Winston
Kinuha ko pera sa bulsa ko na nasa 100k at iniabot ito sa dalawang lalaki.
" 100k yan alam ninyo na gagawin ninyo "
" Boss bugbog sarado talaga? "
" Yup para naman mukhang makatotohan "
Yung mga pumasok sa bahay ay mga binayaran ko para sa isa sa mga palabas ko.
Ang plano ako ang magiging knight in shining armor ni Andrea baka eto ang susi para mahalin niya ako ng higit pa kay Zach.
Itinali nila ang mga kamay ko at tinapkpan ng panyo ang mukha ko.
Ilang sandali pa huminto na yung sasakyan ibinaba na nila ako papasok sa isang lumang warehouse.
Andrea
Nagising ako nakatali ang katawan ko sa isang upuan.
" Gising ka na pala miss "
" Sino ba kayo? ano kailangan ninyo sa amin? "
" Relax miss makikita mo rin "
Tinanggal nila ang panyo sa mga mata ko.
" Miss tignan mo "
Napatingin ako sa harapan ko si Winston bugbog sarado at naliligo sa sarili niyang dugo.
" Winston! " sigaw ko.
" Kaya mo pa ba! "
" Huwag na huwag ninyong sasaktan si Andrea ako na lang " wika ni Winston sa mga bumubugbog sa kanya.
" Winston kung lalaban ka papatayin namin itong kasama mong magandang dilag "
" Huwag ako na lang "
" Winston lumaban ka "
" No! Andrea mas mabuting ako na lang saktan nila kesa saktan ka "
" Winston naman eh "
" Hindi ko hahayang saktan ka nila "
" Hey miss tignan mo kung paano namin saktan ang pinagmamalaki mong si prince charming "
Kumuha yung isa ng bakal na tubo at sunod sunod na hinampas si Winston.
Napapikit na lamang ako hindi ko kayang makita si Winston na bugbog sarado.
Hindi pa sila nakuntento pinagsisipa nila si Winston.
Kahit hirap na hirap na si Winston pilit pa rin siyang tumatayo.
" Ano kaya mo pa ba? "
" Hindi ako duwag "
Muli nilang pinaghahampas ng bakal na tubo si Winston.
Medyo napaubo si Winston ng dugo hindi na siya makatayo sa tindi ng natamo niya.
Kinalagan ako ng isa at hinila papalapit kay Winston.
" Please tama na maawa naman kayo kay Winston "
" Ang cute ninyo tignan "
Kinuhanan nila kami ng litrato ni Winston tapos ay isa isa na silang nagsilayasan.
" Winston bakit hindi ka lumaban? "
" Ayokong saktan ka nila kaya hindi ako lumaban "
" Winston naman eh "
" L-lahat gagawin ko para sa'yo "
" Your my hero Winston "
Hanggang sa tuluyan ng nawalan ng malay si Winston.
" Winston! " malakas na sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Contract Wife
FanfictionShe married him for the payment of her grandfather's hospital. He married her to get the company. **** Andrea doesn't know where she will get the money to pay her grandfather's hospital bills. Fortunately, billionaire Zach has come into her life. He...