Chapter 4

172 4 0
                                    

Nagsimula ng maglakad si Nathan at iniisang inaamoy ang bawat madaanan niya. Naging kalmado lang ako at hinanda ko na ang sarili ko sa makikita ko ng tumapat siya sa kasama niyang babae. Hindi ito ang babaeng nakaaway ko kahapon mas desenting tignan at mukhang mabait. Maybe, humahanap siya ng ipangtatapat sakin pero alam ko wala siyang mahanap na katulad ko. I'm not one in the million kinds of girl, I am once in a lifetime.

Tumigil siya kay Diane at ramdam ko ang kaba niya dahil halatang lumalayo siya habang inaamoy siya ni Nathan. Tila nagmamasid lang naman ang babaeng kasama niya.

Hindi ako nagpaapekto nang ako na ang inamoy niya. Alam kong hindi ako ang hanap niya. Alam kong alam niya ang amoy ko dahil siya mismo ang pumili ng pabango ko. I just keep myself calm habang inaamoy niya ang buhok ko. Pero parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng bahagyang dumampi ang labi niya sa leeg ko. Nasa amin lahat ng mga mata nila na parang naeexcite sa susunod na mangyayari.

Pinagpatuloy niya parin ang pag amoy sakin. Imposibleng hindi niya ako makilala sa amoy ko. Dumapo ang labi niya sa may tenga ko.

"Finally. I found you" bulong niya sa tenga ko. Na siyang kinagulat ko at mas nagulat pa ako sa sunod na nangyari.

Hinalikan niya ako. Nakamulat ang mata ko habang magkadikit ang mga labi namin pero napapikit ako ng gumalaw ang mga labi niya at banayad akong hinalikan. Hindi nagtagal ay tumugon na din ako sa mga halik niya. Gaano katagal ko na bang hindi natitikman ang mga labi niya? Napangiti nalang ako at pinulupot ang braso ko sa leeg niya , hinapit naman niya ako palapit sakanya. Ramdam na ramdam ko ang higpit ng yakap niya sa beywang ko. Hindi ko alam kung gaano katagal ang halikang iyon. Nang maghiwalay ang mga labi namin.

"I told you. You can't fight destiny" bulong ko sakanya saka ngumiti.

Nagkanchawan lang ang barkada pagkatapos nun. Pero naging tahimik na si Noriel. Nangising bumalik si Nathan sa upuan niya.

Natapos ang laro at pinagpatuloy ang inuman. Pumunta ako malapit sa dagat at naupo sa isang bato. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mata ko para pakiramdaman ang paligid. Natatahimik ang isip ko tuwing malapit ako sa dagat.

Naisip ko lang. Kung binigay ko ba dati kay Nathan ang gusto niya masaya parin kami hanggang ngayon? Napangiti ako ng maalala ko ang nabasa ko sa isang libro. Men use love to get sex. Women use sex to get love. Is that how ironic life is? Hindi ko kayang ibigay ang gusto niya ngayong handa na ako saka siya aayaw. Minahal niya kaya ako? Oh yun lang talaga ang habol niya. Knowing Nathan lahat ng babaeng dumadaan sa buhay niya ikinakama niya. Marahil natakpan ang pride niya ng umayaw ako. I smiled bitterly. Sinawsaw ko ang paa ko sa tubig at masayang pinagmasdan ang dagat. Nagrereflect yung liwanag na galing sa buwan.

"Pwede ba akong tumabi?" Natigil ako sa pag-iisip ng may nagsalita. It was Noriel. Mabuti pa siya. Sa panahong kailangan ko siya palagi siyang nandyan. Para nga siyang knight and shining armor ko eh.

"Mukhang malalim iniisip natin ah" sabi niya saka tumabi sakin at sinawsaw din ang paa sa tubig.

"Alam mo Jaz, hindi mo naman kailangang maghabol kay Nathan...maraming nagkakagusto sayo mas deserving sa pagmamahal mo" sabi niya habang nakatingin lang sa dagat.

Ngumiti lang ako saka sumagot.

"Hindi ko din alam eh. Kahit anong pilit ko siya parin talaga. Kilala mo ako Nathan , kung ginusto ko makukuha ko" sabi ko sakanya.

"Tumingin ka sa paligid mo Jasmine, maraming nangangarap na sila ang mahalin mo. Wag mong bulagin ang sarili mo sa nararamdaman mo" tila may pangamba sa tono ng salita niya.

"Maswerte si Nathan dahil siya ang minahal mo at patuloy mong minamahal. Pero siya ang pinakatangang tao sa mundo , binabasura niya ang babaeng pinapangarap ko" nabigla ako sa sinabi niya kaya napalingon ako sakanya. Pero ngumiti lang siya habang nakatingin parin sa dagat.

"Nagulat ka ba? Sa tingin ko Jaz manhid ka nga..kinakaya mo ang sakit na dulot sayo ni Nathan pero hindi mo nararamdaman ang pagmamahal ko sayo" sa pagkakataong ito humarap na siya sakin.

"Noriel. I don't want to be unfair with you. You know that I love Nathan" sabi ko sakanya.

"I knew it too well Jaz. Pero can't you give me a chance? Not chance for us but chance to let me prove you that I love you" masuyo niyang sinabi.

I sighed. Would I? I don't know eitheir.

Martyr's Play [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon