"Destiny is all about choices."
"Aleina...."
"Aleina...."
"Gumising ka...."
This voice.. Pamilyar sakin ang boses na ito. Narinig ko na ito before.
"Aleina...."
Binuksan ko ang aking mga mata. Nahirapan akong iadjust ang aking paningin dahil sa liwanag na nakapalibot sa akin. Puro puti lang ang nakikita ko at sa aking mga paa ay mga usok.
"Nasaan na ako?"
"Aleina. Sa wakas nagising ka na." Muling nagsalita ang isang mala anghel na boses. Hinanap ko ito at sinundan kung saan nagmumula.
Lumakad ako ng lumakad. Tila walang katapusan ang lugar na ito. Puro usok lang ang nakikita ko na tila nasa loob ako ng isang ulap.
"Ikaw ung babaeng nasa panaginip ko." May naaninag akong isang babaeng nakatalikod. Kilala ko siya alam ko.
Humarap ito sakin ng nakangiti. "Aleina. Masaya akong makita kang muli."
Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Bakit ako naririto? Patay na ba ako. Pakiramdam ko nasa langit na ako.
"Huwag kang mabahala. Ikaw ay buhay pa." Bigla siyang nagsalita na parang nabasa ang nilalaman ng nasa isip ko. "Pero bakit ako nasa lugar na ito?"
Itinapat niya ang kanyang kanang kamay sa mga usok at pagkatapos biglang nawala ang mga ito. Tumambad sa amin ang isang fountain. "Halika. Maupo ka."
Sumunod ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Nakakagaan sa pakiramdam habang pinagmamasdan ko ang tubig sa fountain.
"May mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin kayang ipaliwanag. Minsan mas makakabuting hindi na natin alamin ang sagot sa ating mga katanungan. At madalas kung ano ang inaasahan nating mangyari yun ang hindi nagaganap." Napalingon ako sa kanya habang sinasabi ang mga ito. Magsasalita pa sana ako ng biglang magliwanag ang tubig sa aming harapan.
"Hahahahaha. Luna ano ba tama na yan. Nakikiliti ako."
"Hahahaha. Mama! Papa! Antayin niyo naman ako. Haha"
Nagulat ako sa mga nakikita ko. Ang mga eksenang ito. Ang mga panahong ito....
Mga panahong masaya pa ako at kuntento sa buhay ko.
"Beship! Si Kirby! Shocks! Anong gagawin ko?"
"Waaaaahhh! Wag niyo ko itulak!"
"Hahahahahaha."
"Iisa lang ang buhay natin kaya dapat pahalagahan natin ito. Kapag malungkot ka umiyak ka. Kapag galit ka sumigaw ka at kapag masaya ka tumawa ka. Magpadala ka lang sa agos ng buhay ngunit wag mong hayaang lamunin ka nito. Kelangan mamili, kelangan magdesisyon. Ang bawat galaw ay may kaakibat na responsibilidad. Kung walang sagot sa tanong hayaan mo lang ito. Magtiwala ka lang sa proseso. Darating din ang tamang panahon. Malalaman mo rin ang sagot. Iisa lang ang buhay kaya wag mong sayangin ito." Tumulo ang mga luha ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking balikat upang pagaanin ang aking nararamdaman.
"Magtiwala ka lang sa proseso." Ngumiti siya sa akin. Isang ngiting nagsasabing wag akong mag alala magiging okay din ang lahat.
"Aleina..."
"Wag! Wag niyo kong saktan! Sino kayo?! Anong kelangan niyo sa akin?!"
"Kelangan mo ng mamatay! Hahahaha."
"HINDI!!"
Biglang nagbago ang mga imahe sa tubig. Pinapakita nito lahat ng mga masasamang nangyari sakin.
"Ikaw ang kasalanan nito! Simula ng dumating ka sa buhay ko. Lagi nalang akong napapahamak. Ayoko na saiyo!"
Rohann.... Lalo akong napaiyak ng makita ito. Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na.
"Ginamit mo lang ako para sa kapangyarihan mo. Ginamit mo lang ako...."
Napuno ako ng pighati, lungkot at sakit. Bakit? Bakit?
"Aleina..."
"Aleina....." Bigla akong natauhan ng magsalita ulit ang angel sa tabi ko.
"Oras na para mamili ka." Naguluhan ako sa sinabi niya. "Mamili?"
"Pinakita ko sayo ang mga bagay na gusto mong makita. Ito ang magkabilang bahagi ng iyong katauhan." Tumayo siya at naglakad. Ang mga usok sa kanyang nilalakaran ay biglang nahahawi. Dito na tumambad ang isang maliit na hardin. Kumuha siya ng dalwang rosas. Isang puti at isang pula.
"Ito lamang ang magagawa ko. Hindi ko kayang baguhin ang takbo ng mundo at maging ang iyong kapalaran. Tanging ikaw lamang ang siyang nakakaalam. Nasa iyo ang pagpapasya." Tinanggal niya ang mga dahon sa dalwang rosas. Inihagis niya ito sa tubig.
"Isa para sa katahimikan. Isa para sa pagdurusa. Tahimik ngunit kulang. Pagdusura ngunit kasaganahan. Ang panahon ay iikot. Ang nasa ilalim ay tataas. Ang nasa taas ay papaibaba. Sakripisyo para sa isa o kapayapaan para sa lahat."
"Aleina... Oras na."
"Naguguluhan ako. Ano bang ibig mong sabihin." Ni isa sa mga sinabi niya ay wala akong naintindihan. "Nais mo bang bumalik sa panahong wala pa siya o ang patuloy na magdusa kasama siya."
"Aleina... Ano man ang iyong piliin ito ang iyong magiging kapalaran. Nasa iyo ang pagpapasya." Ngunit hindi ko alam ang gagawin. Naguguluhan ako.
Si Rohann alam kong mahal ko siya ngunit iniwan na niya ako. Sinuko na niya ako. Lalaban pa ba ako kung siya na ang unang sumuko. At higit sa lahat hindi niya ako minahal.
Ang sakit sakit. Halos mamatay ako sa kamay ng mga kaaway niya tapos ganito lang. Ganito lang. Ano bang ginawa ko para pahirapan niya ako ng ganito. Hirap na hirap na ako.
Hindi ko na kaya. Gusto ko ng ibalik ang dati kong buhay.
Ang maging normal ulit....
Ang panahong wala pa siya.
"Nakapili na ako." Tumayo ako at kinuha ang puting rosas. Nagulat ang angel ngunit ngumiti rin pagkatapos.
"Aleina.... Magigising ka at patuloy na mabubuhay. Babalik sa iyo ang nawala. At ang nawala ay tuluyang ng maglalaho. Babalik ang lahat sa dati nitong pinagmulan. Ang pinanggalingan ay tuluyan ng mawawala." Pagkatapos niyang sabihin ang mga ito naglaho siya ng parang bula. At ang paligid ay nababalutan ng dilim. Unti unti akong nilalamon nito hanggang sa mawalan ako ng malay.
"Magtiwala ka lang sa proseso..."
"Aleina."
🎶Huwag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo. Naririto ako at nakikinig sayo.....oooohhhh🎶
BINABASA MO ANG
My Instant Husband!
FantasyJust because of that STUPID FIRST KISS nagkaroon ako ng instant asawa!!! MY GAWD!! Tapos..... tapos.... Malalaman mong isa pala siyang........!!! Arrrrghh!! Masisiraan ka talaga ng bait! ^___________^