"Good morning sleepy head" nagising ako dahil sa masiglang bati ni Nathan.
"Breakfast in bed?" Nakangiti niyang tanong.
Nakatingin lang ako sakanya. Ang aliwalas ng mukha niya.
"I made a pancake for you. Say ahh" binuka ko naman ang bibig ko para kainin ang pancake. Ngumiti ako sakanya.
Ganito din kaya siya sa ibang babae niya? Biglang sumagi sa isip ko ang tanong na yan kaya nakatingin lang ako sakanya sinusuri ang galaw niya habang tuwang-tuwa siyang pinagsisilbihan ako.
"What's wrong?" Tanong niya. Napansin niya sigurong tinitignan ko lang siya.
Ngumiti lang ako at umiling sakanya.
Kung binigay ko na ba dati sakanya, hindi na nangyari ang lahat? Lahat ng paghihirap at sakit na naramdaman ko.
"Bathroom lang ako" paalam ko. Ngunit napangiwi ako pagkatayo ko dahil sa kirot sa babang parte ko.
"I'll take you" marahil ay napansin niya ang pagtigil ko ng matayo ako.
"No need Nathan . Kaya ko" sabi ko nalang at naglakad. Pero nagulat ako ng bigla nalang niya akong buhatin na para bang bagong kasal.
"Oh c'mon my Jaz, I know you're sore down there" sabi niya habang patungo sa pintuan ng bathroom.
"You wan--"
"Nathan I'm fine" sabi ko nalang. Mejo natatawa ako sa inaasta niya. Binababa na niya ako.
"Baka lang naman gusto mong paliguan kita" nakangisi niyang sabi.
Is my old Nathan came back?
Nakangiti lang ako sakanya at kinurot ang tungki ng ilong niya.
"What's that for?" Tanong niya na natatawa din. Mejo diniinan ko kasi ang pagpisil ko sa ilong niya.
"For making me smile" I said and have a quick kiss in his lips at agad sinara ang pintuan ng bathroom.
Napansandal nalang ako sa pintuan nito at hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko.
"Oh c'mon woman open the door. Pag di mo 'to binuksan be ready paglabas mo" natatawa niyang sabi at kinakalampag pa ang pintuan ng Bathroom.
"Sira" sigaw ko nalang sakanya pero di parin talga matanggal ang ngiti sa labi ko.
Ganito pala kasaya. Sabi ko sa sarili ko. Hindi ko akalain. Ngayon lang ba ito? Wala akong pakialam basta kasama ko siya at masaya ako.
"Jaz, may inaasahan ka bang bisita?" Katok niya sa pinto ng bathroom. Patapos na din akong magshower.
Napaisip ako . Wala naman akong inaasahan. Pero may naisip akong kapilyahan.
"Yung manliligaw ko" sigaw ko saka tahimik na tumawa . Sinusubukan ko lang kung maasar siya. kung nagbalik na nga ba talaga ang Nathan ko. I know how possesive he is.
Pero narinig ko ang malakas na pagbagsak ng pinto na nasisigurado kong pinto ng kwarto ko.
"Nathan?" Tawag ko sakanya pero walang sumagot.
Binilisan ko ang bawat galaw at nagsuot ako ng roba. Paglakabas ko walang akong nadatnan na Nathan sa kwarto kaya agad akong bumaba.
At napatakip ako sa bibig ko ng makita kong nasa sahig si Noriel na may dugo sa gilid ng labi.
Marahil napansin ni Nathan ang presensiya ko kaya siya lumingon sakin at malalaking hakbang na tinungo ang kinaroroonan ko. Mayroon din siyang sugat sa gilid ng labi niya.
"Anong nangyari?" tanong ko. Pero hinapit niya lang ako palapit sa katawan niya.
"Ayos ka lang?" Tanong ko at hinawakan ang bandang labi niya na may sugat.
"I'm fine" sabi niya na ang mata ay nakay Noriel na ngayon ay nakatayo na.
"Noriel wha--" lalapitan ko sana si Noriel pero hinigpitan ni Nathan ang hawak niya sa beywang ko.
Tiningala ko nalang siya at matalim parin ang mga mata nito.
"Alis na ko Jaz" paalam ni Noriel na may mapait na ngiti sa labi.
"Akala ko lang ay okay na tayo kagabi. Just be happy" sabi niya saka tuloyan ng umalis.
"Ano bang nangyari?" kunot noong tanong ko kay Nathan.
"So siya pala ang manliligaw mo huh?" May panunumbat sa tono ng boses niya.
"Tss. I'm just teasing you. Di ko alam na siya yun. at anong ginawa mo sa tao?"
"Teasing huh?" Ngumiti siya bahagya. Or smirk rather.
"Sinabi ko lang na . Keep himself million miles away from you dahil akin ka lang. And I don't mind kahit bestfriend ko siya. Then he reprobated at ayon I punch him and vice versa" he said and kissed my temple.
"You idiot" kinurot ko siya.
"Look , Jaz I'm serious here" humiwalay siya sakin para siguro makita ang expression ko.
"Same here" tumawa lang ako.
"Seriously Jaz, I don't want you to be touch by anyone. You know how possesive I am. And one more thing. I am so sorry for all the pain I caused you. I'm so sorry baby I really do" I can see the sincerity in his eyes and that made smile.
"You better not do it again. I swear di na ko magpapakatanga ulit" I answered. He just kissed my temple.
"I promise" he said.
So let me try believing his promises.
BINABASA MO ANG
Martyr's Play [COMPLETED]
RomanceSacrifice is the only language of love. There's nothing wrong in holding on and there's nothing wrong in letting go. The trick is deciding which one is the best for you.