Chapter Two : The Flashback

399 5 0
                                    

Chapter Two

The Flashback

KRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNGGGG!!!!!!!!!!

KRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNGGGG!!!!!!!!!!

"Aish! Oo na gising na!" Kakagigil naman tong alarm clock ko! Andoon na ako sa climax ng dream ko oh! Padabog kong inoff yun at pagkatapos ginawa ko na ang morning ritwals ko. Nang matapos ako ay bumaba na ako at pumunta sa kusina kung saan nakita ko ang aking asawa na kakatapos lang magluto ng agahan.

"Good morning!" Nakangiting pagbati ko sa kanya. "Tsss! Agang aga ang ingay mo."

"At ang aga aga ang sungit sungit mo na naman!" Napalabi ako ng wala sa oras. Padabog akong umupo at sinimulan ng kumain. Grabe, ang charap!! Yum! Yum! Yum! Wala talagang kupas magluto ang isang to! The Best!

Umupo na rin siya sa tapat ko at kumain na rin. "Ang sarap!! Mapapadami na naman ang kain ko nito!" Hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi sabihin. "Tsss! Parang hindi babae kung kumain." Bulong naman ni sungit na narinig ko naman.

"Hmp!! Eh ano ngayon?" Sabay irap ko sa kanya. "Tsss!" Nakakunot ang noo niya na nakatingin sa akin. Kala niya papatalo ako binelatan ko nga.

Ganyan ang araw-araw na eksena namin sa umaga bago ako pumasok sa school at siya? Ewan ko basta na lang maglalaho sa paningin ko ang masungit na yon. Hindi ko alam kung san siya nagwowork o kung pumapasok nga ba siya sa work para kasing hindi yung suot niya kasi hindi pangtrabaho. Basta pag-uwi ko sa hapon ako lang mag-isa at palagi siyang missing in action. Tulad na lang ngayon.

Sa school? Ayun napakaboring bukod sa mga BFF's ko na nagpapasaya sa akin at ang pagsulyap sa crush ko hehehe. Mabilis lang naman ang oras kaya eto kakauwi ko lang sa bahay.

Ako lang mag-isa ngayon at buti wala na naman ang napakasungit na si Rohann. Actually tuwing umaga ko lang nakikita ang isang yon.

Haiisst!! Miss ko na sina Mama at Papa. Kamusta na kaya sila. Haiisst!! Simula kasi noong nag16 na ako dito na nila ako pinatira sa bahay na ito. Noong una nagtataka talaga ako kung paano kami nagkaroon ng two-storey na bahay na may apat na room na exclusive lang daw sa akin na kahit anong pilit kong patirahin ang mga parents ko dito ayaw pa rin nila. Nabigyan pa nila ako ng isang katulong at take note may driver pa ako. Kung tutuusin nga mahirap lang kami. Kaya takang taka ako kung saan sila nakakuha ng pera.

Pero ngayon unti unti na akong nalilinawan. Iyon ay dahil kay Rohann. Sa kanya pala itong bahay na ito, siya rin ang nagbibigay ng allowance ko since then at ang nagpapaaral sa akin. Two years na pala akong sustentado ng mokong ng hindi ko alam.

Mas lalo akong nalinawan nung di ko sinasadyang makita at mabasa ko ang diary ko dati nung 16 pa ako. At magpasa hanggang ngayon hindi ako makapaniwala. As in!!

___________________________o0o______________________________

**Flashback two years ago**

"Yum! Yum! Ang sarap talaga ng kwek kwek. Hehehe." Tuwang tuwa kong sabi ng maubos ang kinakain ko. "Teka asan na mga yun!" Palinga linga kong nilibot ang paligid para hanapin ang dalwa kong kaibigan na kasama ko kani-kanina lang.

*toot!*

Bessy!! Were na you? Kasama ka lang namin kanina ah bigla kana lang nawala!!! Dito kami ngayon sa jollibee!! Punta ka dito! ASAP! Andito yung crush mong si Kirby!!! Nilibre kami!!!!!!!!

( __ __ )

Kainis naman ang mga ito iniwan ako dito sa park. Aish! Si Kirby my loves kelangan ko ng magmadali baka hindi ko maabutan iyon!!!

My Instant Husband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon