Chapter 15.1

9.8K 379 17
                                    

“GO HOME now and pack your things.”

Napatanga si Bunny sa boss. Katatapos lang ng meeting nito. Medyo malumbay pa din ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung paano pa din bubwelo dahil distant pa din ang boss. Katulad kahapon, kinakausap lang siya kapag may kailangan. Pero kanina, medyo gusto niyang malito. Matapos niya kasing mai-inform dito na nakahanda na ang conference room at ito nalang ang kulang para sa meeting, casual lang itong naglakad palapit sa kanya, at nang nasa tapat na niya, bigla itong huminto at bumulong.

“Nag-breakfast ka ba?”

Mabilis siyang tumango sa pag-aalalang masabihan na naman na lalamya-lamya. Pinagilas niya din ang sarili. Ayaw na niyang mapintasan na naman ang energy niya sa trabaho. Pagkatapos bigkasin ang “Good.” At matapos tumango-tango ay lumagpas na ito sa kanya. Dumeretso ng conference room at nagsimula ang meeting. Buong duration ng meeting, gusto niyang mailang dahil palaging nasa kanya ang mga maiinit na mga mata nito. Hindi niya nga sigurado kung nakikinig pa ito sa meeting. Ang hindi niya lang maintindihan, nakikita niya sa mga mata nito na gusto siyang lapitan. Pero bakit kapag may pagkakataon na, para bang ito pa ang nagtataboy sa kanya, palayo. Naalala niya pa kagabi. Katatapos niya lang mag-freshen up nang may dumating na food delivery mula sa restaurant na malapit lang sa condo building na tintuluyan niya. Nang tanggihan niya iyon at sabihing wala naman siyang order, napag-alaman niyang si Axyl ang nagpa-deliver para sa kanya. Kung minsan ay hindi na niya ito maintindihan. Nararamdaman niya ang concern nito, pero umiiwas naman itong may mapag-usapan sila. Ano ba talaga sila? Ano na ba talaga sila?

“S-Sir?” Pagco-confirm niya sa utos nito. Baka kasi mali ang narinig niya. Bakit naman siya nito papauwiin? Magta-tanghali palang.

Papasok na ito sa opisina nito nang pumihit paharap sa kanya. Kumunot pa ang noo.

“You heard me. Sabi ko, umuwi ka na at mag-impake.” Pumitik ito sa hangin nang biglang may maalala.  May dinukot sa bulsa saka inilabas ang susi ng… sasakyan? Iniabot nito iyon sa kanya. “Marunong kang mag-drive, ‘di ba?”

Napatango siya nang wala sa loob. Tinanggap din niya ang susi. Mukhang pinagmamadali siya nito at ipapagamit pa ang sarili nitong kotse.

“Sir, bakit kailangan kong mag-impake?”

“Dahil aalis tayo. Pupunta tayo ng Bachelor Hub.”

Magkasunod na nag-igkasan ang mga kilay niya. Confused siya. Bakit sila pupunta sa kung saan mang lupalop ng daigdig ang Bachelor Hub na iyon. Mukhang nabasa ni Axyl ang iniisip niya kaya agad na dinugtungan ang sinasabi.

“It’s a business meeting with my siblings and cousin. At dahil assistant kita, ‘di ba dapat na kasama kita?”

Napatango si Bunny. Walang nagawa kundi tumango nalang. “Hanggang kailan po tayo do’n, Sir?”

“Depends on my mood. Magdala ka na ng madaming gamit. Ah, kahit hindi na pala. I prefer you naked.”

Agad na namilog ang mga mata ni Bunny sa tahasang salita ng boss. Cool na cool lang ito at ni hindi nag-aalala kung may ibang makarinig. Pilyong ngumiti pa ito sa kanya at kumindat. Agad din ang pagpitik ng kanyang puso. Hindi niya ito maintindihan kung minsan. Ang bilis-bilis nitong mag-mood swings. Kanina, para siyang hangin na dinadaan-daanan nito. Tapos ngayon, bigla siyang hihiritan ng ganoon?

Tumalikod nalang siya at nagtangka nang pumunta sa elevator. Nang marinig itong nagsalita ulit.

“The black one beside mine.” Lumingon siya rito, with confused face. “‘Yong Benz na black na katabi ng Porsche ko. That’s yours. Tsk. Basta ka na aalis, ‘di mo man lang tinanong kung alin ang ida-drive mo.”

Tumalikod na ito at binuksan ang pinto ng opisina. Sandali lang siyang napatunganga at nang makabawi sa pagkabigla ay agad na tinakbo niya ang pinto bago pa iyon nagsara.

“What do you mean, it’s mine?” Gusto niyang ibalik dito ang susi. Bakit siya nito binibigyan ng sasakyan? Baka pagtsismisan pa siya ng mga kaopisina! “I can’t take the car.” Hinila niya ang isang kamay nito at ibinalik ang susi. Pero ibinalik lang din nito sa palad niya at iniikom ang kamay niya.

“Take it. Mas madali ang may sariling sasakyan kaysa magcommute.”

“Ax… Sir…”

“What?” Parang nainis nang sambit nito. “That’s a company car.”

“Pero mga executives at mga executive assistant lang ang binibigyan ng company car.”

“And you’re one of them, aren’t you? Assistant kita at ako ang boss, remember?”

“Temporary lang naman akong—”

“Either you’re temporary or not,  you’re still my assistant. So, used the car. Go to your home. And pack your things… I’ll expect you here before 4pm, okay?”

“Pero—”

At isinarado na nito ang pintuan. Napahilamos siya sa sariling mukha. Company car, pero isang Mercedes Benz? Hindi dapat na ganoong luxury car ang ipagamit nito bilang company car. ‘Yong iba ngang executives, mga Vios lang ang ginagamit. Ano nalang sasabihin at iisipin ng mga kaopisina? Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay ‘yong mapapansin at mapapag-usapan. Nag-iingat na nga siya sa mga mata ng nasa paligid, pagkatapos ay ganito?

Itutuloy...

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon