Tangkad, chinito, gwapo, at matalino – what more could I possibly ask for?
He was my Mr. Perfect. Kumbaga, he was the one I was wishing for. Yung lalakeng makakaintindi sa pagiging abnormal at boyish ko.
We were fourth year high school students back then. Classmate kami simula second year hanggang fourth year.
--FOURTH YEAR HIGH SCHOOL, 2013--
Naks naman! Nakakaasar din tong palagi kang pinag-uusapan ng mga kaklase mong babae. Kesyo bitch, kesyo malandi raw, kesyo nagpapacute sa mga lalake. Ano pake nyo? Mas gusto kong makipag-usap sa mga lalake eh.
Just to clarify things, I am no bitch, slut, or any negative names that people call me. I grew up in a neighborhood where I was the only girl. Yup, one of the boys ako. Naglalakad na parang lalake at umuupo na parang lalake. Na-adapt ko yung ugali ng mga bestfriend ko.
Hindi ko rin alam kung bakit galit na galit sila sa akin. Nasanay nalang din ako. Kakapagod na kasing magparinig. Buti pa tong seatmate kong si Vince, parang walang problema sa buhay. Palaging natutulog eh.
Naka-experience ka na ba ng isang classroom na ngpapalit ng seat arrangement every grading? Ganito kami. Fortunately, si Vince ang nakatabi. No, don't get me wrong. Di porke't sinabi ko na "fortunately" eh may gusto ako sa kanya. Ano sya, sinuswerte?
Charing naman, 'describe yourself' nga ako. Teka, di mo pa alam pangalan ko diba? Hmm. Ako si Sylvia, Sylv for short. Maganda pero yung generic lang ang ganda, abnormal, boyish, AYAW KO NANG MATH, mahal ko ang pagsusulat, at chubby.
Si Vince, hmm. Paano ba ako magsisimula? Well, Vince is a kind-hearted guy, chinito, matangkad, MATALINO SA LAHAT NG SUBJECT (sya na tlaga!), gwapo, mabango, medyo kwela, walang pakialam sa mundo, at mahilig matulog.
Aaminin ko, nagkagusto ako kay Vince nung second year high school pa kami. I mean, who wouldn't be attracted to someone who was as 'perfect' as him? Pero ako kasi yung tipo ng babae na kapag di ako gusto, madali ko nang kinakalimutan ang feelings ko para sa kanya.
Yung kaklase mong HINDING-HINDI nagkakagusto sa mga tao? Ganern sya. Di mo maiisip na may magugustuhan sya kasi parang sobrang taas ng standard nya pagdating sa paghahanap ng magiging gf/bf nya.
Anyways, nasabi kong "fortunately" kasi kapag recess, di yan lumalabas sa room. Matutulog lang yan o makikinig ng music. Eto namang si ako na tamad, nahahawa na rin sa hindi paglabas ni Vince sa room kapag recess. Good for me! Diet + baon saved!
BINABASA MO ANG
[On-going] Ako na si TANGA
RomanceSino bang tanga ang bibitaw sa Mr. Perfect niya? Ako. Ako na si TANGA.