A year later…
“MOMMY… gusto ko din ng Daddy na nanliligo sa ulan.”
Gumugulong na si Sehun sa malawak na floor mat na nandoon sa kalakhan ng sala. Kung bakit ba naman kasi paulit-ulit ipinalalabas ang third season ng Nido commercial. Tuloy, ang laki-laking impact noon sa kanilang mag-ina. Kay Sehun, na araw-araw na yatang nagtatanong ng patungkol sa ama nito. Ini-enroll na kasi niya ito sa isang nursery school at nakakakita ito ng mga Daddy. Naiinggit ito sa mga classmates at may mga pagkakataon na umuuwi itong umiiyak dahil tinutukso na walang Daddy. Pahamak pa ang commercial na paulit-ulit dahil mas lalong nati-trigger ang kagustuhan ni Sehun na magkaroon ng Daddy.
At sa kanya, dahil sa madaming panghihinayang. Isang taon na yata siyang parang lagging nilalamon ng lungkot. Hindi naman siya nagsisisi sa desisyon na mailigtas ang kapatid at ang mga buhay nila. They got a fine living, a luxurious for that matter. Napatay si Sebastian sa shooting incident sa Palawan. Dead on the spot pati ang apat na kasama nito nang manlaban sa mga pulis na nagsidatingan. Natimbog na din ang sindikato at ngayon ay hindi na sila nabubuhay na nagtatago at natatakot. Tyrelle got his surgery and survived it. Nakakalakad na ang kapatid at nakakapagtrabaho sa farm doon sa Texas, na actually ay ini-provide ng matandang Bachelor para sa kanila. Avio had been very generous to them. Ang nabili nitong farm ay inilagay sa pangalan ni Sehun. Ito din ang mabilis na nagpakilos para mai-close ang mga accounts niyang naiwan ang mga cards sa wallet niyang malamang ay nasa pangangalaga ni Axyl. At agad napagawaan ng bagong account sa isang banko sa Texas. Doon din sila agad na inihatid ng lear jet nito.
Napakabilis talagang kumilos ng isang Bachelor. Lalo na kung ang matandang Bachelor. But then, she had never heard from him for the past two months. Samantalang dati naman ay regular na buwanan itong nangangamusta sa kanila doon. Maayos at tahimik ang buhay nila. Kung hindi nga lang sa ibang mga pagkakataon na tulad nito.
“Baby, hindi nabibili ang Daddy.”
Yes. They were still using the Filipino language. After all, it was Sehun’s mother tongue. At hindi niya gustong iwan nalang basta ang mga alaala sa Pilipinas. Marami mang nakakatakot na experience mula doon, still, sa Pilipinas din nangyari ang mga mahahalaga at pinakamaliligayang sandali ng buhay niya.
“Pero bakit wala akong Daddy, Mommy? Am I an alien?” pahikbi na namang tanong nito.
Hindi niya malaman kung matatawa o maiiyak sa desperation na naririnig sa anak. Gustong mabiyak ng puso niya. Napakadaming what if. Pero siguro, kung ibabalik siya sa mga oras na pinapipili ulit siya ni Avio, she would still choose their safety. Lalo na ng anak at kapatid. Pipiliin pa din niya ang maging miserable basta makita lang na maayos na ang buhay nila.
“Who said you don’t have a Daddy? I’m here, kiddo.”
Napalingon si Breonna sa pinaggalingan ng boses. Dere-deretsong naglalakad si Tyrelle sa kanila. Completely with his cowboy outfit. Galing ito malamang sa pangangabayo at pagsilip na din sa mga alagang mga hayop sa west side ng farm.
“But you are my Daddy-Uncle. Hindi naman kita totoong Daddy.” Tumigil na ito sa paggulong pero nakasimangot pa din. Tumawa naman si Tyrelle.
“Wala ka bang pasok? Get up now. You’ll be late.”
Tumayo na si Sehun at agad na kumandong kay Tyrelle.
“Hindi ako papasok. I’ll wait for the rain.”
“Huh?”
Napalingon si Tyrelle sa kanya. Nagkibit-balikat naman siya.
“I’ll wait for my Daddy to come. He’ll come when rain comes.”
Nagbuntong-hininga si Breonna at humihingi ng tulong na tiningnan ang kapatid. Tumayo na si Tyrelle na karga ang pamangkin. Nagsimula na itong amuin ang bata para pumasok. Sa susunod nga, hindi na niya bubuhayin ang TV para hindi na mapanood ni Sehun ang commercial.
At parang tukso. Nang makalabas ng farm house ang mag-uncle, ipinalabas ulit ang commercial ng Nido. Walang lakas na napasalampak si Breonna sa malawak na floor mat habang titig na titig sa malapad na flat screen tv. She smiled, bittersweet. Mabuti pa ‘yong commercial, may happy ending. Bakit siya, wala? Bakit sila, wala?Don’t she deserve a happy ever after? Naging mabuti naman siyang tao, ah? Nagkaroon man siya ng mga maling desisyon sa buhay, but still, she did everything to make things better. Bakit ipinagdadamot pa din sa kanya ang kaligayahan?
Bigla nalang tumulo ang mga luha ni Breonna. He had missed him so much. So damn much it always made her cried a lot every night. And even in a moment like this when she was alone.
“Kamusta ka na kaya, Axyl? Have you been well?” Pagkausap niya sa kawalan na para bang desperado nang makarating ang mga salitang iyon kay Axyl.
BINABASA MO ANG
Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)
RomanceAxyl met Breonna in a bar. She was so hot and so wild. The woman was insanely seductive while swaying her hips in the middle of the dance floor. Those alluring smiles, those sexy eyes, he couldn't take his eyes away from the woman. Intense desire ju...