Chapter One : The Wedding

571 5 0
                                    

Chapter One

The Wedding

You're cordially invited to the wedding of the year of Mr. Rohann Clein Xenon & Ms. Aleina Selene Moissel......etc. Blah.. Blah.. Blah..

*Sigh*

Malalim na buntong hininga ni Selene ng basahin niya ang invitation na pakalat kalat sa lamesa na naiwan ng isang guess.

"Sana panaginip lang ang lahat ng ito. Yung tipong magising ako sa pagtulog mula sa isang napakasamang bangungot." Isa ulit malalim ng hininga ang pinakawalan nito. "Ayaw ko talagang ikasal sa tukmol na iyon. Ang bata bata ko pa..... Haaayyy...."

"Oh anak, aba'y parang biyernes santo na iyang mukha mo. Masasayang ang make up." Sabay tapik ni mama sa balikat ko.

"Mama naman, alam niyo naman ang dahilan diba." Paliwanag ko habang nakatingin sa kanya mula sa repleksyon ng salamin.

"Nako, ilang minuto na lang ay ikakasal kana hindi kana pwedeng umurong. Tsaka isa pa ang ganda ganda mo manang mana ka talaga sa akin." Mahabang litanya ng aking ina.

"Mama, paulit ulit na lang ba kayo. Ano kayo unli? ARAY!!! Mama naman." Sabay himas ko sa ulo ko. >3<

"Wag mo nga ako pinipilosopo bata ka. Hmp! Jan ka na nga mauna na ako sa baba at wag kang magkakamaling tumakas!" Sigaw ni Mama sa akin.

"Nako honey, ikakasal na lahat iyang anak natin pinapagalitan mo pa. Inaantay kana sa baba at maya maya'y susunod na kami ng anak natin." Biglang singit ni Papa sa amin na kakapasok pa lang sa kwarto ko.

"Siya sige honey mauuna na ako sainyo. Hoy Selene! Ayusin mo ang mukha mo. Sayang ang ganda mo kung sisimangot ka lang jan." Paalala ni mama bago tuluyang umalis.

*Sigh*

"Papa..."

"Hmmm..."

"Bakit po kayo pumayag na ikasal ako dun kay Rohann?" Tanong ko kay papa. "Pumayag ako dahil mas magiging maganda ang buhay mo sa kanya na hindi namin kayang ibigay sayo." Sabay ngiti ni papa sa akin.

*Sign*

"Pero kakakilala pa lang natin sa kanya diba. Saka pwede naman akong magtrabaho para makapag-aral ako papa." Sagot ko naman. "Anak, ilang beses na natin tong pinag-usapan. Sige na tumayo kana jan. Magsisimula na ang kasal mo."

Hay, iniba ni papa ang usapan. Lagi naman. "Ano bang ginawa ng lalaking yun para mapapayag sila." Bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin.

"Nahypnotize niya siguro kayo noh!" Kasabay ng paglingon ko kay papa na handa na para lumabas. "Ikaw talaga kung ano-ano ang iniisip mo. Tumayo kana jan. Inaantay kana ng asawa mo sa baba."

Hinila na niya ako patayo at inakay palabas ng silid. Mabilis kaming nakababa gamit ang elevator at tumungo sa malaking garden na may transparent na bubong sa likod ng hotel. Doon kasi napagpasyahang ganapin ang kasal.

Makalipas ang ilang sandali iniwan na ako ni papa ng hindi ko namamalayan. Hinanap ko siya sa paligid ngunit hindi ko na nakita. Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na ito kaya eto ako ngayon naliligaw.

Nakakita ako ng isang fountain sa gitna ng daan kakahanap ko kay papa. Napabuntong hininga na lang ulit ako sabay upo malapit rito. Gusto ko ng umiyak at magpagulong gulong sa lupa dahil sa kakaisip sa kakahinatnan ng buhay ko pagkatapos ng kasal na ito nang bigla ko mapansin ang suot ko.

Kulay pink at grey ang kulay ng tube wedding dress ko na lampas lang sa tuhod ang haba. May mga makikintab na bato ang nakadisenyo sa bandang dibdib ko pababa patungong baywang na nagpalitaw ng kagandahan ng damit. At mula sa baywang ay may laso upang makita ang hubog ng katawan ko na nakaribbon sa likod. Samantalang sa may laylayan ng palda ko ay may mga bato ulit na nakadisenyo na kulay grey.

My Instant Husband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon