Andrea
Kasalukuyan akong nakapila sa counter ng hospital para bayaran ang hospital bills ni lolo. Napakalaki ng babayaran ko mahigit seventy thousand pero buti na lang nandiyan si Zach para tulungan ako sa malaki kong problema na kinahaharap ngayon.
Pabalik na ako sa kwarto ni lolo ng biglang tumumunog yung phone.
Kinuha ko agad ito at sinagot ang tawag kahit hindi naka rehistro sa phone ko ang numero.
"H-hello," malungkot kong sabi.
[ Andrea may pupuntahan tayo ngayon ]
"S-sino ito?"
[ Si Zach remember? ]
"Zach Faulkerson?"
[ Oo, ako nga ito. ]
"Napatawag ka?"
[ May pupuntahan tayong dalawa ]
"Saan?"
[ Basta ]
"Saan ka ba?"
[ Nasa labas ng hospital ]
"Okay,papunta na."
Binaba na ni Zach yung telepono.
Bumalik muna ako saglit sa kwarto ni lolo para utusan yung pinsan ko na siya muna ang magbantay kay lolo habang wala ako sa hospital.
"Analyn, ikaw muna bahala kay lolo."
"Sige Andrea ako na bahala kay lolo."
"Pagkailangan niya ng gamot eto yung pera," sabi ko sabay abot ng perang mga nasa tatlong libo.
Bago ako umalis ay nagpaalam muna ako kay lolo niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.
"Mauuna na ako."
"Magiingat ka sa lakad mo Andrea."
"Sige Analyn."
Lumabas na ako ng hospital natanaw ko agad si Zach na nakatayo sa harap ng sports car niya.
"Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya.
"Medyo" tipid na sagot niya sa akin.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Basta malalanan mo rin naman mamaya kung saan tayo pupunta."
Sumakay na ako sa kotse ni Zach sa driver's seat ako naupo.
"Ang tahimik mo yata Andrea?"
"Hindi kasi ako sanay na sumakay sa ganitong kotse.Isa pa hindi ako madaldal na tao."
"I see.Don't worry magugustuhan mo ang pupuntahan nating dalawa.Kaya chill ka lang."
"Okay."
Ilang sandali pa nakarating na kami sa aming pupuntahan. Sa isang sikat na Mall.
"Ano gagawin natin dito sa mall Zach?"
"Basta."
Pinark niya yung kotse at tapos pumasok na kami sa loob. Dumirecho kami ni Zach sa isang salon.
"Sir Zach, welcome to our salon fair well" bati nung baklush kay Zach.
"Why here?"
"You need to be pretty."
"Para saan?"
"Gusto ko pagandahin mo siya.Yung lahat ng tao mamangha sa kagandahan niya.Sana naman kayanin mo.
"She's your girlfriend? Maganda naman siya kahit papaano.Pero siyempre mas maganda ako sa kanya."
Aray! Nasaktan naman ako sa sinabi ng baklush.Hello maganda kaya ako noon pa man. Katunayan nung high school ako ang daming nagkakagusto sa akin pero dinedma ko lang sila dahil focus ako sa studies ko at that time.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Contract Wife
FanfictionShe married him for the payment of her grandfather's hospital. He married her to get the company. **** Andrea doesn't know where she will get the money to pay her grandfather's hospital bills. Fortunately, billionaire Zach has come into her life. He...