~A/N: Revival of my story. I know its been a long time since ginawa ko ito. Hopefully this time magawa ko siyang tapusin at sana may magbasa pa ng story ko. Thanks!
"Tanging luha at pasakit lang ang dulot ko sayo. You dont deserve me. You need someone. The one that I could never be."
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid. Masakit ang buo kong katawan at tanging ulo ko lang ang aking nagagalaw. "Aww!" Impit na sigaw ko ng pinilit kong igalaw ang aking sarili upang umupo sa higaan.
Halata sa mga disenyo nito na isa siyang mamahaling silid. Pinagmasdan ko ang paligid dun lang sumagi sa isip ko na baka nasa ospital ako. Dinig ko ang tunog ng makinang katabi ko.
Kinapa ko ang aking sarili at pinagmasdan ang maraming tubong nakakabit sa aking dibdib maging sa aking kamay. Napahawak ako sa aking ulo ng pilit kong inaalala ang mga nangyari. "Ano ba talagang nangyari sakin? Bakit nandito ako? Aish! Wala akong maalala."
"Selene..." Napalingon ako sa taong tumawag sakin. Inaninag ko pa ang muka nito dahil may kadiliman kung saan ito nakatayo. "Selene! Ang aking anak! Salamat!" Maluha luhang bati sakin ni mama.
"Mama..."
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang
aking ama. Ganun din ang reaksyon nito. Kitang kita ko ang labis niyang pagkagulat at pag aalala."Papa..."
"Tatawag lang ako ng doktor." Pagkausap niya kay mama. Tumango naman si mama bilang pagsang ayon.
"Okay ka na ba? May masakit ba sayo? May gusto ka bang kainin?" Tuloy tuloy na tanong ni mama sa akin pero saglit itong tumalikod para punasan ang kanyang mga luha.
"Mama..."
"Selene..."
______________________o0o_____________________
Ilang linggo na ang lumipas simula ng umuwi ako mula sa ospital. At sa bawat araw na lumilipas pakiramdam ko may kulang sa akin. Hindi ko alam kung ano ito pero alam kong may mali sa aking sarili.
"Mama!" Tawag ko sa aking ina habang mahigpit ko itong niyakap. Pakiramdam ko ang tagal ko silang hindi nakita at nakasama. Sobrang miss na miss ko sila. "Ay nako kang bata ka. Dun ka na sa sala at baka mabinat ka pa" pagsaway ni ina sakin.
"Mama naman. ( >3< ) Magaling na kaya ako. Malakas pa nga ako sa kalabaw." Bumitaw na ako sa pagkakayakap at nagtungo sa aming sala. "Mama naman naglalambing lang ang anak natin. Hahaha" Natatawang tukso ni papa.
Dingdong~
"Selene narito na mga kaibigan mo." Sigaw ni mama mula sa bakuran. "Sige po papunta na."
Ramdam kong masaya ako pero sa kabilang parte at kaloob looban ko alam kong hindi ako tunay na masaya. Kompleto naman ako ngunit parang may kulang. At sa paggising ko sa umaga ramdam kong may luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit at anong dahilan. Wala akong matandaan at wala akong maalala.
Sinabi ng mga magulang ko na naaksidente daw ako at nabunggo ng isang malaking truck. Himala pa nga daw na nabuhay ako. Mahigit isang taon naraw akong nasa comatose simula noong magising ako. What a survival? Yeah right coz Im Selene! Hahahaha. Okay back to senti mode. :p
Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko. Malumanay ang bawat tibok ngunit may mga pagkakataong biglang nawawala ang paggalaw ng puso ko. Nagskip siya ng beat at madalas un mangyari. Hindi ko nalang pinapaalam kina mama baka mag alala pa sila. May pagkakataon ring hindi siya natibok ng ilang segundo. Pakiramdam ko tuloy patay na ako.
"Gosh! Selene! Nakikinig ka ba samin?" Maarteng pagsigaw sakin ni Luna. "Ay nako! Lutang moment ka na naman jan. Pasalamat ka maganda ako..... OUCH! Gaia!" Sabay hawak ni Luna sa kanyang ulo. Ang lakas kasi ng pagkakabatok nito sa kanya. "Hahaba na naman kasi yang linya mo eh. Maghanap pa tayo ng boylets!" ^_______^v
BINABASA MO ANG
My Instant Husband!
Viễn tưởngJust because of that STUPID FIRST KISS nagkaroon ako ng instant asawa!!! MY GAWD!! Tapos..... tapos.... Malalaman mong isa pala siyang........!!! Arrrrghh!! Masisiraan ka talaga ng bait! ^___________^