Chapter 20

10.3K 456 30
                                    

A/N: Sorry, late update. Naging busy ako nitong nakaraan.

NAPAWI ang malapad na ngiti ni Breonna habang nglalakad nang may humarang sa dadaanan nilang mag-ina. Kasundo noon ang timbre ng boses na kahit mamatay at muling mabuhay siya ay hinding-hindi niya makakalimutan.

"It's been a long time. Kamusta, Breonna?"

Parang mababasag ang puso ni Breonna nang umangat ang mga mata sa nagsalita. Kitang-kita niya ang pagsiklab ng matinding pagnanasa sa mga mata nito nang bumaba ang mga mata nito sa mga binti niya, paakyat sa mga hita at doon nagtagal. Napayakap siya ng mahigpit sa kargang anak... Nakakaramdam siya ng takot at panganib. At ng matinding disgust sa uri ng ngisi mula sa mukha ng demonyo sa kanyang harapan.

Lord... paanong... paanong nandito ang hayup na ito?
Paano siya nahanap nito? Coincidence lang ba? At kailan pa ito nakalaya? Bakit binabalikan na naman siya nito? Parang mga eksena sa pelikula ang mga nakakakilabot na experience niya mula sa kamay ng demonyong lalaki. Muling bumabalik sa mga alaala niya kahit halos dalwang dekada na ang nakakaraan. Pinapaalala ng presensiya nito ang mga alaalang akala niya ay matagal na niyang naibaon sa limot.

"Right, Breonna. Kahit ilang dekada pa ang dumaan, makikilala pa din kita..." Anito sa maayos na tagalog. Halatang napag-aaralan na ang lenggwahe. Humakbang palapit ang lalaki habang parang may dinudukot mula sa likuran nito. "Damn Tyrelle for always coming in no time. Hindi kita maangkin-angkin." Umigkas ang gilid ng labi nito sa isang nakakatakot na ngisi. "Pero sa pagkakataong ito, hinding-hindi ka na niya maililigtas. Sa wakas ay magiging akin ka na, Breonna. Aangkinin kita ng paulit-ulit katulad ng dati ko pang gustong gawin." Isa pang hakbang at para nang magigiba ang dibdib ni Breonna. Ni hindi niya magawang gumalaw lalo na nang makita niyang inilabas nito ang baril na dinukot mula sa likuran nito. "Mas lalo kang naging katakam-takam, Breonna. Sayang at hindi ako ang unang nakatikim sayo." Lumipad ang mga mata nito sa yakap niyang anak."

"Mom, bakit 'di pa tayo umaalis? Akala ko ba-"

"Sssshhh..." saway niya sa anak at muling niyakap. Gumanti din ito ng yakap at sumubsob sa balikat niya. Mukhang antok pa.

"But anyway, before anything else, tatapusin ko muna ang assignment ko. So, everybody will be happy." At tumawa ito ng nakakasindak.

Umangat ang kamay nito at kumilos sa paraang sumesenyas. Naglabasan ang apat pang mga lalaki na puro mga armado. Papalapit ang mga iyon sa kanila.

"Kayo na ang bahala sa mga nasa loob. Ako ang bahala sa mag-inang ito." He instructed them.

"Wow, Basty... ang kinis ng isang iyan. Tirhan mo kami, ha?"

Lalong kinilabutan si Breonna sa narinig na palitan ng mga usapan. Napahakbang siya patalikod at muling niyakap ng mahigpit ang anak. Gusto nang pumutok ng dibdib niya sa sobrang kaba at takot. Ano nang gagawin niya. Saan siya tatakbo at paano siya tatakbo kung ganitong armado ang mga ito? Wala siyang kalaban-laban. At ang kapatid niya? Paano na si Tyrelle?

Si Tyrelle... malinaw na sa kanya ngayon. Kaanib na din ng sindikato ang kanyang amain, na kung paanong nangyari, hindi niya alam. At malamang na ang kapatid ang hinahanap ng grupo ni Sebastian.

Bubuwelo na sana si Breonna sa pagtakbo nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril mula sa kung saan. Napawi ang ngisi ni Sebastian. Napaurong naman ang apat pang kasama nito habang siya ay napayuko. Napapitlig si Sehun sa pagkagulat at humigpit ang yakap sa kanya. Nagsimulang magsagutan ang kung sino mula sa kung saan at ang kampo ni Sebastian. Nanginginig na niyakap niya ang anak na nagsimula na ding umiyak. Nagtangka siyang kumilos para makalayo o makapagtago. Tinangka naman ni Sebastian na habulin sila pero tinamaan na ito ng bala sa balikat.

