Chapter 6.2

15.1K 576 61
                                    

CCT: PsyMae Ney

"HEY! You, little missy."

"What?"

Bigla ang pag-U-turn ni Bunny nang mula sa main entrance ng The Wizard ay nakita niya ang pamilyar na lalaking papasok. Kasama ng lady boss niya.

Goodness! He was here! He was really here!

Aatakihin yata siya sa puso kahit wala siyang sakit sa puso. Saglit na saglit na sulyap lang iyon sa pinakagwapo na yatang nilalang na nakilala niya sa buong buhay, at heto siya na parang tumaob ang kanyang buong mundo.

Mabilis na nagtago si Bunny sa hallway papuntang comfort room ng ground floor. Napakaingay ng kanyang dibdib. Kung dahil ba sa kaba o anupaman ay hindi niya sigurado. Sumilip siya ulit at tiningnan kung saan na nagpunta ang mga bagong dating. At nang makitang dadaan ang mga ito sa kinaroroonan niya ay mabilis ulit siyang nagtago.

Bakit ba siya nagtatago? For sure, hindi siya natatakot. Mahabang panahon na din siyang nabuhay sa panganib and she got used to it. Pero bakit nang makita niya si Axyl, nang maging aware siya sa pagbabalik nito, parang mas kinatatakutan pa niya ang magiging paghaharap nila.

Come on, Bunny! Hindi ba at ito naman talaga ang gusto mo? Ang magkaharap ulit kayo ni Axyl? Then, why are you hiding like a criminal?! Damn it!

Pilit niyang pinakakalma ang sarili nang marinig ulit ang mga boses ng nag-uusap. This time ay mas malinaw dahil nasa malapit na ito sa kanya. Doon pa talaga tumigil ang mga ito sa malapit sa hallway na pinagtataguan niya.

"I am telling you, be careful in dating. Pumili ka ng matino at hindi ka sasaktan. At baka makapatay na ako kapag nalaman kong...argh!" Parang naiinis ang tono ni Axyl sa pagsesermon sa kapatid.

"Someone like who? Why, Kuya? Natatakot ka ba na ako ang singilin ng destiny sa pagiging playful ninyo?"

"Damn it!"

Narinig niya ang mahinang tawa ni Lori. "Why don't you pick a woman you have right now and get married? Para matapos na ang mga kalokohan mo?"

Parang dekada ang bawat segundo na naghihintay si Bunny sa sagot ni Axyl. She wasn't even aware that she was holding her breath.

"Nah! Marriage is the last thing in my mind."

May kung anong masakit na bahagi sa tapat ng dibdib ni Bunny pagkarinig sa sinabing iyon ni Axyl. Hindi niya alam kung matutuwa o manlulumo. Ang kaalaman na hindi siya magkakaroon ng napakalaking problema sa status nito ay isang relief para sa kanya. But the thing that he hadn't had any plan of getting married is really a big problem.

Yes. She maybe very selfish that the first reason why she wants him to know they had a son is because they need his help to pull them out from the hell where they had been dragged all this time.

Bahala na ang Itaas na husgahan siya, pero kailangan nilang mabuhay. Makasalanan na kung makasalanan sila pero biktima lang sila ng pagkakataon. At ang anak niya, nadamay lang ito sa lahat ng kamalasan niya sa buhay. Isa nalang ang pag-asa niya para makalabas sa impyerno kasama ng anak at kapatid, ang tulong ni Axyl. If he would ever knew the thing about Sehun, will he ever change his mind and marry her?

Ah! Imposible yata. What would she expects in him? He loves his free life. Sino nga naman ang gugustuhing mapatali kung lahat na ay nagagawa nito dahil sa pagiging malaya. He had everything. Money, fame and the looks...

The oh-so-perfect looks.

Bakit ganoon? Mahabang panahon na ang lumipas at ni katiting yata ay walang nagbago kay Axyl. He was still the most sought-after bachelor she had ever saw.

And she had ever desire...

Darn!

Ipinilig niya ang ulo. Nasa mahirap na sitwasyon siya at kung anu-ano ang iniisip.

"Really? E, paano kung makabuntis ka sa mga pinaggagagawa mo?" narinig niyang sikmat ni Lori sa kapatid.

Natahimik si Axyl. At para na naman siyang tinotorture sa paghihintay ng sagot nito.

"That will never happen. Maingat ako."

Really huh?

Gustong sumigaw ni Bunny. Kung maingat ito, then why Sehun exist?

Ah, no! She never regrets having her son. Sa dami ng mali at masamang nangyayari sa buhay niya, si Sehun lang ang pinakamaganda at pinakatamang ibinigay sa kanya ng mundo.

"What if nga Kuya. Let's say nagkamali ka at may nabuntis."

"I'm perfect. Hindi ako nagkakamali pagdating sa mga ganyang bagay." Nasa tono na nito ang pagbibiro.

"Aish! Darn thing!"

Humahalakhak na si Axyl at nang silipin niya ang mga ito ay ginugulo na ng binata ang buhok ng kapatid.

For a moment ay parang nabura ang lahat ng alalahanin ni Bunny. Just the timber of his handsome and so manly laugh and she fely she was healed in every pain she had been. As if she was being lift up from the hardships where she was being throw down.

Why the hell?

Bakit may ganito siyang pakiramdam kapag si Axyl na ang sangkot?

"But if it will happen, well it maybe a very hard thing for me to decide. And also, it will be depends on the mother of the child."

"What do you mean?" puzzled na tanong ni Lori.

She saw him gave his sister a loopsided grin. God. That was his signature. The most attractive grin no woman could ever resist.

"If she was a great partner in bed then why not settled with her. Kailangan ma-satisfy niya ako."

Sumimangot si Lori.

"Gosh, Kuya! You're so dirty! Why are you telling that to your sister?"

Tumawa na naman si Axyl. "She should audition first as my bed warmer." Himig nang-aasar na ito na hindi inintindi ang sentiments ni Lori.

"Damn you!" Yamot na itinulak ito ni Lori. Saka nagpatiunang naglakad.

"Should I announced that to the world? An audition for Mr. Axyl Bachelor's wife?" Nakakalokong sinundan ni Axyl ang kapatid.

"Madali ko nang magagawa iyon since you will be handling me the company."

"I am not hearing anything!" bulyaw ni Lori sa kapatid at tinakpan ng kamay ang magkabilang tenga habang naglalakad.

"Show me the best marketing manager for the ads."

"No way!" tili ni Lori habang papalayo.

Napunta tuloy sa magkapatid ang atensyon ng marami sa ground floor. Habang si Bunny, nakamasid nalang sa papalayong magkapatid.

"Then you should date a great guy. A better than I am. Huwag kang pipili ng kasing loko ko."

Papahina na ng papahina ang boses ng mga ito hanggang sa tuluyang makalayo. Si Bunny ay parang natutunaw na kandilang sumalampak sa tile floor.

He'll never get serious. Kung may totoo man siguro sa mga sinabi ni Axyl, iyon ay patungkol sa satisfaction nito sa magiging ka-partner sa kama.

At ano na ang gagawin niya ngayon? She wants a happy and safe family for her child. Ang bagay na hindi siya nagkaroon noon, gusto niyang ibigay kay Sehun. Pero paano?

Paano niya gagawin?

A/N: Sorry for the slow updates. Medyo busy lang po. Huhuhu.

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon