Chapter 14.1

11.1K 420 22
                                    

HALOS mataranta si Bunny sa pag-aayos sa sarili. Hindi pa niya naipapahinga ang sarili at hindi pa din nagagawang kumalma matapos ang umaatikabong kaganapan sa ibabaw ng office table ni Axyl ay may kumatok naman bigla sa pinto nito. Ang nakakainis lang, parang naaliw pa ang magaling na lalaki sa pagkataranta niya. Tinulungan din naman siyang magbutones. Kaya lang, nagbubutones nga ito pero parang gustong iwan na bukas ang bandang itaas ng formal top niya.

Binigyan niya ito ng warning glare nang pigilan siyang magbutones sa parteng iyon.

“Why I have this feeling na ayaw mong madikit ang pangalan mo sa akin? Aren’t you grateful to have me?”

Meron na bang tayo?’

Gustong-gusto na niyang itanong pero may nagsalita na sa labas. Minadali nalang niya ang pagbubutones. Pero hindi nakaligtas sa mga mata niya ang sandaling pagdidilim ng mukha ni Axyl. Gusto niyang kabahan dahil mukhang hindi maganda ang ibigsabihin noon. Hindi pa siya tapos mag-ayos nang sarili kaya agad na bumaba siya ng mesa at tumakbo sa comfort room ng opisina ni Axyl. Ito naman ay inabot ang remote control. Eksaktong naramdman niyang may pumasok sa opisina ay ang pagsasara naman niya ng comfort room.

“Anong nangyari rito? Bakit ang kalat ng opisina mo?” Narinig ni Bunny na tanong ng kung sinong bagong dating. Boses lalaki. Pero sa paraan ng pagtatanong, alam niya na hindi empleyado ang dumating.

“Ah, wala. May hinahanap lang ako.” Si Axyl.

Inayos ni Bunny ang buhok sa harapan ng salamin habang naririnig ang boses ng mga nag-uusap. Wala siyang masyadong naiintindihan dahil may binabanggit ang mga ito na lugar na ‘di niya alam. Though ang thought ng conversation ay patungkol sa mga business matters. At kahit tapos nang ayusin ang sarili, hindi niya malaman kung lalabas na ba o hihintaying umalis ang kausap ng boss niya. Hindi niya din naman kasi alam kung paano ipapaliwanag ang presence niya sa loob ng comfort room ng boss.

“Kailan ba?”

“The day after tomorrow. Dadating silang lahat mamayang gabi. Doon na sila dederetso.”

“Tss!” Palatak ni Axyl. "Wala ako sa mood pumunta ng Bachelor Hub."

"Walang mood, mood. Meeting 'yon ah!"

Walang sagot mula kay Axyl.

“May bitbit silang mga lucky charm.”

Isang mahinang ungol ang sagot ni Axyl. “Bakit? Ikaw, wala?”

“Bakante ako ngayon eh.”

“Vacant, your face!”

“Oo nga. Nagtitino na ako, ano? Si Erwan lang hindi matino. 'Yong pinsan talaga natin na 'yon. Tsk... Tsk.”

“Alright. As you say so, Aether.”

Ang dami nang sinasabi nang kausap ni Axyl at wala nang naririnig na sagot si Bunny mula sa boss. Puro yeah at uh-huh nalang. At inip na inip na siya. Gusto na niyang makalabas.

“Alis na ako. Wala ka nang kwentang kausap.”

Tumawa si Axyl. “‘Buti pa nga, bro. Nagsasawa na din ako sa pagmumukha mo.”

Tawanan at kung anu-ano pang asaran. Ilang sandali pa at tahimik na sa opisina. Nakiramdam pa din siya at baka nandoon pa. Dahil kaninang narinig niyang nagbukas ang pinto, naririnig pa din niya ang boses ng mga nag-uusap.

“Lumabas ka na diyan, Bunny. Wala nang makakakita sa ‘yo dito.” Pormal ang boses na sambit ng boss.

Napakapormal din ng gwapong mukha nito nang harapin niya. Medyo madilim pa nga na parang naaasar ito. Ano na naman bang ginawa niya at parang nawala ito sa timpla?
Nagbuga ng marahas na hininga si Axyl.  “I thought you agreed you are mine?” parang nagpipigil ito ng pagkayamot.

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon