Last 8 chapter na lang
Zach
Biglang sumakit muli ang ulo ko pagpikit ko isang babae malinaw ang mukha.
Tinawag niya akong hubby bigla kong naalala siya si Andrea my soon to be wife.
Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto.
" Tisoy saan ka pupunta? " tanong ni Aling Josie.
" Naalala ko na po ang lahat lahat kailangan ko ng bumalik sa fiance ko mauuna na po ako "
" Sigurado kaya mo na ba? "
" Kaya ko na po salamat po sa lahat lahat ng tulong hayaan ninyo po babawi ako "
" Kung ganoon ipapasama kita kay mang mando sa sakayan papunta ng maynila "
" S-sige po "
Tinawag ni Aling josie si Mang Mando at lumabas na nakasalubong ko si Dina.
" Tisoy "
" Zach "
" Zach saan ka pupunta "
" Uuwi na ako sa fiance ko "
" Fiance? "
" Oo naalala ko na ang lahat babalik na ako sa fiance ko salamat sa tulong mo Dina "
Nabitawan ni dina ang hawak niya at tumakbo papalayo.
Hahabulin ko sana siya ng pigilan ako ni Aling Josie.
" Hayaan mo na kakausapin ko na lang siya kailangan mo ng umalis Zach "
" Salamat po Aling Josie "
Inihatid na ako ni Mang mando sa sakayan ng bus pa maynila at binigyan ng pamasahe.
" Pakisabi sa pamilya ni Dina salamat sa tulong "
" Makakarating Zach "
Sumakay na ako ng bus papuntang maynila.
" Humanda ka Winston sa nalalapit kong paghihiganti at kamatayan lang ang makakapigil sa akin " bulalas ko habang nakatingin sa may bintana ng bus papuntang maynila.
Dina
Tumakbo ako papalayo at sunod sunod na pinagbabato ang mga bato.
Hindi pwede ito si tisoy na nga lang pagasa ko nagkaroon ng love life naging bato pa.
" No! Akin ka lang tisoy "
" Anak marami pa namang ibang lalaki diyan "
" No! he's mine akin lang siya "
" Anak naman "
" Hindi ninyo ako naiintindihan "
" Kung mahal mo siya palayain mo "
" Ma ang sakit sakit "
Lumapit si mama at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.
" Anak kaya mo yan marami pa namang iba diyan "
" Salamat ma lagi kang nasa tabi ko "
" Anak ina mo ako lagi akong nasa tabi mo kahit anong mangyari "
A/N: Ang mga susunod na chapters ang wildest revenge ni Zach kay Winston.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Contract Wife
FanfictionShe married him for the payment of her grandfather's hospital. He married her to get the company. **** Andrea doesn't know where she will get the money to pay her grandfather's hospital bills. Fortunately, billionaire Zach has come into her life. He...