyrelle!!! Don't do this! Don't leave us!"

Nagwawala na si Bunny. Ginamit niya ang laahat ng lakas lalo na nang tuluyang tumalikod ang Kuya niya at humakbang palabas ng orphanage.

"Tyrelle!!!"

Humahagulhol si Bunny habang nagwawala at nakikita ang papalayong bulto ng kapatid na ni hindi lumilingon. Eksaktong nakalabas ito ng gate nang makawala siya sa mga madreng pumipigil sa kanya. Pero pagdating niya sa gate ay humarang naman sa kanya ang security guard. Walang nagawa ang pagsigaw at pag-iyak niya. Tuluyang nakaalis ang kaapatid niya.

Ilang linggo at buwan ang dumaan. Hanggang sa naging taon ang lumipas at hindi man lang sumilip roon si Tyrelle. Ang dalawa niyang kapatid ay parehong may nag-ampon na at siya nalang ang natira.

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon