Chapter Eight : Her Twist

222 1 0
                                    

Chapter Eight

Her Twist

"Hindi ka pa rin nagbabago Prince Clein. Magiging masaya ito! Bwahahahah. Wala ka pa lang pakialam sa kanya ha! (Smirk) Tingnan na lang natin. Princess Aleina hawak na kita sa leeg!! Hahaha." Isang nakakalokong ngiti ang binigay ng misteryosang babae bago sila tuluyang maglaho.

________________________________o0o__________________________

*Sa Royal Palace***

Ilang araw ng nawawala ang prinsesa. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na nangyari dito. Ang tanging pinanghahawakan lang ng mga taga palasyo ay ang balitang gumuho ang lugar na pinagtataguan ng kampon ni Kalifer at walang ni isang bakas na may nakaligtas dito pagkatapos makipag-usap ito sa prinsipe.

Punong puno ng kalungkutan ang buong kaharian dahil hindi nila alam ang tunay na kalagayan ng kanilang susunod na reyna at nangunguna na sa mga ito ang dalwang tagabantay nito. Ang Mayor Dama, pinuno ng mga tagapagsilbi at tagapangalaga sa mga dugong bughaw at ang Punong Tagabantay, pinuno ng mga magigiting na kawal na tagapagtanggol sa buong kaharian.

Habang ang lahat ay nangangamba, ang prinsipe ay nasa kanya lamang upuan (yung inuupuan ng mga hari't reyna) na may malalim na iniisip. Walang nakakabasa sa emosyon nito. Malamig lang itong nakikipag-usap at nakikitungo sa lahat. Isang aura na napakadilim lang ang pinapakita nito.

Hindi rin lingid sa mga nilalang na nakatira sa palasyo na kung ano man ang nangyayari sa prinsesa ay siya ring mararamdaman ng prinsipe. Kaya kung buhay ang prinsipe gayun din ang prinsesa. Ngunit ang pinangangambahan ng lahat ay ang pagsasawalang bahala nito sa mga nangyayari lalo na sa kalagayan ni Selene. Higit kanino man, tanging si Rohann lang ang nakakaalam kung ano ang nararamdaman ng prinsesa kung nasa panganib ba ito o hindi.

"Kamahalan napag-alaman po namin na may malalakas na nilalang na lumusob sa teritoryo ni Kalifer bago dumating ang magigiting na kawal. Sa isang iglap lang ay naglaho ito at napatay siya maging ang lahat ng kampon nito." Isang balita ang binigay ni Butler Seyo sa prinsipe. Tumingin lang sa kanya si Rohann na nakapoker face.

"Hindi basta basta si Kalifer dahil siya ang dating pinuno ng mga kawal sa timog kaya nakakasigurado akong makapangyarihan ang nakalaban nito." Pagdudugtong ni Seyo. "Iyon lang ba. Makakaalis ka na." Malamig na tugon naman ni Rohann.

"Hindi ka man lang ba nag-aalala sa kalagayan ng prinsesa? Napakasama mo namang asawa." Isang lalaki ang biglang sumulpot sa isang sulok ng malaking silid. Mapangahas ang bawat salitang binibitawan nito kaya napatigil rin si butler Seyo sa pag-alis. "Dumating na po pala kayo Prince Rain." Bigay galang ni Seyo.

"Kamusta na Butler Seyo? Long time no see." Isang masiglang lalaki naman ang biglang nag pop sa harapan niya na hindi naman niya ikinagulat. "Mabuti naman po. Maging kayo po pala Prince Rye ay nakauwi na. Malugod ko po kayong binabati. Sige po uuna na po ako upang maipaalam sa mga Dama ang inyong pagdating." Tig-isang bow ang pinakita ni Seyo upang igalang ang dalwang binatiyong dumating at pagkatapos umalis na ito.

"Hindi mo man lang ba kami bibigyan ng isang kiss at hug kamahalan?" Nakangiting sabi ni Rye kay Rohann. Tumingin si Rohann ng deadly look dito. "Whoah! Hindi ka pa rin nagbabago. Rye itigil mo nga yang kalokohan mo kung ayaw mong mamatay ng maaga." Awat naman ni Rain kay Rye.

Nagpout naman si Rye. "Tsss! Anong ginagawa ninyo dito?" Inis na inis na sabi ni Rohann sa dalwa. "Kuya naman parang ayaw mo kaming makita." Pagmamaktol ni Rye.

"Hindi talaga." Masungit na sagot naman ni Rohann. "PMS pa rin!" Bulong naman ni Rye. Agad naman ikinakunot ng noo ni Rohann ang narinig at walang alinlangan binato niya ito ng bolang apoy.

My Instant Husband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon