Chapter 13.2-SPG

11.4K 396 24
                                    

"PINAPATAWAG ka ng boss."

Napalingon si Bunny sa nagsalita. Kaka-punch in lang niya at ni hindi pa nakakaakyat sa office floor ng mga executives. Balak muna sana niyang i-meet ang team niya bago dumeretso doon. Tutal naman ay nai-advance na niya kahapon ang mga trabaho. Dapat doble ang sahod niya tutal doble din naman ang trabaho niya.

"Ha?" Napakunot-noo siya kay Levi. Nasa likuran nito si Louis na ngumiti at tumango sa kanya. Ginantihan niya iyon ng ngiti at lumagpas na. Inayos naman niya ang mga yakap na folders na balak nang dalhin sa office ng boss. Iniuwi niya ang ibang trabaho kagabi. Na hindi din naman niya natapos dahil may istorbong nakitulog sa bahay niya.

Ah, hindi lang pala iyon basta nakitulog lang...

Gustong mag-init ng katawan ni Bunny nang muling mag-play sa isip niya ang nagbabagang sandali sa ibabaw ng kanyang kama, kasama ang boss. Ang boss na walang ginawa sa buong magdamag kundi paligayahin siya. Ni hindi niya namalayan kung anong oras na siya nakatulog. Hindi na din siya nakapaghapunan. Pero paggising niya kinaumagahan ay may breakfast nang nakahanda. Talagang feel at home si Axyl na pinakialaman ang kusina niya.

But well, what he did, just touched her. Kailan ba may naghanda ng almusal para sa kanya? Matagal nang wala. Ngayon nalang ulit. At talagang natuwa siyang maramdaman na may isang nilalang na kasintaas ni Axyl ang nag-abalang alalahanin ang pagkain niya. Na kung tutuusin, hindi naman nito kailangang gawin.

Habang magkasama silang magkapatid, abala si Tyrell sa pag-iisip kung paano makakawala sa galamay ng sindikato na halos araw-araw, napapraning itong mata-track sila. Alam niyang natatakot lang itong madamay siya sa gulo nito. Pero ano ba? Damay na talaga siya at pinili niya iyon. Gusto niya ding alagaan ang kapatid dahil alam niyang matagal na wala itong naging karamay sa buhay. Pareho silang magkapatid na biktima ng malupit na tadhana. At sino pa ba ang magdadamayan kundi silang pamilya. Too bad, nawalan na talaga siya ng balita patungkol sa dalawang kapatid. Naaalala pa din kaya sila ng mga iyon? O tuluyan nang nawalan ng pakialam sa kanila tutal ay maayos na ang mga ito.

Ayaw na din niyang kumontak sa mga iyon. Ayaw niyang magulo pati ang mga ito.

"Mainit ang ulo ng boss." Muling nagbalik ang isip ni Bunny sa kasalukuyan. Napalingon kay Levi. "Kanina ka pa hinihintay. Binilinan kaming lahat dito na kapag dumating ka, paderetsohin ka kaagad sa office niya." Napailing pa ito. "Mukhang terror boss ang pumalit kay Ma'am Lori. 'Buti nakakatagal ka do'n?"

"Second day ko palang naman ngayon." Naisagot niya. Hindi naman siya nai-intimidate sa boss. Hindi siya dapat ma-intimidate dahil kailangan niya itong mai-seduce. Ito lang ang makakatulong sa kanilang sitwasyon.

"'Yon nga. Pang-second day mo na. 'Buti nakatagal ka."

"Mahirap maghanap ng trabaho sa ngayon eh."

Napatango-tango si Levi. "Oo nga eh. O siya, dumeretso ka na at baka i-fire ka no'n." Pagkasabi ni Levi no'n ay tumalikod na sa kanya at dumeretso sa kung saan man ito pupunta.

Napabuntong-hininga si Bunny. Dumeretso na din siya sa floor kung nasaan ang opisina ng boss. Pagkarating sa mismong tapat ng pinto, nagdalawang-isip na siya kung kakatok na o kakalmahin muna ang sarili. Teka nga. Bakit ba siya kinakabahan? E' ano kung mainit ang ulo nito? Wala naman siyang maalala na kasalanan sa boss? Wala siyang ginawang masama. Maayos niyang natapos ang trabaho kahapon at ini-advance pa ang ibang gawain para ngayon. Kaya bakit siya kakabahan?

"Alright. Let's do this." Aniya sa sarili at marahan nang kumatok sa pinto.

"Come in." pormal na pormal ang boses ng boss. Binuksan na nga niya ang pinto at pumasok.

Busy ang boss sa kung anong pinipirmahan nito nang tingnan niya. Kunot-noo pa habang nagbabasa ng papeles. Yet, he still looks handsome and so yummy. Napangiti siya sa sarili. Parang gusto niyang hilahin ang collar nito palapit at siilin ito ng nagbabagang halik.

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon