Chapter Five
The Suitors
"I'm sorry wife. I'm really sorry." Malungkot na paghingi niya ng tawad sa akin. "Don't worry, I do believe and trust you. My husband...."
______________________________o0o_______________________
Manang Ida/Mayor Dama's POV
Ako ang naatasan ng young master upang alagaan ang prinsesa. Tapat akong naglilikod sa mga ito matagal na panahon na kasama ang aking asawang si Seyo. Sa ngayon, may kaguluhang nagaganap sa aming pinanggalingan kaya naman madalas na hindi nabibigyan ng panahon ng prinsipe ang kanyang prinsesa.
"Good morning po Manang Ida!" Masiglang pagbati sa akin ng mahal na prinsesa at napansin kong may kakaiba sa kanya. "Good morning din Young Lady." Tugon ko naman.
"Manang naman! Selene na lang po." Nakapout niyang pagtatama sa sinabi ko. Nakakatuwa talaga ang batang ito. "Sige na, wag ng magtampo. Napansin kong tila kakaiba ka ngayon. Anong nangyari sa iyong buhok at mga mata?" May pagtataka kong tanong. Hindi kaya may naganap na ang dapat maganap ngunit wala akong nakikitang pagbabago sa young master kaninang nagkita kami.
"Ang lalim ng iniisip ninyo ah! Hehehe ^___^ Eto po ba? (Sabay hawak sa buhok) Pinaputulan ko po ang haba na kasi at pinakulot ko po ng konti para maiba naman. Saka pinakulayan ko rin po. Nagiging mapula pula po to pag nasisinagan ng araw. Ang astig po di ba? Hehehe. Bagay po ba sa akin?" Nakangiting paliwanag niya sa akin habang umiikot.
"Oo naman mas lalong umangat ang iyong kagandahan. Pero ano namang ginawa mo sa mga mata mo?" Nag-aalangan pa rin ako. Pakiramdam ko kasi may kakaibang nangyari nitong nakaraang araw na wala kami sa bahay. "Manang naman.. Syempre nakacontact lens ako noh. >3< Ayoko ko na kasi magsalamin nagmumuka na akong nerd! Kayo talaga hindi pa kayo nasanay eto po uso ngayon." Paliwanag naman niya.
Kung sabagay nga tama siya. Kakaiba talaga ang mundong ito. Napailing na lang ako ngunit napangiti. Habang tumatagal lalong lumalabas ang kagandahan ng prinsesa samantalang ang prinsipe ay paunti unting nagiging kalmado kumpara sa dati. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.
Pagkatapos niyang kumain ay hinatid na siya ni Seyo sa kanyang paaralan.
"Ida, napansin mo ba na tila pagod ang prinsipe kanina bago ito umalis?" Tanong ni Seyo sa akin ng makauwi siya. "Oo Seyo, napansin ko yun. Kitang kita ko na inaantok ang young master habang naglalakad. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganoon." Sagot ko naman.
"Maging ang prinsesa ay ganoon rin. Tulog na tulog ito habang nasa byahe kami. Kitang kita ko na pagod na pagod ito. Hirap na hirap nga akong gisingin sa himbing ng tulog nito." May pag-aalalang sambit sa akin ni Seyo.
"Nag-aalala na ako Seyo sa kalagayan ng dalwa. Tiyak naghahanda na ang kalaban. May palagay akong alam na nila ang nangyayari. Kelangan na nilang gawin ang nakatakda bago sila tuluyang mapahamak." Sabi ko ng hindi maiwasang malungkot. "Wag kang mag-alala may tiwala ako sa ating kamahalan."
_______________________________o0o__________________________
Andito ako ngayon sa school at pagpasok na pagpasok ko sa room namin bumungad na agad ang mga kaibigan kong nag-aalala. Sus! Kala mo naman isang taon akong nawala. Hehehe. Napapadalas nga ang pagliban ko sa klase nitong mga nakaraang araw kasi naman palagi akong nagkakasakit.
"Bessy, grabe ka ha paganda ka ng paganda pag nakikita ka namin. Ganyan ba ang epekto sayo ng pagkakasakit. Aba willing na willing ako magkasakit kung ganyan." May panunuksong sabi ni Gaia sa akin. "Hmmp! Ewan ko sayo." Pagsusungit ko.
"Hmmmp!! Ang sabihin mo nawala lang siya ng ilang araw pila na agad ang gustong manligaw jan. Shocks! Nastress ang bangs ko sa kakatanong nila kung asan ka." Pagsusungit naman ni Luna sa akin. "Ano bang pinagsasabi ninyo?" Takang tanong ko.
BINABASA MO ANG
My Instant Husband!
FantasyJust because of that STUPID FIRST KISS nagkaroon ako ng instant asawa!!! MY GAWD!! Tapos..... tapos.... Malalaman mong isa pala siyang........!!! Arrrrghh!! Masisiraan ka talaga ng bait! ^___________^