Chapter 17

133 2 0
                                    


"She's going to stay with me" Nathan said.

After what happened last night here we are settling somethings regarding to Nathalie. At ngayon sinasabi niyang mananatili ang anak ko sakanya? Oh c'mon.

"She won't and may I remind you Nathan we had a deal. Hindi ko ipagdadamot si Nathalie sayo and in return you won't bring this in court" hindi ko alam kung saan ang hindi niya naintidahan doon samantalang alam naman niya ang pwedeng mangyari pag kinuha niya ang bata.

"I am her father and you stole four years for us to be together. And I have the right to take what's mine" he said. That boils my blood.

"Didn't I told you the reason? At akala ko naintindihan mo ang gusto kong mangyari Nathan. Uulitin ko, hindi ko siya ipagdadamot sayo kaya don't be selfish" I protested.

"You.don't.be.selfish!" He empasized every word he said.

I just exhaled heavily. Walang pupuntahan 'tong usapan na to.

"Pwede ba Nathan wag mong pairalin ang gusto mo. You never changed. You're still the same. The selfish and self-centered Nathan" I hissed at tumayo na.

"Well, see you in Court Jazmine" he said kaya napatigil ako.

He's insane. Wala siyang karapatan sa anak ko dahil ako ang nagluwal at nagpalaki sakanya.

"Hindi ka ba nakakaintindi Nathan? We don't need to settle this in court. Isipin mo naman si Nathalie. She's still a kid at hindi niya maiintindihan ang mga bagay na 'to" humarap na ako sakanya pero tuwid lang siyang nakaupo na parang walang pakialam.

"I have the right to her" sabi niya.

I just laugh fakely.

"Right? Are we talking about 'rights' here Nathan? Let me tell you ako ang nagluwal at nagpalaki sakanya at nasaan ka noong mga panahong yon? Wala ka! Kaya, You.don't.have.the.right" sabi ko at binigyang diin ang mga salitang binibigkas ko.

Nagulat ako ng bigla niyang paluin ang mesa.

"Tinago mo siya sakin! You left without any words. At ngayon sasabihin mong wala akong karapatan? I should have known before. Akala mo papabayaan kita?!" Sigaw niya.

"It was late. The damage has been done. So I'm telling you wag mo ng paabotin ito sa korte dahil hindi ka mananalo" I confidently said.

"Kung ayaw mo ng mga kondisyon ko wala akong magagawa" I added.

"You won't win. I will" he said.
Talagang pursigido siyang makuha ang anak ko .

"Lets watch" I said and left him.

Binilisan ko ang paglakad ko dahil nag-iinit ang pakiramdam ko sa galit. Ang kapal ng mukha niya.

Nagulat ako ng biglang may humigit sakin and to my surprise it was Nathan.

"Ano pa bang kailangan mo?!" Tinabing ko ang kamay niya na nakahawak sakin para mabitawan niya pero I failed .

"Ano ba bitawan mo ako!" Hinila ko ang kamay ko pero sadyang malakas siya at hinila ako.

He hug me so tight.
"I miss you Jaz" he whispered. I close my eyes to feel what I need to feel but theres nothing.

"Nathan, let go" kumawala ako sa yakap niya. I don't know but it felt like I don't want to be near him. I'm afraid. I'm afraid I might fall with the trap of his love ,again.

"Jaz, please come back" he beg. I was in shock. The hell? Did he just ask me to come back?

"Nathan stop this" pilit parin akong kumakawala sa pagkakahawak niya.

Tumawa siya na parang nang-iinsulto.

"Stop? Why? Because of Noriel? My bestfriend?" Nang-uuyam niyang sabi

"Oh let me guess. For almost four years, ofcourse you fuck him. Yeah?"

I slap him very hard.

"Ang kapal ng mukha mo. Wala akong ibang minahal kundi ikaw. Ikaw lang Nathan! Hindi ko magawang mahalin ng buo si Noriel dahil sayo! Dahil sayo!" Hindi ko na mapigilang hindi isumbat sakanya ang hinanakit ko at totoo ang sinabi ko. Mahal ko si Noriel pero hindi ko siya magawang mahalin ng buong-buo dahil kay Nathan.

Kung sana natuturuan lang ang puso matagal ko ng tinuturuan. Pero kahit pa ata magpa-tutor ako hindi parin maaalis that Nathan have always a place in my heart.

"Ako ang mahal mo? Then , stay with me. With Nathalie" he whispered.

"Sana nga ganon lang kadali 'yon Nathan. Sana ganon lang kadaling magsimula pagkatapos ng lahat. Sana ganon nalang kadali pero hindi eh. Sa tuwing babalik ako sayo pakiramdam ko namamatay ako ng paulit-ulit" sabi ko na matapang na sinasalubong ang mga titig niya.

"Hindi lang minsan na niloko mo ako. Hindi lang dalawa. Hindi lang tatlo. Hindi lang apat Nathan. Sa lahat ng pagkakataong binigay ko sayo pinatay mo lang ako at ngayon gusto mong manatili ulit ako sayo? Para saan , para kay Nathalie?" Tumawa ako. "Idadamay mo pa ang anak ko sa paghihirap ko? Ano babalik kami sa buhay mo para madamay sa kagagohan mo ang anak ko?" Nang-uuyam kong tanong sakanya.

Nakayuko lang siya. Oo. Tama yan. Mahiya ka sa sarili mo.

"I've changed. Since I lost you" he whispered and I can sense the sadness in his voice.

"I lost my child dahil sa kapabayaan ng ina niya. And I lost you dahil sa kapabayaan ko" he sniffed. Is he crying?

"Hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Pumunta ako sainyo and your father punched me on the face. Kulang pa nga 'yon eh. Kulang pa yong suntok ng Papa mo" he cuckled ..

"Enough Nathan" I said.
"Tama na. Tanggapin nalang natin na hindi tayo para sa isa't-isa. Walang hadlang kundi ang mga sarili natin" I patted his shoulder .

"I will win you back Jazmine" he said.

I just smile and left him.

"Try me Nathan. Try me" sabi ko sa sarili ko.

Martyr's Play [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon