Cover credits to Ate Chacha
MASAMA ang lagay ng katawan ni Bunny nang bumangon mula sa pagkakahiga sa napakalambot na kama. Masakit ang ulo niya. Pati ang buong katawan. Partikular sa gitna ng hita niya.
Pagkaalala sa mga nag-aalab na eksena sa nagdaang magdamag ay napaungol siya. What had she done?! Hindi siya pakawalang babae maski pa nga lumaki siya sa isang liberated country at nalilibutan ng mga liberated na uri ng babae. Pero kahit kailan ay hindi niya naiwala ang sarili.
At ano ang nangyari sa kanya kagabi?
But hell! Who could have refused someone hot and sexy just like Axyl Bachelor? Isa itong biyaya na puno ng abilidad at hindi dapat tanggihan. Hindi kayang tanggihan ng kahit sino. Maski pa siya. At paano niya tatanggihan kung halos magwala ang kanyang katawan nang mapadampi lang sa balat ng maalindog na lalaki?
Pinilit timplahin ni Bunny ang katawan at bumaba ng kama. Hinagilap niya ang mga damit pero hindi niya mahanap. Sa halip, bagong red mini dress at malinis na mga panloob na nakatupi at nakapatong sa dulo ng kama ang nakita niya. May note pa sa ibabaw.
I'm sorry. I ripped your dress and your undies. Please use this in exchange.
Pagkabasa sa note ay parang may gasolinang siniklaban ng apoy ang katawan ni Bunny. Paulit-ulit na namang nagfa-flash sa utak niya ang umaatikabong mga eksena sa pagitan nila ni Axyl. Halos sumalya ang utak niya palabas ng kanyang bungo sa malakas na pagpilig. Pinipilit niyang itago sa kasuluk-sulukang bahagi ng isip ang mga nangyari.
Ah! Speaking of what happened last night, hindi niya alam kung anong mukha ang ihaharap kay Axyl sa muling paghaharap nila. Siya ang nag-initiate ng lahat. At oo, sa kinalakihang bansa ay normal nalang iyon. Pero hindi matanggap ng pride ni Bunny na dala ng kalasingan ay naiwala niya ang kanyang moral values.
Bago pa malaman ng llalakina gusing na siya ay kailangan na niyang makaalis. Kung nasaan man ito, nagpapasalamat na din siyang hindi pa ito nagpapakita. Dali-daling nagbihis ang dalaga at marahang lumabas ng silid. May kumukudlit na panghihinayang sa kanuang dibdib dahil alam niyang posibleng ito na ang huli nilang pagkikita. Pero isinalya niya palabas ng pinto ang damdaming iyon.
May isa pang pinto na katabi ng nilabasan niya. Siguradong nandoon ang binata. Marahan siyang naglakad palayo ng silid. Mula sa sala ay nagpalinga-linga ang dalaga para hanapin ang clutch bag, pero hindi niya makita. Ang high heeled shoes lang niya ang nakita niya roon. Dali-dali niyang isinuot ang sapatos at walang ingay na nakalabas ng condo unit.
Maswerte din siyang walang laman ang elevator nang bumaba. Walang aberya na nakalabas si Bunny ng residential condominium. Sumakay siya ng taxi na agad huminto sa tapat niya pagkalabas ng building.
"Good morning, Ma'am." magalang na bati ng taxi driver.
"Morning." Luminga-linga siya sa labas ng taxi. Nasaang lupalop ba siya ng siyudad? Bakit kahit saan siya lumingon, magkakamukha ang mga building?
"Where po, Ma'am?"
"Ahm..."
Hindi niya maalala kung anong pangalan ng hotel kung saan siya iichineck-in ni Xavier.
Damn! Her phone was in her bag! At hindi niya alam kung nasaan ang kanyang clutch bag.
"Please drive me to...to... a police station."
Siguro doon nalang siya manghihingi ng tulong. Makikitawag siya para itanong kay Xavier ang pangalan ng hotel na tinutuluyan niya. Pero biglang umatake ang pride niya.
Hindi.
Hindi siya tatawag kay Xavier. Wala nang dahilan para makipag-ugnayan pa siya sa walanghiyang lalaking iyon!
BINABASA MO ANG
Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)
RomanceAxyl met Breonna in a bar. She was so hot and so wild. The woman was insanely seductive while swaying her hips in the middle of the dance floor. Those alluring smiles, those sexy eyes, he couldn't take his eyes away from the woman. Intense desire ju...