Noon na tuluyang nagising si Breonna. Kailangan nilang makalayo maski ano ang mangyari. Lakas ng loob na muli siyang tumayo at tumakbo papunta sa kung saan nalang. Hindi pa siya gaanong nakakalayo nang biglang may humila sa kanya at pilit na isinakay sa itim na van.

"Bitiwan niyo ako! Bitiwan niyo kami! Paalisin niyo na kaming mag-ina, parang awa niyo na!" Puno ng hilakbot at desperation na pagmamakaawa at pagpalag niya. "Maawa kayo sa amin. O kahit sa anak ko nalang. Please... 'wag ang anak ko..."

"Calm down. Hindi kami ang kaaway mo, Ms. Imperial..." Natigilan si Breonna nang marinig ang stiff at buong-buong tinig. "Or should I call you, Ms. Firestone."

Tuluyan siyang tumigil sa pagwawala. Mahigpit na niyakap si Sehun na hindi na din niya alam kung paano aaluin. Napatanga siya sa lalaking nasa likod ng driver seat at walang kaemo-emosyon na nakatingin sa kanya sa kabila ng lahat ng mga kaganapan sa buong paligid. Sandali lang iyon dahil agad din niyang nakolekta ang sarili nang magtangka itong agawin o abutin si Sehun.

"Tell me. Apo ko ba ang batang ito?"

May edad na ang lalaki pero matikas pa din. Halata sa aura nito ang pagiging domineering at manipulative. At minsan man sa itinagal na niya sa Wizard ay hindi pa niya nakaharap ang matandang Bachelor. But then, he knew it was him. She had saw him from the pictures. Niyakap niyang muli si Sehun at parang nakakita ng pag-asa mula sa mukha ng tila istriktong lalaki. Si Tyrelle, may tutulong na sa kanila ni Tyrelle.

"Sir..." Sa pahurumentadong paraan ay dumaluhong siya sa paanan ng matandang Bachelor habang karga at yakap pa din si Sehun. Tuloy pa din ang sagutan ng mga putok sa paligid pero parang naging bingi na siya sa lahat ng ingay. Wala nang mahalaga sa kanya kundi ang nakikitang pag-asa sa kanyang harapan. Wala siyang ibang pwedeng kapitan ngayon kundi ito. Kung ano man ang dahilan at naririto ito ngayon, ayaw muna niyang isipin. Ang mahalaga ay may mahihingian siya ng tulong. "Sir, please... Tulungan niyo kami. Ang kapatid ko. Nasa loob siya ng apartment at-"

"Anong kapalit?" Bigla ay putol nito. Walang kaemo-emosyon pero hindi maitatago ang pagkalito at pagkamangha sa tuwing mapupunta ang mga mata sa batang si Sehun.

"K-Kapalit?" Natitigilang tanong niya. Ano ang ibigsabihin nito? At kailangan bang sa sandaling iyon pa sila mag-bargain?

"You have to choose, fast. Buhay at kaligtasan niyong magkapatid at ng batang ito..." Kitang-kita niya ang sapilitang pag-iwas nitong muling tingnan si Sehun. "... kapalit ng paglayo mo sa anak ko."

Muli na naman siyang natigilan. Parang ayaw nalang niyang huminga habang mabilis na nagsisink-in sa isip niya ang ibigsabihin ng lahat ng iyon. Kung bakit nandito si Avio Bachelor. At ano ba namang buhay ito? Bakit ba naman ganito? Bakit palagi nalang siyang nauunahan? Palagi nalang siyang walang choice. O kung mayroon man, kailangan niya palaging piliin ang dapat kaysa gusto. Palagi niyang kailangang magsakripisyo. And this time, hindi siya pwedeng magkamali ng pipiliin at ng isasakripisyo.
Axyl...

I always knew inside that I wouldn't have you for a long time. This must be the end, Axyl...

Naglandas ang mga luha ni Breonna habang ibinibigay ang sagot sa matandang Bachelor. Ang sagot na alam niyang habang buhay nang maglalayo sa kanila ni Axyl.

I'm sorry. I had never even got the chance to tell you how much I love you.

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon