Chapter 15.2

10.5K 441 20
                                    

PS: Oh, huh! Saan kayo nakakita ng nasa unahan ang PS? Only here on STEB. HAHAHA. Anyway, si Aether yung nagpunta sa office. Sorry, nagkamali ako. Si Lathan ang naitalagay ko. Hotelier nga pala si Lathan.

Anyway... Here's the update. Enjoy!

“FINALLY, you’re here, eldest beast.”

“Dumidilim na ah? Akala namin, ‘di ka na sisipot.”

Gustong mapanganga ni Bunny habang nakaharap sa mga kalalakihang nasa harap ng bar counter. Nagkakaingayan at kanya-kanyang asaran. They were six... Six stunning male human species were in front of her. May iba-ibang karakter ang mga ito mula sa paraan ng pagtindig at pagkilos at masasabi niyang lahat ay makalaglag underwear sa kagwapuhan! Wala siyang tulakin-kabigin sa mga ito. The men were certainly hunks and gorgeous. Mga malalakas ang dating at nakakabuhay ng makamundong isipan. Yet, Axyl would stand out. Siguro dahil ito ang panganay?

Ah, ewan niya. Basta ang alam niya, si Axyl ang pinaka-lahat na.

“Dito na nga kami dumeretso eh. Nakakahiya naman sa inyo.” sarcastic na sagot ni Axyl.

Lord! This is paradise for women. Kaya lang, bukod sa kanya at sa ilang serbidora ay wala na siyang makitang ibang babae roon. Kasalukuyan silang nasa isang isla na tinatawag na Bachelor Hub.

Bachelor Hub is a private island in Palawan na ipinangalan sa angkan bilang private community ng mga Bachelor. And she could swear on her breath, the island was fantastic! Nalilibutan ang isla ng maberde at maasul na view. The beach was just a kilometer away and there were lots of horses around. Nakita niyang ipinapasok ang mga stallion ng ilan sa mga care taker. Sabi ni Axyl, marami pa daw silang panahon para i-explore ang island. Uunahin muna daw nitong makipag-deal sa mga kapatid. It was ofcourse about the business meeting.
Ilang villa din ang nakatayo sa lugar na nasisigurado niyang pag-aari ng mga Bachelor. Magkahalong classic at modern style ang mga villa pero ang mas nakakaagaw ng pansin niya ay ang yari sa glass panel na club house kung saan sila naroroon. Glass made structure. Na ayon kay Axyl ay meeting place nilang magkakapatid at ng mga pinsan nitong nasa blood line ng Bachelor. Clan meeting patungkol sa mga hawak na businesses ng bawat isa. Bachelor was a clan of very successful business persons. At hindi niya maitatangging dahil iyon sa pagkakaisa ng mga ito.
Of all places ay sa Palawan pa pala talaga sila pupunta. Hindi masyadong malayo sa kinaroroonan ng anak niya. Siguro ay pwede siyang mag-sneak kapag busy na ang lahat at hindi na siya kailangan. Sisilipin niya lang si Sehun. Ang problema lang ay kung paano siya lalabas ng Bachelor Hub? Nasa kabilang isla ang anak at kapatid niya.

“I think I saw her from somewhere.” Kunot-noo ang isa habang nakatitig sa kanya.

“Drop it, Aether.” Mariing saway ni Axyl sa kapatid. So, ito ‘yong lalaking dumalaw sa office ng boss niya nang nakaraang araw.
Pero ano ‘yong sinasabi nito na nakita na siya nito? Katulad ba ng madami ay napansin din nito ang pagiging Bunny Yascha niya?

“Siya ba ‘yong nagtatago sa comfort room mo, the last time I’m in your office?”

Parang naging bato ang katawan ni Bunny dahil sa narinig. Nanlaki din ang mga mata niya sa pagkagulat. Ano ba ito? Igigisa ba siya ng isang ito sa sarili niyang mantika? At bakit… bakit alam nito?

“Alam kong may itinatago si Axyl sa comfort room niya no’ng araw na iyon. Panay ang lingon niya sa comfort room eh.” Parang naaaliw na dagdag pa nito.

Naramdaman niya ang pag-abot ni Axyl sa kamay niya at magaang pinisil-pisil iyon.

“I’m warning you, Aether. Kapag hindi ka pa tumigil—”

“Fine. Fine.” Awat na ng kapatid ni Axyl at tumungga ng alak.

“So, aren’t you going to introduced her to us, eldest beast?” sabi naman ng isa.

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon