MATAPOS ang mahaba-habang meeting na inabot na din ng alas-nueve ng gabi, lumabas na si Bunny ng club house para maglibot-libot. Busy na ang magkakapatid sa boys talk ng mga ito at alam niyang ma-o-OP lang siya. Dumeretso siya sa pool area na napakalawak. At mas lalo pang nagmukhang malawak dahil halos kadugsong ang dagat. Kasing kulay ng gabi ang tubig... dahil siyempre ay gabi nga. Malamang na mas magandang panoodin ang lugar kung liwanag. Parang resort kasi ang lugar. At kung resort/hacienda. Busy pa siya sa panonood sa paligid nang may nakaagaw ng atensyon niya mula sa kabilang isla. May bundok doon at sa gitna ay may naiilawang kung anong structure. Light house ba iyon o ano? Bakit sa dinami-rami ng pwedeng pagtayuan, doon pa sa gitna ng bundok."Uy, andyan ka pala ate? Kanina ka pa hinahanap ni Axyl."
Napalingon si Bunny sa nagsalita. Si Aether. Lumapit ito sa kanya at ngiting-ngiti."Ate na ang itatawag ko sa 'yo ha? Mukhang doon na din naman kayo matutuloy ni Axyl."
Hindi malaman ni Bunny kung paano magsasalita. It was actually a compliment, kung iniisip nito na may future sila ni Axyl. At nahiling niya s asana nga ay tama nalang ito sa iniisip.
"Wala kaming relasyon ng kuya mo, kung 'yon ang iniisip mo." Sa halip ay sabi niya.
"Pero ikaw nga 'yong tinatago niya sa comfort room. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkalat ang kung anu-ano sa sahig pero ang linis ng ibabaw ng office table, 'di ba?"
Hindi niya magawang tumanggi. Parang obvious naman kasi. Pero wala din naman siyang balak na mag-confirm. Nasaan naman ang pride niya noon. Tapos lalaki pa itong kausap niya.
"You know, Aether-"
"Hindi ka basta ka-FuBu lang niya. Hindi 'yan nagpapakilala ng ka-FuBu sa pamilya. Kaya alam kong iba ka sa lahat ng nakarelasyon ni Axyl. You must be someone special for him. Baka nga ikaw na ang puputol sa kalayaan ng isang 'yon eh."
Gusto niyang ngumiti. Gustong magwala ng puso niya dahil sa narinig. Kung totoo man iyon, siya na ang magiging pinakamaligayang nilalang sa buong daigdig. Pero alam niya din kasing imposible. Narinig niya si Axyl. Settling down was never his style. At ayaw niyang mag-assume ng kung anu-ano. Axyl was someone who's very high. Mahirap abutin.
"So, pwede na kitang tawaging, ate ha? Secret lang muna natin kung gusto mo." Kumindat pa ang pilyong si Aether sa kanya. Natawa nalang si Bunny.
"Hindi ka nga tumatawag ng kuya sa mga kapatid mo eh." Sa halip ay sabi nalang niya.
"Tsk! Ganoon talaga kami. Walang modo sa isa't-isa. Walang kuya-kuya. American style ba. Pero pagdating sa mga babae, well..." Ngumiti ito ng malapad. "We were polite with women."
Ngiti nalang ulit ang naisagot niya. Natutuwa siya ditto kay Aether. May pagka-freegoer. Madaling kausap. At nakakaaliw ang sense of humor. Hindi kagaya ng ibang kapatid at pinsan nito na ang stiff, laging seryoso at may pagka-reserve. Parang mga suplado.
"I'll go ahead. Baka dumating na ang order namin." Sabi nito na namamaalam na.
"Go, baka maunahan ka sa pinakamaganda."
Isang tawa ang sagot ni Aether at nilayasan na siya.Alam naman niya kung ano ang tinutukoy nitong order. Mga babae. Gusto niyang mainis kay Axyl. Bakit hindi nalang siya pauwiin nito? Maghappy-happy ang mga ito at siya naman ay mamamahinga na ng kanya. Pwede na niyang puntahan ang anak sa kabilang isla.
Nagbuntong-hininga si Bunny habang gumigilid sa pool at dumeretso na sa tabing dagat. Paano ba siya tatawid sa kabilang isla. Nakakatakot ang gabi. Masyadong madilim. Kakaunti ang mga bituin sa langit, that means na makulimlim. Uulan siguro bukas o mamaya. Pero anu pa man ang mangyari, kailangang makapuslit siya para masilip man lang ang kapatid at anak.
BINABASA MO ANG
Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)
RomanceAxyl met Breonna in a bar. She was so hot and so wild. The woman was insanely seductive while swaying her hips in the middle of the dance floor. Those alluring smiles, those sexy eyes, he couldn't take his eyes away from the woman. Intense desire ju...