Chapter 10

10.7K 365 4
                                    


"BUNNY!"

Damn that man!

Hindi malaman ni Bunny kung lilingon o ano. Tinatawag siya ni Axyl sa pangalan niyang kilalang-kilala ng mundo. Hindi siya pwedeng lumingon. Nakipaggitgitan siyang lalo sa mga papunta ng train station. Kailangan niyang magmadali na makauwi para makapag-empake na din. Hindi siya mapakali nang itawag ng kanyang Kuya ang tungkol sa anak. Kahapon pa daw na nagpapabalik-balik ang lagnat ni Sehun. At kanina lang itinawag sa kanya. Mabuti nalang at clear na ang schedule ng boss mula alas tres, nagawan niya ng paraan na gawin na ang mga importanteng trabaho para bukas. Bahala nang magalit si Axyl kung mag-absent man siya bukas. Basta kailangan niyang makauwi ng Palawan. Magbabakasakali nalang siya na may plane ticket pang mabibili sa mga oras na iyon. Sana... sana lang.

Hindi siya matatahimik at makakatulog hanggang hindi nakikita ang anak. Kahit pa nga sabihin ng tagapag-alaga nito na bumaba naman na ang lagnat at naipa-check up na din. Pero paano kung bumalik ulit? Paano kung sintomas lang pala iyon ng iba pang sakit. Paano kung na-dengue pala ang anak niya. Uso pa naman iyon ngayon at karamihan ng mga kapitbahay niya, mga nagka-dengue na. Kahit milya ang layo ay gagawan niya ng paraan na makauwi.

"Breonna!" gigil nang tawag ni Axyl sa kanya.

Ewan ba niya kung bakit ito sumusunod-sunod pa at nakikipaggitgitan din sa karamihan ng mga tao. Mukhang basta nalang nito iniwan ang dalang mamahaling sasakyan sa kung saan.

Tinawagan na niya ang boss habang papalabas ng building ng Wizard para ipaalam na kailangan niyang umuwi ng maaga at may importante siyang aasikasuhin. Nangako naman siya na makikipag-catch up dito pero hindi ngayon. At ewan kung nag-teleport ba ito at ngayon ay kasu-kasunod na niya sa kahabaan ng lansangan. One ride ahead lang mula sa opisina ang train station. Mabilis lang siyang nakarating doon pero ang pagpasok sa mismong station ang nagpapabagal sa dami ng tao. Palibhasa ay oras na nga ng uwian.

"Could you please stop for a minute and talk to me?" Narinig niyang angil ni Axyl sa kanya matapos nitong mahablot ang braso.

Kumawala naman siya rito at tiningnan ito ng masama. "Sir, tapos na po ang office hours. Siguro naman, may karapatan na akong gawin ang mga personal kong gawain. Bukas mo nalang ulit ako manduhan. Please lang."

At dumeretso siya papasok sa loob ng train. May laman pa ang beep card niya kaya naging mas mabilis ang pagpasok niya sa platform. Nilingon niya si Axyl na hindi magkamayaw kung ano ang gagawin dahil hindi makapasok. Nang-abala pa ito sa guard at siguro ay nagtatanong kung paano makakatawid. Sandaling nag-usap ang dalawa at nakita niyang itinuro ng guard ang bilihan ng card. Dali-dali si Axyl at parang inip na inip sa pila. Nagbuntong-hininga si Bunny at nahiling na sana dumaan na ang tren bago pa man makapasok sa may platform si Axyl. Hindi siya pwedeng masundan nito.

"Did you think you can get away from me, huh? Think again." Mahina pero may diin ang boses ni Axyl na narinig niyang nagsasalita sa kanyang likuran. Ganoon nalanga ng kabog ng dibdib niya. Kanina ay nasa dulo lang ito ng pila, bakit nandito na agad sa loob? Anong ginawa ng magaling na lalaki? Sinuhulan ba nito ang mga nasa pila?

Nang lingunin niya ang mga nasa pila sa labas ng platform, kitang-kita niya ang lapad ng ngiti ng mga kababaihan. Kumakaway pa sa direksyon niya. Ah, hindi. Sa direksyon ni Axyl. Ngiting-ngiti ang hudyo habang nakaangat din sa ere ang isang kamay. And mouthed: Thank you.

So, that was it... He use his charm to those women. Darn him!

Humugot ng buntong-hininga si Bunny at saka iyon marahas na pinakawalan.

"So, where are you leading? Anong station ka bababa?" narinig niyang tanong nito.

"Bakit ba hindi ka nalang umuwi na? Sinabi ko naman sa 'yo sa text na sa ibang araw na tayo mag-catch up." Sa halip ay singhal niya rito.

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon