Chapter 8.3

12.7K 471 57
                                    

“WHERE is Bu-Breonna?”

Gigil na pumasok si Axyl sa department ng mga marketing managers. Kanina pa siyang naghihintay sa office niya. Tanghali na, wala pa ding sumusulpot na Bunny o Breonna or what fucking name is she using right now. Basta ni anino ng babae, hindi pa niya nakikita. At inip na inip na siya. Ano ‘yon? Limang oras na nakipag-meeting ito sa ka-team?

“S-Sir, ano. Lumabas po kasama ni Sir Louis no’ng lunch. Hindi pa bumabalik.” Sabi ng janitor na nabungadan niya. Ito lang ang naglakas-loob na sagutin ang tanong niya. Ang karamihan sa mga empleyado ay nakatanga lang.

Nangunot ang noo ni Axyl. Sandali lang at nagdilim ang kanyang mukha. Kung nakita niyang nasindak ang janitor na sumagot ay hindi na niya iyon binigyan ng pansin. Mas na nagpokus siya sa narinig.

‘Louis? Who’s that fucking Louis?’

“Sabay silang kumain?” Parang ayaw pang tanggapin ni Axyl. Nagutom na siya at lahat sa kakahintay rito, ‘yon naman pala ay may kalandian na itong iba? And who gave the permission to that bastard to take his woman out?

Uh, wait? Bunny isn’t his. Not in a formal sense. Pero nandoon sa pakiramdam niya ang pagiging territorial. That woman is his, wether she likes it or not. At ang Louis na iyon. Makakatikim ito ng bagsik ng galit niya sa paglapit-lapit kay Bunny. Kahapon nga lang sa office, kitang-kita niya kung gaano kalagkit ang pagnanasa ng walanghiya sa dalaga.

“Siguro po. Sabay pong umalis eh.”

Bigla namang bumukas ulit ang pinto ng department na iyon.

“Ayan na pala sila Sir?”

Sa paglingon ni Axyl, unang-una niyang nakita ang magkasabay pumasok na sina Bunny at Louis. At ang mas ikinapag-init ng ulo niya ay nang makitang magkadikit na magkadikit ang dalawa. Habang parang nagtataka ang mukha ni Bunny na makita siya roon, patuloy naman ang pagkulo ng dugo niya. Oo at siguro ay wala namang masama na makitang magkadikit ang mga braso ng mga ito nang pumasok. Pero kahit na! Ayaw na ayaw niyang madidikit sa ibang insekto si Bunny.

“Good afternoon, Sir.” Si Louis ang naunang bumati sa kanya. Saka palang sumunod si Bunny.

“What’s good in the afternoon?” Galit niyang sita sa dalawa saka sinilip ang Armani watch. “You two were late. It’s already one-oh-one in the afternoon. Where have you been? Ganyan ba kayo habang si Lori pa ang nagpapatakbo ng kompanya? Sobra-sobrang kumunsumo ng breaktime? You’re taking advantage of Lori’s kindness!”

Natameme ang Louis. Si Bunny naman na tila hindi papatalo ang sumalo sa galit niya.

“Sir, kahit kailan po, hindi kami nag-take advantage sa kabaitan ng boss namin. Actually, isinabay na nga namin sa lunch time ang pakikipag-meet sa magkapatid na owner ng dalawang kompanya. Kung na-late man kami ng isang minuto…” She stopped, emphasizing the last two words. “Then, paki-kaltas nalang po sa sahod namin. But make sure to pay our fifty-five minutes talking to the client over lunch.” Naghahamong sabi ni Bunny.

And for the first time in his entire life, he had rendered speechless.

What the fucking fuck!

Kung anu-ano kasing kamalisyahan ang pumasok sa isip niya nang malamang magkasama ang dalawa na nag-lunch. At bakit ba sa dalawang ito pa ibinigay ni Lori ang project para sa magkapatid na kliyente? And of all the coincidences, bakit magkasabay na magkasabay pang nakipag-meet ang mga kliyenteng iyon?

Tumikhim si Axyl. “Of course I will.” Aniyang binabawi ang composure. Binalikan niya ng tingin ang janitor na tila nanonood ng magandang pelikula habang nasa isang tabi. “Heard that? Tell that to the accounting department.” Sunod-sunod na tumango ang janitor.

Parang gusto niyang bigwasan ang sarili. Talaga bang paninindigan niya ang hamon na iyon ni Bunny? Ah, wala siyang pakialam kung parang katangahan na ang ideya. He needs to stands it to save his ego.

“You, go back to your team.” Sabi niya kay Louis. Saka binalingan si Bunny. Matiim na tinitigan ito. At hindi na nakapagtatakang ang umaapaw na inis niya ay napalitan ng nag-uumalpas na init. Seeing the sexy woman just put him into fire. “Follow me in my office, Breonna.”

‘Yon lang at tinalikuran na niya ang mga ito. Habang papalabas ay naririnig pa niya ang mahihinang bulungan ng mga empleyado.

“What happened to the new boss? Bakit mainit ang ulo?”

“Oh, come to think of it. Bagay sa kanya ang adjective na ginagamit ng lady boss natin sa kuya niya.”

“The Eldest Beast, indeed. Kakatakot siyang magalit pero kakakilig tumitig kay Breonna.”

“Swerte mo girl! Baka type ka ng boss?”

“Nah! The boss was a player. I heard and read it from…”

Unti-unti nang nawala sa pandinig niya ang kwentuhan ng mga empleyada. Gustong umigkas ng kilay niya. Player, eeh? Hindi naman. May hinahanap lang siya noon. At hinahanap niya iyon sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya. Yet, he never see her from any of them. Kaya ngayong nakita na niya ang hinahanap, hinding-hindi na niya ito papakawalan pa.

At mamaya, pagbabayadin niya ito sa ginawa sa kanya.

Itutuloy....

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon