contact 4.1

16.9K 299 0
                                    

Andrea

" Hubby wake up "

Pero hindi parin siya magising kaya kumuha ako ng malamig na tubig at binuhos sa kanya.

Nagulat ito sa ginawa ko sa kanya animo na nagwawalang tigre ang reaksyon niya.

" P*t*! Naman oh natutulog pa " sigaw niya.

" Gising na hubby "

" Ano ba problema mo? "

" My god hubby nakalimutan mo na yata yung lakad natin? "

" Anong Lakad? " curious niyang tanong sa akin.

" Unang araw ng wedding seminar natin atsaka ngayon na makukuha yung marriage license "

" Ikaw na lang pumunta tinatamad ako wifey "

" Hindi pwede kailangan tayong dalawa ang pumunta kaya bumangon ka na diyan at mahuhuli na tayo "

" Ok! Fine! Babangon na po "

" Dun lang ako sa sala hihintayin kita bilisan mo tanghali na "

" Okay "

Lumabas na ako ng kwarto namin at bumaba sa may sala naupo ako sa may sofa.

Mahigit isang buwan narin kaming nagpapanggap bilang husband and wife kahit mahirap kinakaya naman si lolo naman medyo bumubuti na ang lagay

Ilang sandali pa bumaba na si Zach naka suot siya ng polo at riped pants tapos rubber shoes na itim ang sinuot niya.

" Palitan mo nga yang suot mo ang baduy baduy "

" Ayoko nga ano kaba eto na yung uso ngayon "

" Okay bahala ka sa buhay mo "

Sumakay na kaming dalawa ni Zach sa kotse niya sa likod ako umupo.

Ilang sandali pa nakarating na kami sa may munisipyo.

Nauna na akong bumaba samantala si Zach naghahanap pa ng parking.

Agad kong hinanap yung pila para sa pagkuha ng marriage license buti wala masyadong nakapila tatlo lang pumila na ako.

Ilang sandali pa nakuha ko na yung marriage license namin agad kong hinanap si Zach akita ko siya sa labas ng munisipyo.

" Hoy hubby! " sigaw ko.

" Ano na nakuha mo na ba yung marriage license wifey? "

" Yup so tara na "

" Teka saan tayo pupunta? "

" May Seminar pa tayong pupuntahan hubby "

" Ikaw na lang pumunta "

" Hindi pwede dapat kasama ka "

" Fine! Saan ba yun? "

" Dun daw sa may room 09 sa may second floor "

" Okay "

Dumirecho na kami ni Zach sa may room 09 second floor may mga ilang couples na rin ang naroon.

" Kayo po ba sina Mr and Mrs Faulkerson? " tanong ng isang magandang matandang babae.

" Opo " sagot ko.

" Pasok po kayo "

Pumasok na kaming dalawa ni Vince sa loob at nagsimula na ang seminar.

" Tandaan ninyo na hindi madali ang pagaasawa kaya dapat pagisipan ninyo ito ng mabuti hindi ito bagong lutong kanin na pag napaso ay iluluwa ninyo kaya dapat pareho kayong may gusto "

" Ok po " sabi ng mga kasama namin.

" Sa ngayon tatawagin ko kayo isa isa at ikukuwento ninyo kung paano kayo nagsimula bilang couples ang mauuna ay sina future Mr and mrs Faulkerson stand up at ishare ninyo ang inyong love story "

Nagulat kaming dalawa ni Zach kaya agad akong tumayo at pumunta sa may harapan ayaw nga pumunta ni Zach pero pinilit ko siya.

" Hello po ako po si Andrea Mendoza at siya naman si Zach Faulkerson "

" Okay simulan ninyo na ang pag kwento sa love story ninyo "

Ayun na nga kinuwento namin ang aming love story na hindi totoo dahil hindi namin pwedeng sabihin na nagpapanggap kaming husband and wife.

" Thank you for that wonderful story i hope na marami ang kinilig sa kwento ninyong dalawa "

" Kiss " sigaw ng mga kasama namin na dumalo sa seminar.

Kahit ayaw naming gawin wala no choice kaming dalawa ni Zach kung di ang mag kiss nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya at saka hinalikan siya.

Nagpalakpakan naman yung mga kasama namin sa seminar.

Tumagal din ng mahigit dalawang oras ang seminar.

" Natapos na rin ang walang kwentang seminar " bulalas ni Zach

" Hubby bukas ay may seminar ulit tayo "

" What?! Meron pa?! "

" One week seminar natin "

" Ikaw na lang "

" Kailangan tayong dalawa ang magkasama sa seminar natin "

" Fine! Fine wala naman akong choice kung di ang dumalo sa pesteng seminar na ito pero infairness ang galing mo gumawa ng kwento "

" Yung kinuwento ko galing sa isang sikat na nobela pero siyempre may dagdag at bawas yun para hindi nila mahalata na hindi totoo yun "

" So ano ihahatid na kita sa hospital para bantayan ang lolo mo? "

" Nandun naman yung pinsan ko medyo pagod ako ngayon "

" Okay Wife "

Billionaire's Contract Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon