Cover credits to Alma
"MA'AM, someone wants to give you this."
Napadako ang tingin ni Bunny sa bar tender na nag-aabot ng baso ng inumin. "Who?"
Lumipad ang tingin nito sa kaliwang bahagi ng bar counter. At gustong bumagsak ng mga panga ni Bunny.
Kulang ang salitang gwapo habang tinitingnan niya ang lalaking ngumiti sa kanya at iniangat ang hawak na baso at ikiling ang ulo.
The man was outrageously gorgeous. Napakalakas ng dating nito lalo na kapag ganitong nakangiti sa kanya. He had that prominent aristocratic nose. Square-masculine jaw and a pair of red sensual lips that promised an insanely delicious kiss.
Wala sa loob na naabot niya ang inumin at nilagok iyon ng dere-deretso, not leaving her eyes from him. Parang bigla siyang nauhaw. The man was a mixture of manliness, magnificence and compelling sex appeal. Gustong mataranta ng mga senses niya habang sinasalubong rin ng kumikislap sa kung ano ang mga mata nito.
Nang tumayo ang lalaki ay parang gustong mapatid ng kanyang hininga. The man was so tall and big. So awesome to see. Ang malapad na dibdib nito ay nahahapit sa white polo na nakalilis ang mga manggas hanggang siko. Kapansin-pansin din ang hubog ng matatatag nitong mga balikat. Ang mga bisig nito na para bang kay titigas at tila masarap magpayakap.
Marahang naipilig ni Bunny ang sariling ulo. Ano ang naiisip niya at gusto niyang magpayakap sa gwapong estranghero? Toni-tonilada man ang ka-sexy-han nito at nakakabaliw ang sex appeal, pero hindi tamang pagpantasyahan na itapon ang sarili palapit rito.
"I just thought you might got thirsty while dancing. You're partner didn't even mind giving you a drink." Sabi ng lalaki in a deep, masculine and handsome tone.
Grabe! Hindi niya akalain na maide-describe niya ng ganoon pati ang boses nito. But, he really has a handsome voice.
"Thank you, handsome." Nasabi nalang niya. Hindi napigilan ang compliment.
"You're welcome, gorgeous." At ibinalik nito ang mga paningin sa dance floor. "Are you new here?"
"My first time, actually."
"Oh..." He said. Pero kulang sa conviction ang pagkabigla. "I bet you'll like it here. I'm a regular costumer, actually." Bumaling sa kanya ang lalaki. Napakasarap sa pandinig ang baritonong tinig nito.
At ang halimuyak ng pinaghalong manly perfume, alcohol drinks at masculine scent ay halo-halong umiikot sa kanyang sistema at nakakabaliw ang epekto noon. But she could smell him for a life time. Napakabango nito.
"I'm Axyl, anyway." Inilahad nito ang kamay na may mahahaba at malalaking mga daliri sa kanya at tinanggap naman niya iyon. The hand seems so strong, big and warm. He can crushed her and make her whole again.
What the heck!
Ano ba itong naiisip niya? Sa dami ng mga lalaking nakilala niya, nakadaupang palad at higit pa, wala siyang naramdaman at inilarawan ng ganoon ka-poetic. Not even Xavier.
"Alexander Axyl Bachelor."
The name rings a bell. Pero hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang bagay na iyon. Mas natuon ang pansin niya sa kumikislap sa tama ng lead light na grayish brown eyes nito. It seems familiar to her. Hindi niya lang maalala kung kaninong mga mata ang nakita niya na ganoon din makatingin. At ganoon din ang kulay.
But the gaze he was giving her makes her hot and stirs something from her belly.
Pinilit niyang patayin ang kakaibang damdamin. "I'm Bunny... Breonna Yascha Firestone." Nasabi niya ang buong pangalan na hindi namamalayan.
BINABASA MO ANG
Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)
RomanceAxyl met Breonna in a bar. She was so hot and so wild. The woman was insanely seductive while swaying her hips in the middle of the dance floor. Those alluring smiles, those sexy eyes, he couldn't take his eyes away from the woman. Intense desire ju...