Chapter 7.1

13.8K 534 81
                                    

“PROBLEM?” kunot-noong tanong ng lady boss kay Bunny.

Nasa cafeteria siya. At ang lahat ng mga marketing managers, maliban sa kanya ay nasa conference room na. Nag-demand yata ang bagong boss na ngayon na ipakilala sa lahat. Bakit hindi pa ipagpabukas? Gusto muna niyang kalmahin ang sarili. Hindi niya din alam kung paano magre-react mamaya kapag nakaharap na niya si Axyl. Paano kung makilala siya ng lalaki? Paano na?
Humugot ng malalim na buntong-hininga si Bunny saka kabadong ngumiti sa lady boss.

“I’m fine, Ms. Lori. Medyo malakas yata ang aircon. Kaya magkakape muna ako.”

Magkakape? Fuckshit! Lalo na siyang ninerbiyosin nito mamaya.

Natawa si Lori. “Medyo malamig nga. Christmas season na kasi eh. Pahinaan nalang natin ang aircon sa conference room mamaya. Let’s go?” anyaya nito sa kanya. “Baka mainip na si Kuya at magbago pa ang isip. Hindi na ako makakapagbakasyon kapag tinopak na naman ‘yon.”

Walang nagawa si Bunny kundi ang sumunod sa lady boss. Baka mas lalo pa itong magtaka kung tumanggi siya. Habang naghihintay sa loob, hindi pa din mapakali ang dalaga. Kung may ilang beses siyang nagbuntong-hininga. Nagtataka na nga si Louis na kapwa niya marketing manager. Inabot din nito ang kamay niya na nanginginig.

“Ang lamig ng kamay mo. Okay ka lang ba?”

Nginitian niya si Louis. Saka tumango. “I’m fine.” Mabait ito sa kanya. At hindi din siya manhid para hindi mahalata na interesado ito sa kanya. Pero wala sa mga ganoong bagay ang priority niya. Isa pa, hindi normal ang buhay niya. Ayaw niyang may ibang makapasok sa privacy niya. Kaya nga hindi siya nakikipagkaibigan kahit kanino. Tamang colleague lang.

Nang kunin na ni Ms. Lori ang atensyon ng lahat para sa mahalagang announcement nito na sa totoo lang, kaninang-kanina pa nagpapatensyon sa kanya, nagpokus na ang lahat ditto. Maliban sa kanya. Maigi na din siguro na na-overheard niya ang mga bagay-bagay kanina. Hindi na siya sobrang masha-shock. She shoud gathered her self, instead.

Nang pumasok ang ipinakilalang boss ay composed na si Bunny. Naitago na niya ang tension at parang walang anuman din na nakipagkamay sa bagong boss.

Ang boss ang parang talagang nabigla nang makaharap siya. Ang tagal nitong titig na titig sa kanya. Kung nakilala siya nito, hindi niya alam. Dahil ang lahat ng atensyon niya, napunta nang lahat sa mga labi nito.

His lips were pressed firmly. And suddenly, it curved into a thin smile. Para bang may nalaman ito na hindi niya alam. Kumabog ng napakalakas ang dibdib ni Bunny. Gustong-gustong sumabog ng puso niya sa matinding kaba. Nakilala ba siya nito? At kung nakilala siya nito, maganda ba iyon? O masama? Gusto rin naman niyang makilala siya ni Axyl.

And why that firm, small smile seems to be very sexy in her eyes? Naghahalo-halo tuloy ang pakiramdam ni Bunny. From extreme nervousness, paranoia, to desire… to passion… longing and damn it but she was getting so needy with his kisses and touch.

Naipilig ni Bunny ang sariling ulo. Kung anu-anong kamunduhan ang pumapasok sa isip niya.

“Hey, Kuya. Baka matunaw si Breonna.” Saway ni Lori sa kapatid. Hindi pa din kasi siya nilulubayan ni Axyl ng tingin. Hindi din nito pinapakawalan ang kamay niyang naramdaman niyang sandali nitong pinisil.

“Breonna?” nagtatakang tanong  ni Axyl sa kapatid. “I thought she’s Bunn—”

“Yeah, yeah. Kamukha talaga niya ‘yong Bunny Yascha ng New York. But she is  Filipina.” Tinapik nito ang kamay ng kapatid na nakahawak pa din sa kanya. “Come on. Namumutla na si Breonna. Natatakot na ‘yan sa ‘yo, malamang.”

Ini-guide ni Lori ang kapatid sa iba pang naroroon para ipakilala pero wala na sa ginagawa ang atensyon. Hindi siya nilulubayan ng tingin ni Axyl kahit patuloy ito sa pakikipagkamay. Nakaramdam siya ng lalong tension kaya inilipat niya ang atensyon kay Louis. Kahit hindi siya mahilig makipag-usap, isinet niya ang sarili na kausapin ang co-manager.

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon