Chapter 9

11K 399 3
                                    


SUNOD-SUNOD na napalunok si Bunny bago nagtangkang kumatok sa nakasaradong pintuan ng opisina ng boss. Nag-aalala siyang baka bigyan siya nito ng suspension dahil sa hindi naman intentional na pamamahiya sa boss. Pero kasi, sumobra din naman ng paninita si Axyl. Gusto lang niyang i-defend ang sarili. Hindi niya na kasalanan kung napahiya man ito o ano. Ah, basta. Bahala na. Sandali niyang sinipat ang sarili. Dapat ay sexy at kaakit-akit siya sa pagpasok palang. Kahit naman may kaunting iringan sila ng amo, hindi pa din niya pwedeng i-withdraw ang plano.

Umangat ang kamay ni Bunny at kumatok sa pinto saka pinihit ang knob pabukas. Prente itong nakaupo sa black leather swivel chair, nakataas ang dalawang paa sa mahogany office table habang sa kandungan ay isang folder na siguro ay binabasa kanina. Kanina lang. Dahil ngayon, ang matitiim na grayish brown na mga mata nito ay nakatutok na sa pintuan... sa kanya. Sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok.

"Sir..."

Kumiling lang ang ulo nito pagkuway lumipad ang mga mata sa silyang nasa harapan ng office table. Agad niyang na-gets na pinapaupo siya doon. Mabilis na tumalima si Bunny. Pagkaupo ay agad na binuksan niya ang planner na nakita niya sa table ni Star. Nandoon ang mga schedule nang boss. Nagsimula siyang basahin ang schedule nito para sa hapong iyon...

"By three PM may meeting po kayo sa accounting team—"

Natigil sa pagsasalita si Bunny nang makitang ibinaba ng boss ang paa nito. Iniitsa ang folder sa ibabaw ng table habang hindi siya nilulubayan ng tingin. Nakasunod lang ang mga mata niya rito nang tumayo at maglakad palapit sa kanya. Sa pagkagulat ni Bunny ay agad na lumipad ang kamay nito sa baywang niya, hinaklit siya patayo saka nilamukos ng halik ang mga labi. Namimilog ang mga mata ni Bunny sa pagkabigla. Pero sandali lang naman iyon. Agad na umangkla ang mga braso niya sa batok nito habang mariing hawak ang planner. Kusang nakipaglingkisan ang mga labi niya sa mga labi ni Axyl. Nakikipagtagisan sa marubdob na halik. Naramdaman niya ang paglusot ng mga kamay ni Axyl sa loob ng kanyang pang-itaas. Marahan at mainit na humaplos ang mga iyon sa kanyang likuran na para bang may hinahanap. Habang ang dila nito ay patuloy din sa pananaliksik sa loob ng kanyang bibig. Punong-puno ng init at pagkasabik ang mga labi nito sa kanya na para bang dekada ang itinagal nang huli nilang pagsaluhan ang masarap na halikan. Samantalang kahapon lang naman ang huli at—

Natigilan si Bunny nang pakawalan ni Axyl.

"That's for going out with someone else." Anitong umangat ang right thumb sa gilid nang mga labi niya. As if sweeping off the remains of their kisses. "Clear my entire schedule after three PM." Kaswal na sabi nito na parang walang ibang ginawa sa kanya. Parang gusto niyang mahilo sa bilis ng pagpapalit nito ng mood. Kanina lang, sa department nila ay nakita niya ang pagkaasar sa gwapong mukha nito. Nang pumasok siya sa opisina, blanko na ang ekspresyon. Pero sa isang iglap, nang sugurin siya sa kanyang upuan, kitang-kita niya ang magkahalong kapilyuhan at apoy ng pagnanasa. Ngayon, he was back to being formal.

Napatanga tuloy si Bunny sa boss. "Sir?"

"You heard it." Naghahamon ang boses. Bumalik na sa komportableng swivel chair. Inabot ulit ang folder na iniitsa kanina pero sa kanya naman nakatitig. "May mga dapat akong ireview na papers." Sinulyapan nito ang gabundok na mga folders sa ibabaw ng mesa nito.

"Okay, Sir." Walang nagawang sagot niya. Mukhang mahihirapan siya sa boss na ito. Pabugso-bugso ang trip na tamadin magtrabaho. Kung kailan first day pa nito ay saka pa umaarte ng ganoon.

"Wala ka na ding schedule after three?"

Gustong kumunot ng noo ni Bunny sa pagtataka pero pinigilan niya ang sarili. Napaka-formal ng tono nito na siya na ang gustong mailang. Dahil patuloy pa ding naglalaro sa isip niya ang pinagsaluhang maalab na halikan habang nasa trabaho na ang kanilang pinag-uusapan.

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon