Chapter Thirteen : Stolen Heart

215 3 0
                                    

Chapter Thirteen

Stolen Heart

"Wag kang malungkot. May takdang panahon para sa lahat. Sundin mo lang ang iyong tunay na nararamdaman at iyong makikita ang hiwaga ng mahika."

____________________________o0o___________________________

*RUN*

*RUN*

*RUN*

"Whoooooo!" Sabay punas ng pawis ko. Pagkatapos napayuko ako at napahawak sa mga tuhod ko dahil sa sobrang pagod.

"Anong lugar na ba ito?" Tanong ko sa sarili ko habang hinahabol ang paghinga ko. Kakaiba ang lugar na ito. Nakakatakot sa wala man lang moon or stars sa langit. Tapos ang paligid punong puno ng maiitim na usok.

"AWOOOOOOOOOHHH!!!!!"

O_______________O

WAAAAAAAAAAAHHHHH!!!! Ano yun? Alulong ba yun?! Wag mong sabihing may multo din sa planeta ng mga aliens?!!! MOO!! MOO!! >__________________<

"AWOOOOOOOOOHHH!!!!!"

Palapit ng palapit sa akin ang tunog na yun. WAAAAAAAAAHHH!!!! Tumakbo ulit ako ng tumakbo.

"H-hindi ko na k-kaya. P-pagod na t-talaga ako." Napaupo na ako sa isang puno dito na wala man lang kabuhay buhay. Walang dahon at walang kulay. Yung mga nakikita sa mga horror movies ganoon ang itsura nito pati na rin ang lugar. Ang creepy! Tapos mga kakaibang sounds pa naririnig ko. WAAAAAAAAAAAHHHHH!!!

Bigla ko tuloy naalala yung kanina. Inisip ko lang na kung matutunaw ko lang ang posas na nasa mga kamay ko makakawala na ako. Hanggang sa naramdaman kong uminit ang mga palad ko hanggang sa matunaw ang mga iyon at yung mga nakapulupot sa buo kong katawan na baging na may malalaking tinik bigla na lang natanggal at bumagsak sa sahig na parang natakot sa akin.

Nangyari ang lahat ng iyon habang may kausap si Flea na isang panget na nilalang. Parang isang kurap ko lang yata nangyari iyon. Pagkatapos may nagsabi sa akin na pasabugin ko ang mga ilaw na nagsisilbing liwanag sa lugar na yun kaya naman nagkagulo ang lahat at nataranta ang mga nilalang na naroroon. I grab the chance para makatakas kaya eto ako ngayon.

Nagulat ako ng biglang lumakas ang ihip ng hangin at nabuhay ang mga puno sa tabi ko. Gumagalaw sila at tumatawa ng nakakatakot! >__________________<

Maya maya'y may nagwisik ng isang kulay na gray na alikabok sa harapan ko at pinalibutan ako nito. Then, the next thing I knew knockout ako.

Ang liwanag hindi ko maimulat ang mga mata ko. Nasisilaw ako pero pinipilit ko pa rin imulat ang mga mata ko. Nasaan na ba ako? Hanggang sa luminaw na ang mga nakikita ko.

"Gising na po siya kamahalan." May isang nagsalita sa kanan ko ngunit hindi ko makita dahil nasa dilim ito. "Hahaha. Mabuti kung ganoon. Mas magandang gising siya para makita niya kung paano ko maagaw ang kanyang pinakaiingat ingatan. Hahaha."

Pinakiramdaman ko ang katawan ko parang may kakaiba. Nakagapos na naman ang magkabilang kamay ko pati ang paa ko. Kung dati nakatayo ako ngayon nakahiga na tapos may malaking ilaw na nakatapat sa akin. Parang nasa operating room ako. At wala na akong suot na damit na pangtaas! WAAAAAAHHHH!!!! Anong gagawin nila sa akin?!

O_________________________O

"Hindi ako makapaniwalang ikaw lang ang sisira sa mga plano kong maging reyna ng Planet Orion at ng mundo mo!!! Ikaw na isa lamang mortal at ako na isang dugong bughaw!! Ako ang karapat dapat na maging kabiyak ni Rohann at hindi ikaw!! Ako lang!! Akin lang siya!!! BWAHAHAHAHAHAHA!!" Mapait na halakhak ang umalingawngaw sa buong lugar na ito na mula sa isang babaeng mukhang manika.

My Instant Husband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon