Winston
Palihim akong nagtungo sa isang abandonadong bahay para bisitahin ang pinaka mamahal kong kapatid na si Zach.
" Boss ano na patayin na ba natin yung bihag? " wika ng isa sa mga tauhan ko.
" Kung ikaw kaya patayin ko huh?! "
" Boss relaxed ano ba talaga plano mo sa kanya "
" Basta huwag ninyong hayaan na makatakas ang ugok na yun malilintikan kayo sa akin saan na ba yung gagong yun? "
" Nakagapos "
Agad akong nagtungo sa silid kung nasaan siya.
Nakagapos ito puro dugo at pasa ang katawan halatang pinahirapan ng husto.
Kinuha ko yung bakal na tubo at pinaghahampas siya.
Napasigaw na lamang siya ng malakas sa lakas ng hampas ko.
" Kung sino ka man gago ka makakaganti rin ako! " sigaw ni Zach.
Muli ko siyang hinampas ng bakal na tubo sa katawan.
Kulang pa yan sa paninira niya sa buhay ko at pangaagaw kay Lucy.
Ipapatikim ko sa kanya ang isang impyerno na hinding hindi niya malilimutan.
" Hoy Gago ka kung sino ka man sana mamatay ka na! "
Lumapit ako sa kanya at sunod sunod na sampal ang ginawa ko sa magkabilang pisngi niya.
" Sa tingin mo natatakot ako "
Kumuha ako ng timba na may yelo at binuhos ito sa kanya tapos ay may kinabit akong wire sa dibdib niya at pinindot ang isang buton.
Halos mangisay si Zach sa lakas ng boltahe ng kuryente na naramdaman niya.
" H-hindi ako natatakot sa'yo gago ka! gagantihan kita! " nanghihinang sabi niya.
Tinawanan ko lang siya ng malakas na malakas.
" Winston ikaw ba yan? "
Tinanggal ko yung piring sa mga mata niya gulat na gulat siya ng makita niya ako.
" Hayop! ka talaga Winston "
" Zach did you like it "
Dinuraan niya ako sa mukha nainis ako sa ginawa niya sinuntok ko siya ng malakas.
" Ano ba nagawa ko? "
" Wow may amnesia lang?! inagaw mo sa akin si Lucy "
" Gago! hindi ko inagaw si Lucy nilandi niya ako "
" At nagpalandi ka naman alam mo naman na nagmamahalan kami "
" Kasalanan ko bang mas gwapo ako sa'yo Winston "
" Grabe ang yabang mo talaga "
" Ano ba plano mo? "
" Simple sinira mo buhay ko sisirain ko rin buhay mo "
" Hayop ka talaga Winston "
Kinuha ko yung baril sa bulsa ko at itinutok ito sa ulo niya.
" Say goodbye sa mundong ito my handsome brother Zach "
Sobrang takot na takot na si Zach kulang na lang mapa ihi siya sa pantalon niya.
Inilihis ko yung baril at nagpaputok sa may sahig.
" Ano natakot ka ba?! "
" Hayop ka talaga Winston! "
BINABASA MO ANG
Billionaire's Contract Wife
FanfictionShe married him for the payment of her grandfather's hospital. He married her to get the company. **** Andrea doesn't know where she will get the money to pay her grandfather's hospital bills. Fortunately, billionaire Zach has come into her life. He...